Chapter 24:

2943 Words

Andrea’s Point of View Matapos naming makapag usap na apat ay nagdesisyon na kaming pumunta sa gym kung saan kasalukuyang nagaganap iyong seminar for business students. Ang totoo niyan ay iniisip ko na huwag nalang umattend dahil aantukin lang naman ako pero baka mapagalitan na naman kami. Kung hindi dahil sa pagtatanggol ng Princes sa amin kanina ay malamang kung ano ano nang sinabi o ipinagawa sa amin ng professor namin dahil sa pagka-cut namin sa klase niya. Agad naming hinanap ang mga kaklase namin para doon nalang din pumwesto nang mapansin namin iyong apat na lalaki sa bandang likod. May bakante pang upuan sa tabi nila kaya agad kaming lumapit. “Hey!” Napalingon sila sa amin nang batiin namin sila. “Saan kayo galing? Bigla nalang kayong nawawala.” Nagtatakang tanong ni Kevin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD