Andrea’s Point of View “Now that we’re done welcoming you, shall we start with the main event? Ang pasasalamat namin sa inyo sa pagsira niyo sa buhay namin dalawang taon na ang nakakalipas.” Kitang kita ko kung gaano kasabik si Alexis iputok ang revolver na hawak niya. Nakatutok ito sa isang babaeng katabi ni Arianne na kasalukuyang umiiyak at nagmamakaawa para sa buhay niya. “P-Please, huwag niyong gawin ito. Maawa kayo—” “Maawa? Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Arianne? Matapos ang ginawa mo para ituro kami sa Princes? Para sa pansariling kapakinibangan mo, sasabihin mong maawa kami sa inyo? Dapat noon palang, hindi na kayo nakisali at nanahimik nalang kami. Why do you need to ruin everything?” Sarkastikong sabi ni Alexis. Alam ko naman na hindi maganda ang dahilan ng pagpunta namin