Saka lang napagtanto ni Gretel ang mga maling lumalabas sa kanyang bibig. Damn! Baka maging dahilan pa iyon para i-cancel ng binata ang plano nitong makitira sa kanyang poder. Lihim niyang sinita ang sarili. Nang hindi sinasadyang mauntog ang kanyang ulo. "Aray!" "Barilin mo na ang mga asungot!" utos ni Zairus sa dalaga. Saka lang napagtanto ni Gretel na nasa gitna nga pala sila ng naturang labanan. Oh, gosh! At nagawa pa niyang mag-daydreame? Ngayon lang bumalik sa reyalidad ang naglalakbay niyang diwa. What the! Maagap na kinuha niya ang baril mula sa tagiliran ng binata. "Yes, sir!" biro pa ni Gretel. Nang mapalingon siya sa bintana nang kotse sumalubong sa kanya ang kamay ng isang lalaki at hinila nito ang kanyang buhok para mabitawan niya ang naturang baril na hawak. At dahil sa