UMUPO si Avery sa damuhan at nanood ng mga nagta-training sa field. Sa hindi kalayuan ay nakita niya si Ciara. Tumingin ito at sa kanya at nakita niya kung paano tumalim ang tingin nito at may sinabi ito sa mga kasamahan nito at kung ano man 'yon ay wala siyang pakialam. Dumako ang tingin niya kay Zachariah na ka-sparring nito si Warren. Avery's heart skip a bit. Woah. What was that? She choose to ignore it. Dalawang linggo na siyang nananatili dito sa Cresent Golden Moon Pack. Maganda ang pakikitungo sa kanya ng mga pack members at ikinatuwa naman niya iyon, maliban lang talaga kay Ciara na palaging matalim ang tingin nito sa kanya at madalas naman niya itong asarin at ngisihan. Niyakap niya ang kanyang tuhod at tumingin sa kabilang dulo ng malawak na training ground. May mga bata kasi