Chapter 4

3208 Words
Kim's POV "Hi Pa! Kumusta po kayo dyan?" Tanong namin pareho ni Ad ng makita namin si Papa sa screen ng laptop na gamit namin. [Okay lang naman ako. Kayong dalawa at ang Mama nyo, kumusta? Asan pala un?] Tanong ni Papa. "Nasa kusina, Pa. Nagluluto po. I miss you na Papshie!" Sagot ni Ad na ikinatawa ni Papa. [Miss ko na din kayo. Ikaw Adriene! Umayos ka ha?! Baka may boyfriend ka na dyan. Tanggap kita pero wag naman magboyfriend.] Sabi ni Papa kaya natawa ako kasi ung itsura ni Ad parang pinagsakluban ng langit at lupa. "Papshie naman! Paano ang beauty ko kung hindi makikita ng mga Papables dito sa pinas! Pero sige. Hindi muna ko magboboyfriend hangga't walang boyfriend si Ate Kimbeng." Sabi nya at ngumiti sakin. "Ayun nga lang mukhang tatandang dalaga to Papshie kasi lahat sa kanya gwapo. Walang pinipili. Kaya hindi rin pinipili. Hahahaha." Dagdag nya pa kaya naman nakarinig ako ng malutong na tawa kay Papa. "Grabe, Pa! Tawang tawa. Kasi ang ating perspective! Collect Collect then Swipe to the left pag ayaw tapos swipe to the right pag gusto! Tapos push the button! Ganun! Ikaw kasi puro swipe to the right ih. Hahahaha." Biro ko sa kanilang dalawa. Tawa lang naman ng tawa si Papa dahil sa sinabi ko. [Basta! Wag lalaki ang tyan ng hindi pa tapos sa pag aaral! Usapan natin yan. At syempre nang hindi kasal.] Sabi nya kaya tumango ako at nag thumbs up. At biglang napaisip. "Pa! Paano si Ad! Lumalaki na ang tyan hindi pa tapos sa pag aaral?" Sabi ko kaya hinila naman nung isa ung dulo ng buhok ko. Ang sakit ah! [Yang kay Adriene, itatae nya lang yan tas liliit na ulit yan. Hahaha. Kaya mawawala din yan.] Sabi ni Papa. Natawa lang kami pareho ni Ad at sumagot sa kanya. Nagkwentuhan pa kami dun bago kami pinalitan ni Mama. Kami naman ni Ad tumayo para maghain ng pagkain. Sakto namang natapos kaming maghanda. Narinig naming nagpapaalam na si Mama kay Papa kaya lumapit kami at nagpaalam na din, ska kami kumain ng sabay sabay. Si Ad na ang maghugas ng pinggan nang matapos kaming kumain. Ako umakyat na agad sa kwarto ko at humiga. Syempre pumunta muna ko sa gc naming magkakaibigan. Pero mukhang tahimik silang dalawa, siguro dahil nagpapraktis si Nicole laya tahimik tas si Danica panigurado nag mamarathon ng EXO nya. Tss... Add ko na nga lang si Krystal dito sa gc namin pero mukhang tahimik din sya ngayon. Dahil wala akong magawa nag tingin na lang ako sa f******k. Tingin tingin, scroll scroll hanggang sa nalaglag ang phone ko sa mukha ko. Tanga! Ang sakit! Hahahaha. Ilang beses pang nangyari yun hanggang sa naisipan ko na lang matulog kasi pakiramdam ko nangangamatis na ung ilong ko. Kawawa naman! Hindi na nga katangusan mababawasan pa. Kinabukasan, sabay ulit kami ni Nicole. This time, sa gate na lang kami ng campus nagkita dahil nalate ako ng gising. Hahahaha. Base sa dapat na gising ko para magsabay kami papuntang school. Pagdating namin ng room agad kaming tumabi kay Tala at agad din umalis si Nicole. Of course! Dahil dun un sa praktis nila ng mga blockmate namin. Libre pala ang lunch namin ngayon. Yes! Oportunista na pero sayang kasi un. Sila naman ang nag alok. Hahaha. Atska hindi dapat tinatanggihan ang grasya! Di naman nagtagal, dumating na ang bebe ko! Hahahaha. Ow gosh! Ang gwapo talaga ni Sir Henry! "Ang gwapo ni Sir! makalalagpanty ung ngiti! Takte!" Mahinang sabi ko na ikinatawa lang nung dalawa. Hmp! Totoo kaya! Ung dimples nya! Yummy ih! Hahaha. Hindi macho si Sir pero mukhang nagwowork out! Kasi ung damit nyang button down polo! Swak sa sa kanya kaya swak sya sa budget ko! Hahahaha Nag intro lang saglit si Bebe ko tapos ska na nag umpisa ang Introduce Yourself with Twist. Nauna ang mga nasa unahan hanggang sa sila Irine na ung tutugtugan ni Nicole. After ng pakilala at sabihing kakanta sya agad na tumayo si Nicole at ang cool talaga nya pag nag gigitara! BFF ko yan! After ng talent ni Irine, bumalik din agad si Nicole sa tabi ko, ayun nga lang. Hahahaha. Dapat hindi na kasi kasunod nun si Claire, ung isa pa nyang tutugtugan. Hahaha. Kaya naman tinawanan namin syang dalawa ni Tala nung tumayo ulit sya para tumugtog. Biniro pa sya ni Tala. Hahaha "mamaya wag ka na bumalik kasi mapapagod ka lang." sabi ni tal na tumatawa pa kaming dalawa. Hahaha "Sira ulo!" sagot naman nya dun at mas ikinatawa naman naming dalawa. "You again! i wonder kung sino pa dito ang iaaccompany mo." Sabi naman ni Bebe ko. Kinanrer ko na talaga ang pag tawag ng bebe ko sa kanya. Hahaha. Anyway! Ayun na nga napansin sya. Mamaya ako naman ang magpapapansin sa kanya. Hahahaha. At nagtuloy tuloy pa nga hanggang sa napunta na samin. Unang tumayo si Tala, pinakita nya lang ung mga calligraphy nya. At mamaya aarborin ko ung gawa nyang pangalan ko! Ganda! After nya... Syempre ang magandang si ako na. Hahahaha. Kailangan nating magpapansin kay Sir. Hahahaha. Crush ko talaga si Sir, sorry na. Tumayo na ko at maglakad papunta harap. "Ako nga pala si.." pabitin ko at humarap ako kay Sir Henry "Lovely Kimberly Santos but you can call me sweetie if you want." sabi ko habang nakatingin kay Sir Henry. Nakita ko namang natawa lang si Sir sa ginawa ko at umiiling iling pa. Habang umaayos ng tayo dahil nakalean sya sa table nya napatingin naman ako kila Nicole na parang hiyang hiya. "Easyhan mo lang baka mawala scholarship mo!" Sigaw ni Nicole na hindi na nakapagtimpi. Hahahaha. Tumawa naman ang buong klase pati ako pero syempre dapat prim and proper tayo. "Epal ka talaga! anyway 18 years old na ko basta friendly naman ako wala akong ayaw o gusto sa tao bahala ka sa buhay mo, ugali mo yan ih." dagdag ko pa at nginitian naman ang classmates namin. "So scholar din po ako dito pero half lang. di ako kasing talino ng isa dyan ih!" Sabi ko sabay tingin kay Nicole. Kaya napunta sa kanya ung mga tingin ng ilan. "Oh! Sakin na ulit ang tingin sya naman na ang sunod kaya sakin na muna kayo tumingin." sabi ko na kunwaring nagtatampo, Pero charot lang yun! Hahaha. "So sasayaw po ako ngayon at tutugtugan po ako ni Nicole!" Sabi ko at mukha naman nagulat si Nicole dun. Nakita ko pa syang tumingin kay Tala na tinatawanan sya. Ako din naman natawa na lang. Hahahaha. Sorry my very beautiful best friend, lubusin ko na. Hahahaha Nakasimangot naman syang lumapit sakin at tinarayan pa ko. Hahahaha. Sorry na! Hahaha "Galing! anong kanta madam?!" Inis na sabi nya sakin. Hahaha "Despasito beybe!" Sabi ko at kumindat pa sa kanya, sya naman tinaasan lang ako ng kilay. "Ang galing talaga! sana sinaksak mo na lang ako!" Bulong nya kaya natawa ako kasi naman. Inis na inis. Hahaha. Hindi ko talaga sinabi sa kanya na magpapagitara ako kasi alam kong kokontrahin nya ko. Hahaha. Mas maganda on the spot! Hahaha Tumayo sya sa gilid at inayos ung gitara nya. Inirapan pa ko bago mag umpisa. "Wag ka na kumanta. Magstrum ka na lang ha." Mahinang bulong ko. Tumango lang sya at nag umpisa na. Habang ginagawa nya un, inumpisahan ko na ding igalaw ang balakang ko paikot at igiling un. Im a great dancer. Tumigil ako saglit at tumingin kay Sir na nakayuko, napatingin sya sakin nang biglang maghiyawan ang mga kaklase ko. Paano ba naman sumayaw ako sa harap halos ni Sir. Hahahahahaha Nakita ko naman si Sir na ngumiti at umiling iling. Correction! Hindi lang ako ang gumawa ng pang aakit kay Sir ah! Meron din. Kaso hindi nila pinahalata, ako kasi bulgar! Bakit ba? Wala namang masama ata. Pero wait! Ung scholarship ko! Hahahahaha. Bago pa ko matanggalan ng scholarship, huminto na ko at tumawa. "Tama na nga! baka mawalan ako ng scholarship nyan ih!" Natatawang sabi ko. "Wow! Ngayon ka pa natakot kung kelan ginawa mo ng sayawan si Sir sa harap?" Singhal ni Nicole at umiiling din. Hahahaha. Sorry na my bff. Hahahaha. Nagbow lang ako kila Sir at sa mga classmate ko. Tapos pumunta na sa taas para tignan naman si Nicole na syang magpapakilala naman. "Iba din ang pakitang gilas natin. Hahahaha. Giling kung giling." Asar sakin ni Tala kaya natawa ako. "Opkors naman! Todohan na natin. Minsan lang ih! Hahaha." Sagot ko at naupo na. Nagpakilala lang si Nicole at syempre ang talent nya. Nakakarinig kami ni Tala ng mga comment about kay Nicole at sa pagkanta nya na sya mismo ang nagsulat. At base sa meaning ng kanta para to panigurado kay Tita Ja. Kaya naman napangiti ako at nagthumbs up pa. She really nailed it! Walang kakupas kupas! Narinig ko pang sinabi ni Sir sa kanya na irecord nya for his friend. Yiee! Hahahaha. Recording Artist yarn?! Hahaha "Ang galing nyong magkaibigan. Pareho kayong magaling." Sabi Tala kaya napatingin ako sa kanya. Sakto naman na umupo na sa tabi namin si Nicole kaya sya ang nagsalita "Pareho tayong magaling. Kaibigan ka na namin kaya kasama ka sa magaling." Sabi ni Nicole. "At syempre hindi lang magaling! Maganda din." Sabi ko na ikinatawa namin at ikinaagree nilang dalawa. Pinuru pa ulit ni Tala si Nicole at pumalakpak pa at syempre hindi ako papatalo! Pinuri ko din ang kaibigan ko. Nakinig na lang kami sa iba at natatawa sila sakin dahil sinasabi ko na nagpapacute ung mga classmate namin kay Sir kahit hindi halata. "Bulgar ka kasi." Sabi ni Nicole. Pero natawa lang ako at hindi nagsalita. "Pero okay nang maging bulgar kesa ung patwitams kuno tapos maharot naman pala. Mapagtitiisan ko na yang ganyang ugali mo. Lab kita eh! Pakiss nga!" Habol nya kaya napangiti ako. Sabi sa inyo lab ako ni Nicole kahit lagi akong inaasar nito ih! Hahaha "Yiie! Labyuto!" Sabi ko at lumapit sa kanya para ibigay ung kiss na sabi nya pero tinulak lang ako ng bruha habang natawa. Natapos na lahat magpakilala kaya naman nagsalita na ulit si Bebe ko. Hahahaha. Nakangiti lang akong nakatingin kay Sir Henry. Minsang tumatama ung mata nya sa side namin tapos napapailing hindi ko alam kung bakit dahil siguro nakikita nya ang magandang ako. Hahahaha. Bago sya umalis, pinaalala nya kay Nicole ung record ng kanta. Tapos umalis na. Inasar ko naman si Nicole about dun, minention ko pa si Kuya Daniel at ang Tala akala mo nanalo sa lotto kung makapagreak! Hahaha. Pero hindi naman kami gaano pinansin ni Nicole. Sakto naman na may prof nang dumating kaya naman nakinig na lang kami kahit wala ako gaano maintindihan. Hahahaha. Charez! Hahaha Discuss Discuss Discuss "Yes! Break na! After 4 hrs, 37 minutes and 34 seconds. Kakain na din." Sabi ko kaya tinignan lang ako ni Nicole na parang 'mukha kang tanga' look kaya natatawa ko syang hinampas. Hahahaha. Bago pa man kami makalabas. Tinawag kami ni Irine... Owww! The foodang! Hehehehehe "Nicole. Here." Sabi ni Claire sabay abot ng paper bag samin. "Hope you like it. Thank you ulit ah. Next time ulit." Sabi nila tapos nagpaalam na samin. Napasalamat na lang din si Nicole tapos tinignan ung binigay nila. At dahil chismosa ako, nakitingin din ako at ang gaga! "Oh?! Ikaw na tumingin." Sabi nya habang Inaabot sakin. Hahaha. Walang hiya talaga tong babaeng to. Pasalamat sya lab ko sya. Hahahaha. "Nakikisiksik. Kitang ang laki laki ng ulo nya." Biro nya kaya natawa si Tala. "Hoy! Ang liit lang ng ulo ko nuh?! Bumabagay sa maganda kong face." Sabi ko at nagflip pa ng hair bago sila tinalikuran para mag lakad. Nang makarating kami sa cafeteria, andun na si Danica kaya naman. Naupo na kami kung saan sya naroon. Sinabi namin sa kanya ung about dun sa recording at tuwang tuwa ang bruha. Hahaha. Gusto din nyang marinig ung kanta ni Nicole. Kaya naman napagpasyahan namin na after naming kumain. Irerecord namin sa grounds. Nagpunta kami sa grounds at dun nga namin nirecord. Tahimik din kasi dahil wala namang gaanong pumupunta dito unless tatambay katulad namin. After marecord, mangiyak ngiyak naman si Danica dahil sa kanta ni Nicole. Mahina akong napatawa dahil maarte talaga tong babaeng to. Minsan lumalabas ung pagiging mayamang maarteng attitude nya. Hahaha Dahil tapos na nga, pinaalis na namin si Danica dahil 1 hr lang ang vacant nya, kami kasi 2 hrs vacant kaya makakagala pa kami. Hahaha. Naglakad kami papunta ng office ni Sir Henry at laking gulat namin dahil ang daming mga estudyante. Ano to?! Madami akong kaagaw kay Bebe ko! "Ako na lang ang magbibigay! Sige na oh! Support mo ko dito!" Sabi ko nang muntikan ng umalis si Nicole. Sa daki kasi ng tao ayaw na nyang ibigay. Ayaw nito sa atensyon kahit na madaming tumitingin sa kanya. "Ganun mo talaga ka crush si sir? na okay lang sayong makipagsiksikan?" Tanong ni Tala at mabilis naman ako tumango habang nakangiti. "Ahm... Yes. Hihihi" nakangiwing sabi ko. Tinignan naman nila ko na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Ih kasi naman.. sayang ung record tas diba si Sir naman mismo nagsabi... Kaya sige na!" pangungulit ko kay Nicole. Bumuntong hininga lang naman sya at para wala na talagang magagawa. "Sige na.. Ou na. ikaw na magpasa kay sir nyan. Ayusin mo ah! At isa pa! Wag mong gagamitin ang pangalan ko para makuha ang number ni Sir! kekeltokan talaga kita ng solid!" Nanlalaking matang sabi nya habang itinataas pa ung kamay nya. Tumango lang ako habang natatawa, alam nya ang aking mga maiitim na balak. Hahahaha. Umiling na lang sya dahil alam nyang may part sakin na pwede kong gawin pa din un. Naglakad na sila ni Tala, sinulyapan pa ko ulit bago ako kumaway sa kanya. Sakto naman na pagdaan nila ng pinto ni Sir, bumukas un at sila ang nabungaran. Medyo nagulat pa dahil madaming estudyante sa labas ng office nya. Nag usap lang sila dun at napangiti ako ng tinuro ni Nicole. Yiie! Napansin din ako. Hahahaha. Mas lumaki ung ngiti kong nang palapitin ako ni Sir. Taas noo akong naglakad papalapit sa kanila. Hmp! Tsupi kayo! Mainggit kayo to death! Hahahahaha. Tinignan ko ung mga babae na andun at talagangatalim ang tingin nila. Agad kaming niyaya ni Sir papasok ng office nya pero huminto sya at humarap sa mga estudyante at sinabing umalis na nga. Kasi naman! After nyang sawayin ung mga girls, nagatyloy na kaming maglakad at nagflip pa ko ng buhok unti para sabihin. Special kami! Hahahahaha. Tinawanan lamg ako ni Tala ng mahina dahil dun. Pagpasok namin agad kaming pinaupo ni Bebe ko. Kaya ako naman, sitting like a b***h! Hahahaha. Syempre pinaupo kami, umupo kami. Hahahaha Hinanap ni Sir ung phone nya pero parehi kaming napangiwi ni Tala ng makitang yayamanin ung phone ni Sir kesa sa phone na gamit naming pangrecord. Havang nag iisip kami ng pwede naming gawin. Bigla akong napapalakpak. Shet! Nagagaya na ko kay Tala. Hahahahaha. "Eh kung kantahin mo na lang kaya ulit dito tas sa phone na ni Sir irerecord. para di na mahirapan pa!" Suggest ko habang naka upo ng sobrang komportable. Hahahaha. Nakita ko naman na napangiti si Sir bago nagsalita. "Great idea Ms. Santos, pwedeng dito mo na nga lang ulit irecord. If it's okay with you." Sabi nya kaya naman nagdiwang ako sa loob loob ko. Yes Sir! Im great kaya jowain mo na ko. Hahahahaha. Charot! "Ahm.. sige na nga po. mukhang no choice naman na po kasi andito na rin kami. Hehehehe" Sabi ni Nicole at inayos ung gitara nya. "Yun! so anong need mo para sa recording mo?" Masiglang sabi ni Sir at parang nag iba ung mood nya. I mean he is so professional and matured kung titignan pati na din pag nasa klase pero ngayon parang tropa tropa nya lang kami. Oww! He is so crushable na talaga! Hahahaha. Tara at wasakin na si Sir! Hahahaha "Ahm. katahimikan lang po. pakitapalan na lang po ung bibig ng babaeng yan, para po hindi marinig ung tili nya. Salamat po." Sabi ni Nicole. Sabay turo pa sakin. Grabe to! Ipahiya daw ako sa crush ko. Hahaha Napanguso naman ako kasi natawa si Sir! Grabe. Hahahaha. Pero totoo nagpapacute lang talaga ako. Hahaha. Kahit no need naman na dahil bukod sa maganda at sexy ako, cute pa ko! Hahahahaha. Ganun kataas ung self confidence ko! Gusto nyo?! Bigyan ko kayo. Hahahaha "Okay. i'll do that for you and here's my phone nasa record na yan pindutin mo na lang." Sabi ni Sir, medyo nagulat pa ko nang tignan ako ni Sir Henry. Hindi ako handa! Sir! Nanggugulat! "Wag ka muna maingay ah. I just need this song for my friend kaya gusto ko iparecord. Thanks." Nakangiting sabi nya sakin kaya hindi ko din alam pero nag init bigla ung mukha ko! Shet! Nakakahiya ka, Kimberly! Hahahaha Nakarinig ako ng tawa kay Tala pero hindi ko pinansin dahil nahihiya pa din ako sa paglapula ng mukha ko! Nakakainis! Hindi kasi ako handa! Hahahaha. Buong pagrerecord ni Nicole, tahimik lang talaga ako at hindi nagsasalita dahil pa din dun sa biglang tingin ni Sir. Tingin lang un pero hindi na ko makarecover agad! Paano pagjowa ko na sya! Hahahahaha. Ou! Advance ako ih! Hahahahaha. Natapos na magrecord si Nicole, kaya inabot na nya ung phone kay Sir. "Thank you ulit Ms. Ferrer for the song. i'll treat you three some snacks kung okay lang din ulit. Hahaha." Natatawang sabi ni Sir. s**t! Ang gwapo talaga. Ung dimples! Ang sarap tusukin! "Hindi na po sir. Okay lang po. Sana po mag enjoy ung kaibigan nyong pagbibigyan nung kanta. maramdaman nya po ung meaning nung kanta. Okay na po ako dun. Hehe." Sagot ni Nicole at ngumiti. Tapos inayos na ulit ung gitara nya para ibalik sa bag nito. Tumngo naman si Sir. "I'm sure maeenjoy na to" sagot naman ni Sir na siguradong sigurado. "Salamat ulit." nakangiting sabi nya. Ngumiti na lang kami. Tumayo kami at naglakad na palabas. Nagpaalam at nagpasalamat kami kay Sir tapos naglakad na papuntang classroom pero bago pa kami makapunta dun. Tinatawag ako ng kalikasan. I mean na iihi ako! Gosh! "Ahm! Una na pang kayo sa room. I need to ihi ihi! Babosh!" Sabi ko at nagmadaling pumunta sa comfort room. Pagpasok ko ang bango talaga dito. Hahahaha. Pang mayaman din. Charot! Hahaha. Dumeretso ako sa cubicle at dun na naglabas ng tubig sa akin katawan. Nagpunas lang ako tapos lumabas. Naghugas ng kamay at tinignan ang sarili. Palabas na ko ng comfort room ng biglang may bumangga sakin at ouch! Amg sakit ah! "Aray ah!" Singhal ko after kong makarecover sa pagkakabangga nya sakin. "Sorry, Miss. May hinahabol lang ako." Sabi nya. Inangat ko sya ng tingin para sana talakan pero wait lang! Gosh! "Ahm. Okay. Lang. Naman." Sabi ko at ngumiti ng pilit. Ang gwapo kasi nya. Syems! Ganto pala dito! Grasya na ang nalapit. Ngumiti naman sya tapos umalis na. Shocks! Parang mas crush ko na sya kesa kay Sir Henry.... Gosh talaga! Ano kaya pangalan nya? Sayang hindi ko natanong. Sana makita ko ulit. Tambay na lang kaya ako dito sa CR baka sakaling bumalik sya. Hahahaha ---------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD