Napansin ni Gretel ang kakaibang awra ni Yvonne. Ibang-iba sa mataray nitong awra kanina. Tao nga naman, 'pag sikat saka lang gano'n? Unfair lang, nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Lihim siyang naaaliw sa madaldal na si Yvonne. Hanggang sa matapos ang kanilang niluto at sabay na kumain silang tatlo ng hapunan. Pero agad ding umalis si Yvonne dahil night shift ito sa trabaho. "Kayo na lang muna ang mag-occupy dito. Hindi ko alam kung kailan ako uuwi since stay in ako sa trabaho ko. May duplicate keys naman, ibibigay ko na lang sa inyo ang isa. Sayang naman, konti lang ang oras na nakasama ko kayo," nanghihinayang na tugon ni Yvonne sa dalawang kausap. "Salamat, Yvonne. Malaking tulong ang offer mong 'yan," seryosong saad ni Zairus sa dalaga. Ngumisi si Yvonne at mabilis a