MABILIS na lumipas ang mga araw sa buhay ni Aya. Sa mga nakalipas na buwan ay maraming mga hindi inaasahang pagbabago ang nangyari sa buhay niya. Parang kailan lang nang iligtas siya ni Kurt mula sa mga kinilala niyang magulang, ngayon ay dala-dala na niya sa kanyang sinapupunan ang anak nila ni Kurt. Naiinip na sa paghihintay si Aya sa pagdating Kurt. May usapan sila na susunduin siya nito ng alas sais ng gabi dahil magde-date sila. Pero dahil sa sobrang excited siya, alas kwatro y media pa lang ay bihis na siya. Five thirty pa lang ng hapon pero hindi na siya mapakali sa kinauupuan niya. "Thirty minutes pa," mahinang usal niya. Kanina pa tingin nang tingin sa kanya si Joey. Tapos na ang serbisyo ni Joey sa kanila pero halos lagi pa rin itong nasa bahay nila kapag wala itong assignm