KAPALIT NG KASIKATAN

1026 Words
CHAPTER 11 "Hindi din naging madali ang lahat. Kailangan ko pa ring makipagsabayan kasi matindi ang kompetensiya. Kailangan kong mag-aral para magaling magsalita, dumaan sa maraming acting workshop. Grabe yung mga panlalait sa akin. Yung sobrang payat daw naman. Mukhang dugyutin at mabaho. Ginagamit ng mga sinu-sino. Pagpapahiya dahil nga wala akong alam pa sa pag-arte. Matigas ang katawan sa pagsayaw at wala sa tono sa pagkanta. Mukha lang ang meron ako noon. Tibay ng loob. Kailangan makapal ang mukha kahit sinisigawan ka ng di mo masikmurang pagmumura. Kung hindi ka sasabay mauungusan ka, kung tatahi-tahimik ka, di ka mapag-uusapan. Sa mga katulad kong nagsisimula, hindi importante kung bad publicity o good publicity ang lalabas, ang importante, pag-uusapan ka. Ang mahalaga hindi ka kakalimutan ng mga tao. Minsan, ang bad publicity pupuwedeng gawing good publicity. Puwede kang lalabas na kawawa, kaunting drama lang sa harap ng camera, kaunting pagpapakumbaba para mas papanigan ka ng tao. Minsan hindi sa kung ano ang tunay na nangyari ang lalabas kundi kung paano mo i-handle ang kontrobersiyal lalo na kung iniinterview ka na. Kung ang mga tao gusto ka, walang magagawa ang iilan na nakakaalam sa totoo o naninira sa'yo. Lalabas na tama ang mali, at ang tama ay magiging mali kung ayaw ka talaga ng tao." Tinungga niya ang hawak niyang beer. Sinaid niya iyon. Muli niyang kinuha ang isa pang beer pero hindi niya binubuksan. Nakita kong medyo hilo na siya. “Hindi ko alam na ganyan pala ang mga pinagdaanan mo. Akala mo, bigla na lang dumating ang swerte sa’yo. Sa likod pala ng mga tinatamasa mo ngayon ay gano’n kasakit at kahirap.” “Oo hindi naman lahat dumaan sa dinaanan ko. Kanya-kanyang daan lang sa pagsikat. Maswerte yung iba na bigla na lang nakilala. Naiinggit ako sa karamihan na walang kahit anong bahid na kadumihan sa katawan nang nagsimula. Malayong-malayo sa dinaanan ko. Iisa an gaming pinatunguhan, ang pedestal na kinatatayuan ngunit magkakaiba kami ng tinahak na landas patungo sa pedestal na iyon.” Tanging buntong-hininga lang ang naisukli ko sa sinabi niya sa akin. "Alam mo bang bago ako lumabas at naging bida sa isang teleserye kailangan kong pagbigyan ang makamundong pagnanasa ng isang director sa akin? Well, nasabi ko na kanina pero iba itong director na ito. Baboy. Masahol pa sa kababuyan ang ipinagagawa sa akin. Pero dahil sa tawag ng aking pangarap, pikit-mata kong ginawa iyon. Wala namang bago. Lahat na nga halos ng bakla sa industriya pinatos ko na. Lahat ng gusto niyang gawin ko sa kama kahit pakiramdam ko nabababoy na ako ay ginawa ko. Iyon ang tagong kalakaran, iyon ang hinihingi ng pagkakataon. Ang minsan na iyon ay maaring magdala sa akin sa pedestal na noon ko pa hinahangad. Hindi ako nagkamali. Naging simula na iyon ng aking pagsikat. Dahil sa kuwento ng mga magulang mo, doon ako nakilala. Papel na Zanjo ang tumatak sa utak ng mga tao. Napatunayan ko sa lahat na kaya kong umarte at puwedeng pantapat sa mga nagkapangalan na sa industriya. At ngayon na nasa pedestal na ako, ako na ang hinahabol, ako na ang pinapakiusapan para sa isang show o movie. Yung mga gumamit noon sa aking katawan, siya ko rin nakakasalamuha. Sila na ngayon ang nagmamakaawa na tanggapin ko ang project. Para akong poon na kanilang dinadasalan. Noon ay unti-unti ko nang naramdaman na marami nang nagkakagusto sa akin, marami na ang nakakapansin. Napunan ang kagutuman ko sa pagtanggap at atensiyon noong bata ako sa tinatamasa kong kasikatan ngayon. Nakamit ko ang pinangarap kong maging." Binuksan niya ang huling beer na hawak niya. "Inom pa tol. Ni hindi mo nababawasan ang hawak mong beer e." "Pasensiya na hindi lang ako sanay uminom." Pero tumungga pa rin ako. “First time kong uminom ng beer.” "Pero alam mo bang sa tuwing umuuwi ako at mag-isa dito sa condo ko, hinahanap ko pa rin ang tunay na pagtanggap, yung tunay na pagmamahal hindi dahil sikat ako kundi dahil sa ako ito. Sa harap ng camera, ibang pagkatao ang naipapakita ko, bawal ang mainis, bawal sumimangot, hindi puwedeng tumanggi kahit sobrang pagod ka na. Mahirap ngumiti maghapon at magdamag kahit hindi iyon ang tunay mong emosyon. Sa tuwing lalabas ka, hindi mo hawak ang oras mo, kailangan mong magbalat-kayo, kailangan mong itago ang pagkakilanlan mo dahil dudumugin at dudumugin ka ng mga tao. Wala kang ibang magawa kundi ang ngumiti sa harap ng kanilang camera at cellphone, mag-sign sa kung anu-anong magasin o kaya picture na hawak nila kahit hindi naman ikaw ang cover ng magazine na iyon. Mahirap tol. Sobrang hirap pero ito lang ang alam kong gawin. Dito ko lang nahanap yung kulang sa buhay ko na pagtanggap at atensiyon. Ngunit kailangan ko ng tunay na pagmamahal. Tunay na pagkalinga at hindi dahil sa sikat ako. Matagal ko ng hinahanap iyon. Mahirap sa katulad ko ang magkaroon ng ganoon dahil hindi mo alam kung ano ang tunay nilang motibo. Hindi mo alam kung sino ang tunay mong pagkatiwalaan. Marunong naman akong sumabay sa gusto ng iba ngunit nakakasawa din. Nakakapagod. Nakakatakot dahil hindi mo alam kung pain lang ang lahat para pabagsakin ka. Salamat tol, nahanap muli kita." Huminga ako ng malalim. Tumahimik kaming dalawa. Tinignan ko siya. Namumungay na ang kaniyang mga mata sa nainom. Nilagay niya ang palad niya sa hita ko. Lumapit siya sa akin. Dumantay ang mainit niyang katawan sa aking katawan. Inakbayan niya ako at hinawakan niya ang batok ko. Nanginig ako. Kakaiba ang kanyang titig sa akin. Tinutupok ng kaniyang tingin ang lahat ng naiiwan kong lakas. Hindi ko na alam kung may mahuhugot pa akong lakas para iwasan ang isang tukso sa harap ko.  NOTE FROM THE AUTHOR: SANA PO MA-SHARE NA NATIN SA PAGE NG DREAME ITONG ATING BAGONG NOBELA AT SA IBA PANG PWEDENG MAKA-RECOMMEND PARA SA ATING THE UNBEATABLE SUPERSTAR. PAKILAGAY NA RIN PO SANA SA INYONG LIBRARY PO. MAMAYANG HAPON PO ANG DALAWANG CHAPTERS. PANGATLONG ARAW PALANG PO MAY 11 UPDATES NA PO TAYO KAYA SANA BILANG KABAYARAN NG PAGOD PO, PLEASE RECOMMEND, FOLLOW ME AND ADD PO ITO SA ATING LIBRARY.  MARAMING SALAMAT PO. -JOEMAR ANCHETA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD