Nakangiting pinakatitigan ni Aling Dia ang makinis na mukha ni Gretel. Hanggang sa dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata. Nagulat ito nang makita siya. Ngumiti siya rito. "Ako nga pala ang Nanay Dia ni Zairus," sagot niya sa gulat na dalaga. Napabalikwas ito ng bangon. "N—nasaan po ako?!" bulalas ni Gretel at inilibot ang tingin, pagdakay napangiwi siya sa sakit. Oo nga pala, may sugat ang kanyang kaliwang-balikat at may daplis ulit siya sa kanang braso. Argh! Ramdam niya rin ang pananakit ng kanyang katawan. Siguro, dahil ito sa nakakagimbal na engkwentro nila kanina. Ngayon lang niya napansin na gumagabi na pala. "Huwag ka munang bumangon, hija. Baka mabinat ka pa. Mabuti at gising ka na, tamang-tama may niluto akong tinolang manok at ginataang gulay. Dadalhin ko na lang dito ang ha