Andrea’s Point of View Dahil wala naman kaming balak na umalis ngayong break ay nanatili akong nakaupo sa silya ko at pinagmamasdan lang ang mga kaklase kong may kanya kanyang mundo. Bahagya lang na napakunot ang noo ko nang mapansin kong nakipagpalit ng upuan si Alexis kay David. Ilang sandali matapos iyon ay siya namang pagdating ni Lawrence. “Hindi pumasok si Lawrence sa unang klase natin, hindi ba?” Nilingon ko si Kevin na ngayon ay nilalaro ang kanyang labi habang pinapanood ang bawat kilos ng kanyang kaibigan. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Isang ngiting halos mapagsingkit sa kanyang mga mata. “Oo,” nagkibit balikat siya matapos iyon bago muling tingnan ang kaibigan niya. “Hindi naman kawalan kay Ace iyon. He can manage and catch up. Matalino ang isang iyan.” Tumango tango nal