Sabrina’s Point of View Sobrang tahimik ng kapaligiran ko. Halos marinig mo ang pagpatak ng tubig dahil sa sobrang katahimikan ng buong paligid. “Sabrina, I’m sorry.” Lumuluhang sabi sa akin ng aking ina. Madilim ang kapaligiran kaya’t hindi ko makita ang eksaktong ekspresyon niya ngayon. Nakakulong na naman ako sa maliit at madilim na kwartong ito. Tapos na bang saktan ng aking magaling na ama ang aking ina? “Mom, let’s leave him.” Halos ibulong ko ang mga salitang iyon sa kanya. Naramdaman ko ang paglayo niya sa akin. Narinig ko ang maliliit at maingat niyang paghakbang. Saan siya pupunta? “Mom, don’t leave me. Gusto ko nang lumabas sa kwartong ito. Ayoko na rito. Natatakot na ako!” Kahit ilang beses akong ikulong ng ama ko sa maliit at madilim na kwartong ito ay hindi ko mapigila