Hope looked outside the plane's window. Nag-take off na ang plane na sinakyan nila ng kapatid niya at nasa himpapawid na sila.
"Kuya Nicolai." Tawag niya sa kuya niyang nakapikit pero alam niyang hindi naman ito natutulog.
"Ano?" Tanong nito.
"Sigurado ka ba dito? Hahanapin tayo nila, Mommy." Aniya.
Nagmulat ng mata ang kapatid niya at tinapik-tapik ang ulo niya. "Hindi ko hahayaang ipakasal ka nila sa lalaking hindi mo mahal kaya hayaan mo silang maghanap." Anito at sumandal sa kinauupuan nito.
"Saang bansa ba tayo pupunta?" Tanong niya.
"Sa Italy tayo pupunta."
Nagulat siya. "Ha? Kuya, wala tayong kilala doon." Aniya.
"Sinong nagsabing wala. Magtiwala ka lang sa akin, Hope. Akong bahala sa atin." Anito at muling pumikit. "Matulog ka na muna dahil ilang oras rin ang biyahe natin."
"Sige, Kuya ... ahmm, salamat."
Ngumiti lang ang kapatid niya.
She's indeed very lucky to have a brother. Mahal na mahal siya nito. Hinanda na pala nito ang lahat ng mga kailangan nilang travel documents bago pa siya ipakilala ng kanilang magulang sa anak ng business partners ng mga ito. Kaya walang naging problema. Ganito na talaga ang kuya niya noon pa. Napaka-over protective nito sa kanya. Parang na ngang ito ang nagsilbi na Nanay at Tatay niya kaysa sa mga magulang nila. Ang mga magulang nila kasi ay puro business ang inaatupag ng mga ito at nakalimutan na silang magkapatid. Kaya hindi sila mapaghiwalay kahit noong mga bata pa sila.
She sighed.
"Bye, Philippines." Aniya at ipinikit ang mata.
Paglabas nila ng airport ng Italy ay agad na kumuha ang kapatid niya ng taxi. Tig-isang bag lang ang hawak nilang magkapatid. Nang makapasok sila sa loob ng taxi ay nagtanong ang driver kung saan sila ihahatid. May sinabi naman ang kapatid niya.
Kumunot ang nuo niya.
"Kuya, saan ba talaga tayo pupunta dito sa Italy?" Tanong niya.
Ngumisi ang kapatid niya. "Sa isang malapit na kamag-anak natin dito."
Tumaas ang kilay niya. "Kamag-anak? Sa pagkakaalam ko ay wala tayong malapit na kamag-anak ang nakatira dito sa Italy."
Ngumiti lang kapatid niya.
Nagkibit siya ng balikat at tumingin sa labas ng bintana. Nakatingin lang siya sa mga nagtataasang mga gusali at sa mga parke na nadadaanan nila.
"Hope?"
"Bakit, kuya?"
"Ang phone mo?" Tanong nito.
"Nasa bag."
"Ibigay mo sa akin."
Agad naman niyang ibinigay dito ang cellphone niya. Nagulat siya nang sinira nito ang cellphone niya.
"Kuya, bakit mo sinira?"
"Para hindi tayo masundan nila Mommy at Daddy. Alam kong sa mga oras na 'to ay hinahanap na nila tayo." Seryoso nitong saad.
Napabuntong-hininga siya. "They will surely hate us."
"It's their fault." Ani ng kapatid.
Tumingin ulit siya sa labas ng bintana. Mukhang papalayo na sila sa syudad dahil unti-unti nang nababawasan ang mga gusaling nadadaanan nila. Napapalitan na ito ng mga nagtataasang mga puno at mga magagandang bahay.
Maya maya pa ay tumigil ang taxi. Nagbayad ang kuya niya. "Keep the change." Sabi ng kapatid niya.
"Thank you, sir." Pasalamat ng driver at bumaba na sila. Sa harapan nila ay may black gate na katangkad ng kuya niya. At may bahay na two storey.
"Halika na, Hope. Kanina pa nila tayo hinihintay."
Nagtaka siya. "Nila?"
Inakbayan siya ng kuya niya.
Sabay silang pumasok sa loob ng gate. Ang kapatid na niya ang nagdoorbell.
Nakarinig siya ng yabag na papalapit sa pinto at pinagbuksan sila ng may edad ng babae pero kahit may edad na ay maganda pa rin ito.
"Nicolai, hijo." Anito at niyakap ang kuya niya. Nagulat naman siya.
"How are you, Tita?"
"I'm fine, hijo." Kumalas ito ng yakap at tumingin sa kanya. Ngumiti ito at niyakap siya. Nabigla naman siya.
"It's nice to meet you, Hope." Sinapo nito ang mukha niya.
"Kilala niyo po ako?" Tanong niya.
Tumango ang ginang. "Kilala kita dahil nagpapadala sa amin ang kuya mo ng mga larawan mo. Anyway, pumasok muna kayo. Alam kong pagod kayo sa biyahe."
Pumasok sila sa loob ng bahay. Namangha naman siya sa interior design ng bahay.
"Nicole! Nicolai and Hope are here." Ani ng ginang. "Maupo kayo." Sabi nito sa kanilang dalawa.
"Salamat po." Aniya.
Magkatabi silang umupo ng Kuya niya sa malambot na sofa.
"Kuya, sino siya? At bakit parang kilalang-kilala niya ako?" Tanong niya sa mahinang boses.
"She's-" hindi naituloy ng kuya niya ang sasabihin nito dahil nakarinig sila ng yabag na pababa ng hagdan.
"Nicolai! I miss you!"
Agad na pumasok sa isipan niya na baka girlfriend ng kuya niya ang babae.
Tumayo ang kuya niya at yumakap sa babae-oh, men, you got to be kidding me?
"K-kuya, k-kakambal mo?" Nauutal niyang tanong dahil sa pagkabigla.
Doon naman parang natauhan ang babae at kumalas ng yakap sa kuya niya. Lumaki ng mata nito and her eyes filled with excitement. Nagtitili itong yumakap sa kanya.
"I'm happy to meet you, Hope. I'm Nicole."
Ngumiti siya na nauwi sa ngiwi. "Bakit magkamukha kayo ni Kuya?" Tanong niya.
Umupo sila.
"Refreshment." Nakangiting sabi ng ginang at inilapag sa center table ang tray na may lamang juice.
"Hope," huminga ng malalim ang Kuya niya. "Si Ate Nicole ay kapatid natin. Anak siya ni Tita Nikki na dating kasintahan ni Daddy. Mas matanda sa akin ng dalawang taon si Ate Nicole." Anito.
Her brother is already 27 while her is already 24.
"She's our half sister?" Aniya.
Tumango ang Kuya niya.
"Alam po ba 'to ni Daddy?" Tanong niya kay Tita Nikki.
"No." Sagot nito.
"Then papano po kayo nagkakilala nila Kuya?" Tanong niya ulit.
"Social Media." Sagot ng Kuya niya. "Pumunta sila noon sa Pilipinas at doon kami nagkita-kita ng personal. They're nice." Uminom ang Kuya niya ng juice.
Pabagsak siyang sumandal sa sofa. "I'm tired."
"Ahmm, Hope? Hindi ka ba galit na may anak sa ibang babae ang Daddy mo?" Napakagat sa labi si Nicole.
"Hindi, Ate." Aniya at nginitian ito. "Actually, naiinggit nga po ako sa'yo kasi mukhang hindi kinokontrol ni Tita Nikki ang buhay mo kumpara sa amin ni Kuya Nicolai." Aniya.
Niyakap siya nito. "Huwag kang mag-alala. Hindi nila kayo masusundan dito."
"Tama si Ate Nicole." Sabi ng Kuya niya.
"Halika kayo at para makapagpahinga na kayong dalawa. Saka na lang ulit tayo magkwentuhan." Ani ng ina ni Ate Nicole.
"Sige po."
"Halika na, Hope. I'm sure magugustuhan mo ang kwarto mo. Ako ang nag-ayos." Excited na sabi ni Ate Nicole at hinila siya.
Napangiti na lang siya at nagpahila sa Ate niya.
"Ate, huwag mong masyadong i-baby 'yan!" Narinig niyang sabi ng kuya niya.
"Inggit ka lang 'no!" Sigaw pabalik ni Nicole.
Napailing na lang siya. Sabay silang umakyat ng hagdan at nang makarating sila sa ikalawang palapag ay excited nitong binuksan ang isang pinto.
"This is your room."
Pumasok sila.
"Wow." Aniya at ngumiti.
"Nicolai said that blue is your favorite color."
Hindi niya napigilan ang sarili at niyakap ito. "Thank you so much, Ate."
"Welcome. Sige na, magpahinga ka na."
Ngumiti siya at umupo sa kama. Iniwan naman na siya ni Nicole para makapagpahinga siya. Ipinalibot niya ang tingin sa kabuuan ng silid. The wall was painted color blue. The bed and the curtain are color blue. May nightstand din.
Napahinga siya ng malalim at ibinagsak ang sarili sa kama. Ipinikit niya ang mata at hinayaan ang sarili na makapagpahinga.