NAPABALIKWAS ng bangon si Aya nang maramdaman ang sinag ng araw sa lanyang mukha. Agad niyang hinanap ang mga anak ngunit wala na ang mga ito sa crib. "Nasaan ang kambal?" tanong niya kay Kurt na matiim na nakatingin sa kanya. Hinaplos ng asawa ang mukha niya. "Kinuha nina Mommy Courtney at Mommy Alicia. Nasa garden sila, pinapaarawan," sagot nito. "Nandito sina Mommy? Sana ginising mo ako para na-breastfeed ko muna sila," nakangusong sabi niya. "Marami pa ba silang milk? Nagkasya ba sa kanila 'yong nasa ref? Baka nabitin sa gatas ang mga 'yon." "Shhh, you worry too much, Sweetheart. Sobra-sobra ang napa-pump mo,' di ba? Maraming stocks ang mga bata." "Alright…let's go? Magbibihis lang ako 'tapos puntahan na natin sila." "Actually, pinapunta ko talaga sina Mommy dito para bantaya