CHAPTER 60 Pagdating namin sa bahay ay nagsimula na akong kabahan para sa aking kaibigan. Lalo na nang pinapapasok na kami ni Kuya sa confession room. Wala na sina Bradley at Erin sa bahay. Hindi na namin nakausap pa sina Erin at Bradley kanina dahil dumiretso agad sila sa confession room. Di na namin sila muling nakitang lumabas pa. Tahimik kaming pumasok lahat sa confession room. Hindi ako mapakali para kay Miley. Magkatabi kami. Hawak-kamay naming inaabangan ang parusang ipapataw sa amin ni Kuya. Napakalakas ng kabog ng aking dibdib. Mukhang isa na sa amin ang lalakas at hindi na aabot pa sa big night. "Housemates, sa bawat task ay may sadyang madali o kaya mahirap." Pagsisimula ni Kuya. "Binigyan ko kayo ng task na kung saan ay maninilbihan kayo sa inyong mga amo, masakit man tang