Pansin ni Zairus ang kakaibang energy sa anyo ng magandang dalaga. Hindi nawawala ang matingkad na ngiti na nakapaskil sa mga labi nito. Aaminin niyang hindi mahirap mahalin ang isang tulad nito, kaya lang dumating ito sa buhay niya kung kailan may tinatangi na ang kanyang puso. Si Alina. "Alam mo ba, Z. Sobrang saya ko, imagine, para lang tayong nag-date?" masiglang tugon ni Gretel sa binata. "Well, masasabi kong date nga ang tawag dito. Pero hindi sa dalawang taong nagmamahalan. This kind of date is for you, para hindi ka ma-bored sa hotel. Remember, huwag mong kalimutang mag-disguise mamaya paglabas natin sa kotse. Pinagbigayan lang kita ngayon," ani Zairus sa dalaga. "Pero salamat, ang saya ko dahil kasama kita. Sana hindi na matapos pa ang araw na ito, Z. I know it's kinda weird