"Ang sabi nang doktor anytime pwede ka na daw lumabas. By the way, mamaya darating si Manay Dolce mo at ang ilang mga kasamahan mo," ani Zairus sa dalaga. "Inaasahan ko na 'yan," sagot ni Gretel sa binata na ngayo'y binabalatan ang ilang prutas. Kunot-noo na nakamasid siya sa ginagawa ng binata. It was her first time na bago kainin ang mansanas at grapes ay binabalatan pala ito? "Bakit mo binabalatan ang mga 'yan?" "Nasanay na ako na binabalatan sa tuwing kumakain ako nito," sagot ni Zairus. "Alam mo bang ang balat ng apple contains significant levels of vitamins and minerals that are lower or almost non-existent in apple-flesh? Para sa'kin ba 'yan?" ani Gretel sa binata. "Hindi, para sa aso," pamimilosopo ni Zairus sa dalaga. "Aso? Ako pwedeng maging aso, heto naman hindi mabiro