"Hope." Agad siyang napatingin sa kanyang Kuya Nicolai ng tawagin siya nito. "Bakit, kuya?" Tanong niya at nangalumbaba. "Isang linggo ka ng ganyan. Parang wala ka sa sarili mo. Ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong nito at umupo sa tabi niya. Bumuntong-hininga siya. Isang linggo na mula ng umalis siya sa palasyong 'yun at bumalik sa bahay ni Tita Nikki. Masaya naman ang mga ito sa pagbabalik niya pero parang may kulang sa kanya. Wala siyang gana palagi. Pakiramdam niya ay parang may naiwan siyang bagay doon na kailangan niyang balikan. "Wala 'to, kuya. Huwag mo na lang akong pansinin." Aniya. "Hope, sabihin mo nga sa akin kung ano ba talaga ng nangyari sa'yo sa isang linggong pagkawala mo?" Tanong nito. Tumingin siya sa kanyang kapatid. "Kuya, naniniwala ka b