Chapter 5

1984 Words
Kim's POV "Ih..." Tili ko nang makabalik ako galing comfort room. "Anong tinitili mo?" Tanong ni Tala. Wala pala si Nicole dahil may meeting ata sila sa club nya. "Kasi naman. May gwapo akong nakita dun sa cr! Te! Ang gwapo talaga! Parang nagfade ung pagkacrush ko kay Sir Henry tapos nalipat sa kanya." Kwento ko sa kanya. Bahagya naman syang natawa at umiling. "Seryoso? Ilan ba ang crush mo, Kim? Hahaha. Pero gwapo ba talaga?" Tanong naman ni Tala. "Ahm. Hahaha. Hindi ko alam kung ilan. Hahaha. Di ko na ata mabilang. Hahaha. Pero ou te! Ang gwapo talaga. Mukhang kadepartment lang natin un dahil andito naman sya." Sabi ko at ngumiti ng malawak. "Hantingin ko nga un. Hahaha." Dagdag ko pa. Tinawanan lang naman ako ni Tala at umiling, tapos nagdrawing ulit. Di naman nagtagal dumating na ung prof namin at sakto naman ding dating ni Nicole na may mga hawak envelope. "Ano yan?" Tanong ko ng makaupo na sya. "Reviewer para sa Quizmart." Mahinang sabi nya tapos itinago sa bag nya tapos nakinig. Nakinig na din ako para naman may matutunan ako kahit papaano. ---------- Lumipas ang bwan at nawala ung pagiging papansin ko kay Sir Henry, dahil napunta dun sa lalaking hanggang ngayon hinahanap ko pa din. Hahaha. Tahimik na lang ako medyo sa klase ni Sir, pero nagpapahaging pa din ako. Hahaha. Pero hindi na katulad noon. "Tara na! Lunch na tayo." Sabi ni Tala nang makalabas na ung aming prof at makapagligpit. "Let's go." Sabi naman ni Nicole. Tumayo na sya kaya tumayo na din ako at naglakad na palabas. Habang naglalakad kami pababa ng hagdan. May biglang sumagi kay Krystal kaya muntik na syang mahulog buti at may sumalo sa kanyang lalaki. "Hoy! Mag ingat nga kayo! Mga hayop to!" Sabi nung lalaki na nakasalo kay Tala. "Okay ka lang, Miss?" Tanong nya kay Tala. "Ah. Yeah. Okay lang." Sabi ni Tala na parang nakatulala na lang. Nagtataka naman akong tumingin dun sa lalaki na saktong napatingin samin ni Nicole. Sabay naman kaming nagulat ng magtama ung mata namin! Shet! Sya ung lalaki dun sa cr! "Ikaw ung lalaking bumanga din sakin nung nakaraan ah!" Pakunwaring galit ko pero char lang syempre. Hahaha. Natawa naman sya ng unti. "Ow... Sorry. May hinahabol lang talaga ako nun kaya nabangga kita. Sorry." Sabi nya na nakangiti. "By the way, im Alex. You are?" Tanong nya sakin. "Im Kim, tapos si Krystal naman yang hawak mo. Eto naman si Nicole." Sabi ko sabay pakilala din dun sa dalawa. Tinignan naman nya isa isa tapos nung napunta ung tingin nya kay Nicole. Hindi naalis. Patay! "Hi, Kim, Krystal and Nicole." Sabi nya pero kay Nicole lang nakapako ung tingin. Ngumiti lang ung isa at walang sinabi. Mukhang si Nicole ang kursunada... Sorry! Not available na yan. Hahahaha. Kaya naman lumipat ako sa harap ni Nicole para ako ang tignan nya. "Opx! Tama na! Baka matunaw." Sabi ko pa at ngumiti. Natawa naman si Tala dahil mukhang nagets nya ung sinabi ko. "Atska bitawan mo na yan. Okay na sya, diba?" Sabi ko pero kay Tala nakatingin. Agad nya namang tinignan ung kamay nyang nakapulupot kay Tala at agad ding inalis. Tsansing ang putek! Hahaha "Sorry about that." Nakangiting sabi nya. "Maglalunch na ba kayo? Pwede sumabay? My treat." Sabi nya. "Wow! Real quick ka ah! Sorry. Hindi pwede, but maybe next time." Sabi ko. "So, bye Alex and nice to see you." Dagdag ko pa at nagtuloy nang bumaba kasama ung dalawa. Narinig ko naman na nagpaalam sya kila Nicole pero wala akong narinig na sagot galing dun sa dalawa. "Akala ko ba crush mo yun? Bakit tinanggihan mo nung sinabing itetreat tayo ng lunch?" Tanong ni Tala na ikinatingin nung dalawa samin. Dumeretso na kasi kami dito sa cafeteria after ng incident dun sa hagdan. "Ay syempre pakipot muna tayo. Baka sabihin easy to get ako! Dapat medyo lang. Hahahaha." Sabi ko na ikinatawa nung dalawa. Di ko na lang pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ko pagkataos ko silang irapan. Araw lang ang lumipas at napapansin kong laging andun si Alex kung saan way kami nadaan lagi nila Nicole. Nung una akala ko coincidence lang pero hindi! Lagi talaga syang andun at binabati kami, syempre bilang mga mabubiting tao, bumabati din kami pabalik sa kanya at sa mga tropa nya Until one day, someone from his friends caught my attention! His name is Shaun. Engineer sya pero tropa sila ni Alex. Paano ko nalaman, usap usapan sya dito sa department namin. Shaun has full of charisma look na halos lahat ng babae mapapatingin sa kanya. Walang palya ang pagkagwapo. Maputi, malinis ang pagkakagupit ng buhok, labi na medyo manipis at medyo mapula, isang hikaw na maliit sa tenga na nagpadagdag ng appeal nya, mga matang medyo may pagkakatulad ng kay Sir Henry. Minsan lang ako makaramdam ng gantong feeling. Hindi maalis ung tingin ko sa kanya everytime na nakikita ko sya. I know it so unsual to me, kahit sa nga past relationships ko nung HS ko, hindi ganto ung pakiramdam ko. Mukhang natapos na ang select, select ko at nakapagswipe to the right na ang puso ko dahil pakiramdam ko. Nahulog na ko sa kanya kahit hindi naman kami nag uusap talaga. "Hoy! Baka matunaw? Kanina ka pa nakatingin. Kumain na." Rinig kong sabi ni Tala sakin kaya napatingin ako sa kanya. "Type mo ung lalaki nuh?" Sabi ni Tala at hindi man nya ituro alam ko na kung sinong tinutukoy nya. "Halata na ba? Gwapo kaya. Atska ang lakas ng appeal! Lalaking lalaki." Sabi ko at tumingin ulit kila Shaun na nakatingin samin kaya agad akong umiwas ng tingin. Kaming dalawa lang naman ni Tala ngayon. Hindi na namin gaano nakakasama si Nicole dahil busy sa mga compete nya for school. Sobrang busy nun kaya naman minsan nakaexcuse sya sa class namin. "Hindi naman. Pero lagi ka lang nakatingin sa kanya. Friend ba yan nung Alex?" Tanong nya, tumango naman ako. "Ano pangalan nyan?" Tanong naman ni Tala. "I don't know. Simula nung nakausap natin si Alex, hindi naman na naulit un puro bati na lang." Sabi ko at sumubo ng pagkain ko. Tumango lang naman sya at pinapatuloy na din ang pag kain. Syempre ayokong sabihin na kilala ko sya dahil hindi ko naman talaga sya kilala, i just know his name and his course because of the girls who are always talking about his handsome and charismatic look. Sa makalipas na ilang bwan, laging may ganung scenario samin nung Shaun, lagi lang syang nakatingin sa grupo namin at minsan nagtatama talaga ung mata namin kaya ako na din minsan ang umiiwas. "Okay! So guys. Ilang linggo na lang matatapos na ang first year nyo. Masaya ako na nakasama ko kayo at of course hindi lang kayo ang natuto pati ako natuto sa mga reasonings at excuses nyo. Hahahaha. Next week, finals na natin. Kaya I expect all of you to review your notes." Sabi ni Sir Henry. Sa totoo lang nawala talaga ung attention ko kay Sir. Hahaha. Siguro kasi nga he is older than me, and it feels like he is my Kuya. Dahil un naman ung pinaparamdam nya samin dito sa klase. "But before i forgot." Sabi nya tapos tumingin tingin sa paligid. "Asan na naman si Nicole? Gala ung batang un." Sabi nya kaya natawa kami dahil nagkakamot pa si Sir ng ulo nya. "Ms. Santos, pakisabi na lang kay Nicole, pumunta sya sa office ko. I have something to tell her." Nakangitinging sabi nya, nung bigla syang tumingin sakin. "Sureness, Sir Henry! Ikaw pa. Malakas ka sakin ih." Sabi ko na may pakindat pa. Hahahaha. Natawa na lang si Sir at umiling iling. Pati mga blockmate ko matawa. "Ikaw talaga, Kim. Hahahaha. Sige na. Salamat sa inyo. Mga bilin ko ha. Ingat kayo sa pag uwi." Sabi nya at umalis na. Pag alis ni Sir, syang ingay naman ng mga blockmates namin. Kanya kanya ng labas at nang ayos ng mga gamit. Ganun na din ang ginawa namin. Mukhang may meeting na naman si Nicole. Tsk! Matatapos na ang school year, meeting pa din. "Kim. Una na ko ah! Andyan sila Mama sa labas. Inaantay ako. Ingat ka sa pag uwi! Wag ka ng gumala ah! Deretso uwi." Sabi ni Tala nang makababa kami sa ground floor. "Ou na. Uuwi na din ako, daanan ko lang si Nicole." Sabi ko at nagbeso pa kaming dalawa. Ska sya patakbong umalis, ako naman pumunta muna ng comfort room para mag ayos ng unti. Dahil dadaan pa ko kay Nicole. Paglabas ko ng cr, syang labas din ng grupo nila Alex sa comfort room ng mga boys. Agad akong nakita ni Alex dahil na din nakaharang sila sa daan ko. "Hi Kim, wala ata mga kaibigan mo?" Bati nya sakin. Ngumiti muna ko bago sumagot. "Ou. Nauna na atska may meeting ung isa." Sabi ko naman at nagexcuse para makadaan. Hindi pa man ako nakakalagpas, tinawag nya ko ulit para daw ipakilala ung mga kaibigan nya. "Guys si Kim, kadepartment ko. Wala ung mga kaibigan nyang magaganda parang sya ih." Nakaakbay na sabi nya. At some point, naiilang ako sa akbay nya, pinipisil pisil nya kasi na parang minamasahe. Malandi ako at maharot pero alam ko naman respetuhin ang sarili ko, kaya inalis ko bahagya ung kanyang kamay na nakapatong sakin pero binalik nya ulit. Aalisin ko pa sana ulit pero naunahan na ko ng isang kamay. "Pre, can't you see, she's uncomfortable with your touch." Sabi nito kaya napatingin ako at nakita ko ung mukha ni Shaun na nakatingin kay Alex. "Ow. Sorry." Sabi nito at inalis nang tuluyan ung kamay nya at lumayo ng unti sakin. "Thank you." Mahinang sabi ko kay Shaun at ngumiti. Ngumiti lang din naman sya at inilahad ung kamay nya. "You're welcome. Shaun, by the way." Sabi nya. Kinuha ko naman un at nakipagshake hands. "I know." Sabi ko kaya nakita ko syang nagsmirk. Shocks! Dapat pahinhin ng unti, Kimberly! "I mean, i know kasi i heard your name here in our department kasi lagi kayong andito." Pagdepensa ko sa sarili ko na parang mali ata. Narinig ko naman na tumawa ung grupo nila Alex. Pagtingin ko nakatingin sila saming kamay. Kaya agad kong nahila ung akin. Shocks! What happened to me?! Natatameme ako! Ano ba yan! "Ow. Okay." Nakasmirk pa din na sabi nya. Ngumiti naman ako ng alanganin. "Okay. Ahm... Paano una na ko kasi may pupuntahan pa ko. Bye sa inyo. Nice to meet you all." Sabi ko at nagmadaling tumalikod. "Bye Kim. Take care cause i care for you." Rinig kong sabi ni Shaun kaya mas nagmadali akong naglakad paalis dun. Shocks! He cares for me daw! Ano ba yan! Kinikilig ata ako! OMG! Kasi naman! He's so gentleman and caring. Lalo na ung ginawa nya sakin dun kay Alex. "Kim!" Tawag ng kung sino habang maglalakad ako papuntang club nila Nicole. Nilingon ko un at nakita ko si Sir Henry na naglalakad habang nakangiti. "Kanina pa kita tinatawag, hindi mo ata ako naririnig. Nicole and I are already met baka kasi magkasalisi tayo, buti nakita kita." Sabi nya. Di naman agad narehistro sa utak ko ung sinabi nya kaya nakatulala ako. Naiimagine ko pa din kasi si Shaun. "Hey. Okay ka lang?" Sabi nya habang pumipitik pa sa harap ko. Kaya nabalik ako sa reyalidad. "Ow. Opo. Okay lang ako. Ah! Nagkita na po kayo ni Nicole, tama po ba? Papunta pa lang po kasi ako sa kanya." Sabi ko naman. Ngumiti lang sya. "Ah. Okay na. I talk to her already. Pwede ka na umuwi. Ingat ka." Ayun lang ung sinabi ni Sir tapos nagpaalam na. So dahil nakapag usap naman na daw sila, uuwi na ko. Naglakad na lang ako palabas ng campus at umuwi ng bahay habang iniisip pa din ung scenario namin ni Shaun kanina. Nakakahiya! Natameme ako! --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD