Nagising si Gretel na may tali ang kanyang mga kamay at paa. Kasalukuyang nakahiga siya sa malambot na kama. Damn! Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Wala naman siyang naramdamang kakaiba. Good! Pero naririnig niya ang tila seryosong usapan sa labas ng kwarto since sira ang naturang bintana. Maalikabok pa ang naturang lugar. Argh! Allergy pa na man siya sa alikabok. Pinipigilan niya ang mapa-atching. Sh*t! Sabay takip siya sa kanyang bibig at ilong sa tuwing inaatake siya na tila mapapa-atching. Argh! Kailangan makatakas ni Gretel. Inilibot niya ang tingin sa malawak na kwarto. And she found out na may comfort room. Kailangan niya iyong mapasok baka sakaling may bintana roon. Pero bago iyon, kailangan niya munang makawala sa kinahihigaan niya. Kailangan niyang makalag ang ilang gapo