Nagising si Hope sa hindi pamilyar na kwarto. Una niyang nakita ang chandeliers sa kisame. Kulay asul ang pintura ng buong silid at may mga painting sa bawat sulok ng kwarto. Dahan-dahan siyang bumangon at tinignan ang kabuuan nito. Nakita niya ang isang magarang sofa na pang dugong bughaw lamang. Isang study table sa isang sulok ng kwarto na may nakapatong pang laptop at nightstand naman sa gilid ng kama na kinahihigaan niya. Nagtaka siya. Nasaan ako? Anong nangyari sa akin? Memories suddenly flashed in her mind. May parang malakas na pwersa ang humampas sa taxi na sinasakyan niya at nahulog ito sa bangin. Lumubog sila sa tubig at hindi na niya alam ang nangyari sa kanya. Tumingin siya sa kanyang sarili nang may maramdaman siyang kakaiba. Nagtaka siya nang m