DAAN PATUNGO SA KASIKATAN

1936 Words
CHAPTER 10 "Sorry. Hindi ko alam. Parang pakiramdam ko ngayon ako ang nagiging dahilan kung bakit nabunggo ang Nanay mo. Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko, tol. Sana patawarin mo ako." Natahimik ako. Nagwawala na ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog lalo na nang idinampi niya ang kaniyang pisngi sa aking pisngi habang nakasubsob ako sa kaniyang leeg. God! Ano 'tong pahirap na ginagawa niya sa akin. Bago ako sumabog ay minabuti kong ilayo ang katawan ko sa katawan niya. Pinilit kong ngumiti. "Sobrang tagal na no'n. Wala na akong dapat sisihin pa sa nangyari kasi naging maayos naman ang buhay ko ngayon. Nang nakilala mo ako, isa akong mahirap na batang si nanay lang ang nagmamahal. d**g p****r at user ang kuya at tatay ko. Na namatay rin ilang linggo pagkaraan na namatay si Nanay" "Oh my God at kinaya mong mag-isa ‘yon?” “Mabuti na lang pinuntahan ako ng Kuya Zayn ko na ngayon Papa ko na. Isang rebelde na may mabuting puso sa akin.” “Anong ibig mong sabihin?" Nakukuryente ako sa paglapat ng aming mga braso. Dama ko ang init niyon. Minabuti kong ilayo ang braso ko. "Rebelde ang ilan sa pamilya ko. Kasama na do’n yung umampon sa akin. Sundalo naman si Mama Sheine. Sila na ang tumayong mga magulang ko kasi wala na akong masasabing pamilya pa kundi sila na lang." Huminga ako ng malalim. Ito yung mga bahagi ng buhay kong ayaw kong balikan e. Yung katotohanang ulila na akong lubos. Hindi ko na napigilan ang tuluyang pagpatak ng aking luha. "Pero tapos na 'yun. Ayaw ko ng balikan pa ng alaala iyon." Pupunasan ko na sana ang luha ko nang maagap itong pinunasan ni Brad. "Sorry. Hindi ko lang mapigilan ang di maluha." Bumuntong-hininga ako. "Naging maayos din ang lahat pagkatapos nang maraming pagsubok. Itinuring akong tunay na anak ng mga umampon sa akin at mahal na mahal ko sila bilang mga magulang ko. Dahil sa kanila kaya naging maayos ang buhay ko ngayon. Itinuturing ko pa ring isang malaking himala na magiging ganito ang tinatamasa kong buhay mula sa halos nagiging patapon kong buhay bata." Nilingon ko siya. Nagkasalubong ang aming mga mata. Iniiwas ko ang aking paningin. "Mama Sheine at Papa Zayn? Sila yung sinasabi mong sundalo at rebelde na nagkatuluyan? Maalala ko kasi may gangyang kwento akong ginanapan sa teleserye. Tama. Yan yung “The Lady Soldier na nagpasikat sa akin. Don’t tell me na kuwento nila iyon?” tanong niya. “Tama, kuwento nga nila iyon. At dahil do’n nakilala ka nila. Nagustuhan ni Papa Zayn yung pagganap mo sa sa buhay niya.” “Oh God, hindi na kasi nila gustong humarap sa amin noon para sana makita ko yung actual na kilos at pagsasalita niya. Pero tulad ng sabi mo na nagustuhan naman niiya ang portrayal ko kaya malaking bagay na sa akin. Sana soon, I’ll meet them too para pasalamatan kasi dahil sa kuwento ng pagmamahalan nila, tinatamasa ko ngayon ang kasikatan na hindi ko kailanman inakala.” “Alam kong gusto ka rin nilang makilala at makita in person.” "Sana talaga makilala ko din sila balang-araw. Masaya akong malaman na naging maayos ka sa kanila. Iyon lagi ang hinihiling ko noong maghiwalay tayo. Na sana magiging maayos din ang buhay mo kahit hindi na ako." binuksan niya ang beer. Iniabot niya sa akin. "Drink! Let's celebrate. Kahit anong nangyari sa nakaraan, heto tayo nasa maayos na ding kalagayan." Kinuna niya ang isang beer. Binuksan niya din iyon. "Cheers!" wika niya. Pinag-untog namin ang hawak naming mga beer at sabay kaming tumungga. Napaitan ako ngunit pilit kong nilunok. Samantalang siya, parang tubig lang at muli pa siyang tumungga. "Ikaw, anong nangyari sa'yo? Naging sikat ka at ako naging fan na lang. Antagal kong hinintay na sana magkrus ang landas natin. Ilang taon din akong umasa na malapitan kita at heto nga natutupad na ang pangarap ko." "Talaga? Grabe ano! Ako din di ako makapaniwala kanina." Muli niya akong inakbayan saka tinapik sa balikat. "Kagaya mo, hindi rin naman naging maganda ang takbo ng buhay ko mula nang nagkahiwalay tayo. Ako, pagkatapos nating maghiwalay noon, kinupkop ako ng DSWD. Hindi ako pinuntahan ni Mama kahit ipinatawag siya. Pinabayaan niya ako at pinagtalikuran ang kaniyang responsibilidad sa akin." Tumungga siya ng beer. Nagkamot sa ulo. Tumayo at ini-on ang tv. Hininaan niya ito. Bumalik sa tabi ko. "Hanggang sa huling hininga ng Nanay mo, pinadama niya ang pagmamahal niya sa'yo. Mas masuwerte ka pa rin tol. Naranasan mong minahal ng Nanay mo. Iba ang kay Mama hanggang nang huli kaming nagkita, pinaramdam niya sa akin na isa akong malaking kamalian sa buhay niya. Dinalaw naman ako minsan at nagpapasalamat din ako dahil tinanggap niyang hindi niya ako maalagaan at tuluyang ibigay ang reponsibilidad sa Papa ko. Pagkatapos niyang sabihin kung sino ang ama ko na puwede nilang kontakin para ipaalam ang kalagayan ko ay hindi ko na muli pa siyang nakita. Humingi pa siya ng pera sa Papa ko bayad daw ng pag-anak at pag-aruga sa akin." Namula ang kaniyang mga mata. Tumingin sa akin. Nakita ko sa mukha niya ang kalungkutan. Gumuhit ang mapait na ngiti sa kaniyang labi. "Matagal ding panahon bago ako pinuntahan ni Papa. Halos mag-iisang taon din akong naghintay sa DSWD. Nang magkita kami. Casual lang. Parang hindi niya ako na-miss. Parang hindi niya ako anak." Bumunot ng malalim na hininga. Nangingig ang kamay kong hinawakan ang kamay niya bilang pagpapakita ng aking pakikisimpatya. "Hayun, isinama niya ako sa Manila." Pagpapatuloy niya. "Maalala mo ang sinabi kong isang artista ang Papa ko?" "Oo nga." Naramdaman kong siya na ang humawak sa kamay ko at pinisil-pisil niya iyon. Napalunok ako at di ko na alam kung paano ko huhugutin ang kamay kong hawak niya. "Totoo pala iyon. Dahil pamilyado siya at umiiwas ng iskandalo sa midya ay itinira niya ako sa isang lihim na apartment. Sinuportahan niya ako, pinag-aral, pinakain at dinamitan." Nilaro-laro ang mga kamay ko. pinagpapawisan ako. "Habang pinapanood ko siya sa mga luma niyang pelikula noon ay na-engganyo akong pasukin ang mundong pinasok niya. Kinausap ko siya. Sinabi kong gusto kong mag-artista. Pinapili niya ako noon. Mag-artista o mag-aral. Hindi ko alam pero bored ako sa pag-aaral. Hindi talaga para sa akin ang pag-aaral. Inisip ko, puwede naman akong mag-aral habang nag-aartista lalo na kung may sarili na akong pera. Pinili kong mag-artista dahil iyon naman talaga ang gusto ko at pinangarap kong gawin kahit noong mga bata pa tayo." Tumungga siya ng beer. Nagkunyarian din akong tumungga para lang mabawi ang kamay kong hawak niya dahil kung hindi ay paniguradong bibigay na ako. "Ipinakilala niya ako sa isang Talent Manager, hindi anak kundi isang batang gustong tulungan para sumikat at magkapangalan sa industriya. Masakit pala iyon, yung sa harap ng ibang tao, kailangan mong tawagan siya ng sir, yung hindi ka niya maipakilala bilang anak niya at hindi mo maramdamang may Tatay ka. Pakiramdam ko noon mag-isa lang ako sa mundo. Walang pumapansin sa akin, walang nagmamahal." Tumayo siya. "Beer pa? ubos na kasi ang beer ko. Sandali lang at kukuha lang ako sa ref." Kumuha siya ng tatlo. Muli siyang tumabi sa akin. Kumindat saka ngumiti. Katahimikan. Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko. Napakislot ako. "Mabuti nga dumating ka sa buhay ko noon. Dahil sa ipinakita mong pagmamalakasakit lalo na nang hinuli ako ng mga tanod, doon ko talaga naramdamang may kaibigan din pala ako. May taong nagmamalasakit sa akin." Bumaba ang kamay niya sa aking palad. Bakit ba niya hinawakan ang palad ko. God! Anong parusa ito. Okey sana kung di ako nagpipigil sa nararamdaman ko. Kung alam niyang mahal ko siya. “Wala na, ulilang lubos na rin ako.” “Ano?” “Namatay si Mama dahil sa sakit. Palainom kasi iyon at mahilig manigarilyo. The same year, sumunod naman si Papa. Alam mo yung masakit. Yung namatay silang pareho na ni isa, ni isang iglap, hindi ko naramdaman na mahal nila ako. Hindi nila sinabi na anak nila ako. Parang isa nga talaga akong pagkakamali lang sa kanilang buhay. Hindi ko sila natanong kung bakit, kung anong kasalanan ko. Umiiyak ako sa puntod nila ngunit sila sa akin, naramdaman kaya nilang kahit katiting ay anak nila ako?” Mabilis ang pagbagtas ng luha sa kanyang pisngi. Ako na ang umaalo sa kanya. HInaplos ko ang likod niya. Pinusanan niya ang luha niya at huminga ng malalim. "Nang una extra lang ako sa mga commercials. Sobrang tagal kong naghintay ng break. Meron pa yung papuntahin ako dahil may teleserye daw kaming i-shoot, kukunan ako ng mga pictures ngunit pagdating ng final casting hindi pala ako kasali. Mag-e-extra ka. Madaling araw nando’n na ako at kinabukasan nando’n pa rin at crowd lang pala ako. Ang ibibigay, 500. Nandiyang gamitin na ng mga talent scout ang mura kong katawan. Pikit mata kong ginawa kasi gusto kong makilala. Gusto kong sumikat. Lahat iyon tiniis ko. Lahat tinanggap ko kahit sukang-suka na ako sa sarili ko. Minsan napapaasa pa ako. Yun bang excited kang pupunta dahil may project ka nang inaasahan 'yun pala wala. Ang masakit ay yung may eksena na silang kinunan na kasama ka pero ang masaklap kapag umere na ang teleserye, malaman mong pinutol lang pala ang eksenang akala mo lalabasan mo na." Ngumiti siya. Nagkatitigan kami. Tinungga niya muli ang beer. Tumungga din ako. "Nainip ako sa paghihintay ng break para sa akin. Hanggang sa namatay si Papa pagkaraan ng dalawang taon. Iyon nga yung sinabi ko kanina. Nakalapit naman ako sa bangkay niya. Hindi isang anak kundi parang isang fan na nakikiramay sa pagkamatay ng idol niya." Doon ko na nakita ang pagbagsak muli ng kaniyang luha. Maagap ko siyang inakbayan. Hindi ko akalaing yayakapin niya ako. Nagtama ang gilid ng aming mga labi. Parang sumabog ang puso ko. Sandali lang iyon pero sobrang lakas ng naging impact niya sa akin. Ngunit parang wala lang sa kaniya. Parang walang nangyari. Tinapik ko ang likod niya. Huminga siya ng malalim. Pinunasan niya ang luha niya. Umayos ng upo. Muling tumungga ng beer. Said na naman niya ang isa. Muli niyang binuksan ang isa pa. Malakas na nga siyang uminom. Parang tubig na lang sa kaniya ang beer. "Lalo nang naging mahirap sa akin ang magkapangalan. Kung hindi ako gagawa ng paraan sigurado, tuluyan akong maglalaho kasi wala pa ako napapatunayan bukod sa paminsan-minsang paglabas na extra o kaya batang gaganap sa papel isang bida sa teleserye. Sa edad kong labing-apat noon, kailangan kong gamitin ang katawan ko para lang makapasok sa youth oriented na palabas sa hapon ng Linggo. Kahit hindi ako ang bida basta importante sa akin ay mapansin ako." Huminga siya ng malalim. Yumuko siya. Umiling-iling. "Daig ko pa ang callboy noon para lang makilala. Pumapatol para sa katiting na papel sa TV. Hirap no'n tol. Nandidiri ako sa sarili ko. Kinaiinisan ko ang ginagawa ko pero iyon ang tagong kalakaran sa showbiz. Iyon lang ang alam kong diskarte para makapasok. Sa edad kinse. Gamit na gamit na ang katawan ko. laspag na laspag na ako mismo hindi ko na kilala ang taong tinitignan ko sa salamin pagakatapo akong gamitin ng producer o director." umiyak na siya habang nakayuko. Gumalaw ang kaniyang balikat. Humahagulgol na siya. Lumapit ako sa kaniya. Hinaplos ako ang likod niya. Gusto ko siyang pakalmahin ngunit hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Lumingon siya sa akin. Puno ng galit ang mga mata. Basa ng luha at namumula ang kaniyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD