Chapter 6
kaagad naman nilang ihinanda ang kotse at saka dali daling umalis pero habang nasa byahe ay kaagad naman tinawagan ni Armando si Amanda para ibalita ang magandang balita
"Hello?"
"Amanda ang Chief of Police ito"
"oh Chief napatawag po kayo may balita na po ba?"
napa tingin naman sa kanya si Ella na kasalukuyang nag susunog nang mga gamit kaya umatras sya para maka layo layo sa bata
"chief.. may balita na po ba sa pagkamatay nang pamilya Cristobal?"
"oo meron na sa totoo lang papunta na nga kami ngayon sa bahay ng salarin para hulihin sya dala ang warrant of arrests"
"talaga po.. magandang balita nga yan"
"i sesend ko sayo yung address nang nasabing lugar pero may pakiusap sana ako"
"ano po yun chief.."
"wag mo na sana isama ang bata"
Napatingin naman si Amanda sa kanyang pamangkin na nakatingin din pala sa kanya
"ah sige po isend nyo na lang po sakin.."
"wag mo na sana syang isama dahil baka bumalik lang sa kanya lahat nang sakit nang pagkamatay nang kanyang pamilya"
"ah sige po.. naintindihan ko po"
natapos na nga ang kanilang pag uusap kayat kaagad naman kinuha ni Amanda ang kanyang susi para umalis subalit bago pa man sya makapasok sa loob nang sasakyan ay kaagad naman nag tanong sa kanya ang kanyang pamangkin
"Tita amanda.. saan po kayo pupunta? narinig ko po kasing kausap nyo si Chief may balita na po ba?"
"ahm.. actually oo meron na nga Ella pero dito ka lang okay ako na ang bahala sa kanya"
"pero gusto ko pong sumama para makita kung nahuli na nga ba talaga sya nang mga pulis"
"Ella listen to me okay masyadong magulo kung sasama ka pa.. ang sabi ni chief dito ka lang and i'll promised ipapakulong natin yung taong yun kaya dito ka lang intayin mo na lamang ako dito"
hindi naman na nag salita pa si Ella at nang mag ring ang cellphone ni Amanda para tignan kung saan nga ba ang address ang pupuntahan nya at habang abala si Amanda sa kanyanh kausap ay pasimpleng sumakay si Ella sa loob nang kanyang sasakyan at saka na din sya pumasok para umalis
pag dating nang mga pulis sa bahay ni Roberto ay kaagad naman silang nag doorbell at saka sila pinag buksan nang isa nitong katulong
"magandang gabi ho sainyo sir ano po ba ang sadya ninyo?"
"magandang gabi din sainyo, dito ba nakatira si Roberto Yanzon?"
"opo dito nga.. bakit ho may problema po ba?"
"may warrant of arrests kami sakanya sa salang pag patay sa pamilya Cristobal"
nagulat naman ang katulog at hindi maka paniwala sa sinabi nang pulis
"ah.. sir paano po nangyari yun eh.. mabait naman po si Don Roberto at hindi nya po kayang pumatay nang tao"
"mabuti pa sabihin mo na lang kung nasan sya nandyan ba sya sa loob?"
"wala po sir.. sa totoo po kaka alis lang po nila kani-kanina "
"ano at saan naman sya pupunta?"
"kasama nya po ang pamilya nya patungong airport"
nagulat naman si Armando at saka nag tanong muli
"saan sila pupunta may alam ba kayo?"
"wala po syang sinabi sir basta ang sabi nya po kami na muna po ang bahalang mag asikaso sa mansion at yung pinsan nya na lang daw po ang mag papasahod sa amin"
"sigurado ba kayo?"
"opo sir dala po nila yung mga gamit nila at malamang papa alis na po sila ngayon"
kaagad naman silang nag madali para sana sumakay sa kotse ngunit bigla namang dumating si Amanda
"Chief.. nasan po ang suspek na yun?"
"we're sorry Ms. Amanda pero tumakas ang kriminal kayat kailangan nating pumunta ngayon sa airport para pigilan sya"
kaagad naman silang nag byahe patungong airport at pag dating nila doon ay kaagad nilang hinanap si Roberto at ang pamilya nito ngunit huli na ang lahat dahil naka alis na ang sinasakyan nitong eroplano
"Roberto saan ba talaga tayo pupunta?"
"sa Canada muna tayo sasabihin ko ang lahat kapag nakarating na tayo dun basta mag pahinga ka na lang muna at matulog"
napa tingin na lang sa kanya si Susan at hindi na kumibo pang muli
Samantala pang hihinayang naman at galit ang naramdaman nang mga pulis at pati na si Amanda dahil sa nangyari
"lintek na kriminal yan!!"
pabulyaw naman ni Armando habang napahawak pa sa kanyang ulo
"im sorry Ms. Amanda nahuli kami nang dating"
"matalino ang kriminal na yun"
sumagot naman ang isa pa nitong kasamahan na si Roger at humingi rin nang pasensya
"patawarin po ninyo ako chief nahuli ako sa pag asikaso para mahuli kaagad ang kriminal"
"wag nyo nang sisihin ang sarili ninyo dahil hindi naman natin alam na mangyayari to"
malungkot na pag kakasabi ni Amanda
"hayaan nyo Ms. Amanda at magpapadala ako nang detective sa Canada para mahanap natin kaagad ang taong yun"