The Unbeatable Superstar By: Joemar Ancheta Chapter 58 Nagngingitngit si Miley. "I quit at gusto ko lang sabihin sa inyo na para 'yan sa ginawa ninyo sa bestfriend ko. Kulang pa nga 'yan e. Pero sasabihin ko sa inyo, 'yan at yan ang huling babagsakan ng katulad ninyo. Bagay sa inyo sa putikan! Akala ba ninyo takot ako ma-evict? Excuse me? Wala akong balak mag-artista, may kaya ang pamilya ko at hindi ko kailangan makipagplastikan sa mga kagaya ninyo!" singhal niya sa dalawang artistang puno ng putik ang katawan at mukha. Tumayo si Bradley. Tinulungan niyang makatayo si Erin. Pagkatayo ni Erin ay akma na nitong susugurin si Miley. Inilabas na rin ni Erin ang totoo niyang ugali lalo pa’t wala na ang camera na nakatutok sa amin. "Walang hiya ka! Bastos kang bakla ka!" nanggagalaiti si E