Sabrina’s Point of View “I quit!” Sigaw ko at hinahapong humiga sa damuhan. “Sabrina! Keep going!” Rinig kong sigaw ni Tita Angela sa hindi kalayuan. Kagaya ng gusto namin, nagte-training kami para sa maraming dahilan. Una, ay para sa galit namin. Naniniwala kami na kapag naging kagaya kami nila Tita ay mawawala itong mga nararamdaman namin para kina Luke. Na mas magiging matigas ang puso namin at ang harang na itatayo namin sa paligid nito, nang sa gayon ay walang kahit na sinong makatibag ulit nito. Pangalawa, gusto naming proteksyonan ang organisasyong mayroon kami laban sa grupo nila Luke. Akala ko noong una ay sobrang babaw lang ng alitan ng dalawang grupo, ngunit hindi pala ganoon. Pangatlo ay dahil gusto naming mabuhay nang lumalaban. Baka mamaya dahil inexpose namin kila Luke n