Sabrina’s Point of View “Hindi ako sasabay sa inyo pag uwi.” Sabi ko sa mga kaibigan ko habang nag aayos ng gamit. Nakita ko ang pagtingin nila sa akin sa gilid ng aking mata. “Bakit? Saan ka pupunta?” Pagtatanong ni Alexis sa akin. Si Andrea naman ay nanatiling nakakunot noong nakatingin sa akin at si Lucille ay tahimik lang. “May pupuntahan lang ako. Huwag kayong mag alala, uuwi rin ako agad.” Sabi ko sa kanila nang hindi tumitingin. Nagkunwari akong abala sa pag aayos ng gamit kahit na tapos na talaga akong mag ayos. “Saan ang punta mo, girl? Hahanap ka ng lalaki o baka hahanapin mo si Luke?” Natatawang sabi ni Tristan. Tiningnan ko siya at inirapan. “Mag ingat ka.” Iyon lamang ang sinabi ni Andrea sa akin. Tumango ako sa kanya at nagpaalam na sa kanila. Kanina ay nakatanggap ako