Sabrina’s Point of View Tapos na ang isang linggong sports festival ng school. Nagkaayos na rin kami nila Alexis dahil nalaman namin ang nangyari sa kanila ni Raiden. Kahit naman nagtatampo kami sa kanya ay hindi namin siya matiis. Sinabi niya rin ang tungkol sa kanila ni Lawrence nang araw na iyon na siyang kinagulat namin. “Andrea!” Pumasok ako sa kwarto ni Andrea. Nag aayos na ang bruha para sa pagpasok namin sa school. Isa pa ito, eh. Masaya ang babaeng iyan dahil totoo na ang sa kanila ni Kevin. Hindi na siya ginagamit lang ni Kevin para pagselosin iyong crush niya. “Ano?” Hindi agad akong sumagot at may hinanap sa kanyang closet. Nang makita ko ang isang bag niya ay agad ko iyong ipinakita sa kanya. “Hindi mo na ito ginagamit. Bakit?” Tanong ko sa kanya habang pinapakita iyong P