Kadiliman, yan ang unang sumalubong sa kanya.
Para s'yang nakalutang sa kawalang walang tiyak na hangganan kung saan purong kadiliman lang ang kanyang nasa harapan.
Sa kanyang mga nakayapak na paa, ramdan niya ang lamig at mama-masang inaapakan na di n'ya matukoy kung ano.
Dahan-dahang inihakbang ang mga paa pasulong kahit di n'ya alam ang tiyak na patutunguhan. Isa, dalawa, tatlo, apat na hakbang hanggang sa natagpuan nalang niya ang sarili'ng tumatakbo tungo sa liwanag na nasa malayo na sa umpisa'y animo'y isang bituin sa itim na sandaigdigan hanggang sa lumao'y natagpuan nalang niya ang sarili na nakaharap sa isang pinto'ng bahagyang nakabukas.
Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto at inihakbang ang mga paa papasok sa isang silid na pamilyar sa kanya.
Ito ay walang iba kundi ang silid nilang mag-asawa.
Sa loob ay naroon ang sarili niya na nakahiga sa kama habang pinapa-ire ng kangyang ina ngunit tanging buka lamang ng kanilang mga bibig at wala siyang marinig na tinig mula sa mga ito.
Ilang sandali pay pinanganak na n'ya ang kanyang panganay at ang ilaw sa taas ay bahagyang umaandap-andap na animo'y alitaptap sa gitna ng dilim.
Pinagmasdan niya ang sariling hirap sa pagluwal nito at napadako ang tingin niya sa may pintong pinanggalingan kung saan pansin niya ang animo'y anino na untin-unting kumakalat sa buong silid patungo sa kama kung saan siya nahiga, kasabay sa pagluwal niya sa kanyang pangalawa ang paghiwa ng matalim na kidlat sa itim na kalangitan at ang animo'y anino na umabot na sa kanyang higaan kung saan kinain nito ang bagong silang niyang sanggol na nawala nalang
Nag-decide kami na maglakad nalang dahil hindi naman 'yon ganoon kalayuan. Medyo mainit lang pero may payong naman. Para na rin ma-exercise naman ang mga paa namin.
Nang malapit na kami sa papasok malapit sa bahay nila Lit ay nakita ko kaagad siyang nakaabang sa bungad.
"Lit!" tawag ko. Nakuha ko naman agad ang atensyon niya. Nagmadali akong maglakad saka mabilis na yumakap sa kaniya. Bagay na nakasanayan na naming gawin.
"Luh, makapaglandian 'tong dalawang 'to sa harap ko, akala mo wala ako dito, eh," reklamo ni Karina na inismiran ko lang. "Ginawa niyo pa akong third wheel."
"Sinong nagsabing third wheel ka?" malisyosong sambit ni Lithony. "Tara na," 'aya nito saka hinawakan ang palad ko.
"Holding hands pa ang mga putangina. Holding hands at yakap muna bago label. Mas nagtatagal kapag walang label," bulong ni Karina na mukha namang sinadya niyang iparinig sa akin.
"Inggit ka lang, ulol," sagot ko habang natawa.
"Tangina niyo. Maaga kayong magkakaanak sa kalandian niyo, eh."
Tingnan mo 'tong pinsan ko, parang hindi pamilya. Nanunumpa. Nagyakap at holding hands lang, buntis agad. Akala mo naman. May lumipad na sperm ganoon? Parang si mama.
"Tangina mo! Bakit nandito ka?!" bungad ni Karina kay Angelo.
"Tangina ko, bakit nandito ka rin?!" sagot naman niya. Inirapan ko nalang silangdalawa. Hindi naman na bago 'yung lagi silang nag-aaway.
Sakto lang ang bahay nila Lithony. Hindi maliit, hindi malaki. Balita ko kasi ay dalawa nalang sila ng papa niya ang nakatira dito na hindi naman palaging umuuwi dahil may trabaho.
Halos wala namang gamit ang bahay nila. Maayos at malinis kahit hindi naka-tiles. Clear lang na semento. Isa pa, maliwanag dahil sa mga nakabukas na bintana at see-through na kurtina.
"Upo muna kayo. Kunin ko lang 'yung pagkain," sabi ni Lit.
"Sama ako," sambit ko. Hindi na kami napansin ni Karina't Angelo dahil nagtatalo silang dalawa sa channel ng TV.
Sumunod ako kay Lithony papunta sa kwarto niya. Pasikreto nalang akong napa-wow dahil mas maayos pa ang kwarto niya kaysa sa kwarto ko. Nakaayos ang mga medal at certificates sa isang bahagi ng dingding. Maayos rin ang kama niya. Maayos na nakasabit din ang gitara sa dingding at sa isang tabi, nandoon ang damitan niya na maayos na nakatupi kaya maganda tingnan kahit open lang.
"Maayos pa yata ang kwarto mo kaysa sa kinabukasan ko," sambit ko kay Lithony na kaniya lang tinawanan.
Mabilis akong humilata sa kama na gumawa ng kaunting tunog habang siya ay may kinuhang storage box sa ilalim ng kama.
"Alin ang gusto mo?" sambit niya sabay pakita ng storage box na puro pagkain ang laman.
"Hindi ko naman alam na naglalaro ka pala ng tinda-tindahan
dito sa kwarto mo, mahal," pang-aasar ko sa kanya habang nagkakalkal ng makakain.
"Oo. Laging gutom mga costumer kong demonyo dito," sagot niya. Nagkatawanan lang kaming dalawa.
Nanatili akong pumipili ng pagkain habang siya ay nakatingin sa akin. Ramdam ko kasi ang mga titig niya. Medyo awkward lang pero ayos lang naman.
Pinilian ko na rin si Karina at Angelo ng kanila. Matapos pumili ay tumingin din ako kay Lithony saka ngumiti ng bahagya. Ngumiti lang din ito bago kumilos upang ibalik ang storage box sa pinagkuhanan niya.
"Nag-gi-gitara ka pala?" tanong ko habang tinitingnan ang bawat kilos niya.
"Medyo lang. Hindi ko maharap dahil masyado akong busy sa swimming," sagot niya.
"Lady Yvaine, here's the documents that you need." Sabi ni Mikay sa akin at nilagay ang mga documents na hinihingi ko sa kanya kahapon.
"Good work. You can leave now." Malamig kong sabi sa kanya habang hindi nakatingin sa kanya.
"Yes, Lady Yvaine." Rinig kong sagot niya at lumabas na sa kwarto ko.
Tumigil ako sa pagtitipa sa keyboard saka sumandal sa sandalan ng upuan ko dahil nakakapagod palang magpanggap na ako si Yvaine. Tatlong araw na akong nandito sa mundong ito at sa katawan ni Yvaine. Binalik ko ang tingin sa PC para tignan ulit ang nilalagay ko sa word na naglalaman patungkol kay Yvaine.
Buti na lang talaga ay wala ang kuya ni Yvaine dahil may business trip at next week pa ang balik nito. Kaya gagamitin ko ang chance na yun para maging si Yvaine para walang manghihinala sa akin kahit na alam ko na wala siyang paki pero mabuti na yun kaysa mabuko. Kahit hindi matalino sa ibang bagay si Yvaine ay magaling naman ito when it comes to geek stuff just like hacking ang programming.
Hindi naman ganon kahirap dahil nga madali naman ako matuto dahil sa IQ na meron ako. Kahit kaluluwa ko lang ang nandito ganoon din ang IQ ko at hindi ito nawala. Malaking pasasalamat ko talaga ang magkaroon ng ganitong utak dahil sa nangyayari sa akin. Bakit naman kasi ang daming alam ng author pagdating sa mga places, affairs at iba pang bagay?
Pinaghalo ba naman ang Empire, Military, Mafia, Entertainment Industry and Business Tycoons. The Empire is controlled by a single ruler, that is the Emperor or the Empress. They managed to keep the four pillars under control and that is the Military, Mafia, Entertainment Industry, and Business Tycoons. Dahil sa Utopia ang pangalan ng Empire kailangan balanse ang lahat para walang gulo na magaganap. Present lagi ang Imperial Family sa apat na pillars.