Naiiling na tinanggal ni Gretel ang kanyang pinky finger mula sa butas ng ilong ng natutulog na binata. Naririnig na niya ang mahina nitong hilik. He look so handsome, napadako ang tingin niya sa mga labi nitong bahagyang nakanganga. Damn! Napaisip siya, ang sarap lang maramdaman ang mga labing iyon sa kanyang mga labi. Naitanong niya tuloy ang sarili, ano kayang feeling na mahagkan ng isang Zairus? Totoo nga kaya ang kasabihang hihinto ang mundo kapag nahagkan ka sa mga labi ng taong matagal mo ng inaasam-asam? Libre lang mangarap ika-nga. Tumayo na siya at nilisan ang natutulog na binata. Tinungo niya ang kwarto. Nakiramdam muna siya sa kanyang tiyan. Medyo kumalma na ito. Sana lang maging okay na. Muli, naglakad siya patungo sa kwarto. Nang biglang mahagip ng kanyang tingin ang isang