Alexis’ Point of View Halos manigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ni Lawrence. Hindi ko alam bakit niya ito ginagawa pero may parte sa akin na gusto nalang na panigan siya at paalisin si Rai pero ayoko rin namang maging bastos kay Rai. Wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Ayoko silang ipahiya pareho pero hindi rin naman ako pwedeng walang panigan sa sitwasyong ito. Tapos itong si Kevin, nakakaragdag sa kaba ko ang pagtawa niya. Bakit ba kasi siya nasa labas ng classroom at pinapanood ang namumuong tensyon sa pagitan naming tatlo nila Lawrence at Raiden? Mariin kong ipinikit ang aking mata. Damn it, gusto ko ba si Lawrence? Totoo ba talaga ang sinabi ni Lucille kanina na baka nga gusto ko si Lawrence at dahil hindi ako pamilyar sa pakiramdam na iyon ay naguguluhan ako bet