bc

Loved by the Heroine

book_age18+
26
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
possessive
inspirational
CEO
sweet
bxg
humorous
office/work place
passionate
like
intro-logo
Blurb

Nang tanggapin ni Stacey ang alok ng bestfriend na si Maggie na pumunta sa Adam's Paradise ay dalawang bagay lang naman ang gusto niyang mangyari...

Una ay ang magamot ang sugatan niyang puso dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang ex-boyfriend.

Pangalawa ay ang ma-inspire para matapos na niya ang mga nobelang nire-require ng Publishing nila para ma-renew ang kanyang kontrata.

Epektibo naman kaya ang solusyong ibinigay ni Maggie sa problema niya?

O may bago na naman siyang problemang mararasanan sa isla?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Another shot!" I waved my glass at the bartender. Prente lamang akong nakaupo sa may bar counter habang sumisimsim ng tequila. It was my first time tasting this drink pero feeling ko ay naaadik na ako sa pakiramdam na naibibigay ng inumin sa akin. I am not really an alcoholic. Sa totoo lang ay bibihira akong uminom dahil hindi ko gusto ang nagiging epekto ng alak sa sistema ko, lalo na pagkagising ko kinabukasan. Sa katunayan ay kadalasang cocktail drinks lang talaga ang iniinom ko. Mahina rin kasi ang alcohol tolerance ko kaya hindi ko na binabalak pang sumubok ng malalakas na alak. But right now, I feel like this is all I need. I believe that this situation will save me. I remember someone told me that a hard drink could really help you to forget. And that's exactly what I wanted to do right now. Ang makalimot. So, nevermind the after effects. Bahala na talaga! Imbes na ang bartender na nag-serve sa akin kanina ay iba ang lumapit sa akin. Kakapasok lang niya sa bar counter. Hindi ko mapigilang titigan ang lalaki at tila ba may magnet na humahatak sa akin para bigyan siya ng pansin. I must be losing my mind now or there must be something with this man na hindi ko maipaliwanag. Nang makalapit siya sa akin para magsalin ng inumin ay bigla kong ibinaba ang baso at saka hinawakan ang bote na hawak niya. Nakaramdam ako ng kakaibang elektrisidad nang aksidenteng magdikit ang mga kamay namin. Pero imbes na bitiwan ang bote ay hinigpitan ko pa ang pagkakahawak doon at nakangiting tumitig sa lalaki na ngayon ay nakakunot na ang noo sa akin. "Miss?" Seryoso ang gwapo nitong mukha at halos magkadikit na ang mga makakapal na kilay habang nakatitig ang malalalim na mga kulay kapeng mata nito sa akin. Matangos din ang ilong nito at mamula-mula ang manipis na mga labi na tila ba inaakit ako para halikan. Natigilan ako at napapikit sa naisip. 'Why the hell am I thinking of kissing this guy when I have broken up with my ex just a few weeks ago? Damn, Stacey!' Ipinilig ko ang aking ulo at nang makabalik na sa huwisyo ay muling tinitigan ang seryoso pa ring mukha ng lalaki sa harapan ko. I'm actually wondering kung bago ba siya sa bar. May iilang beses na rin kasi akong pumupunta rito lalo na kapag nagkayayaan kami ng mga kaibigan ko pero ngayon ko lang siya nakita. Napansin ko rin na imbes na pangkaraniwang uniporme ng mga nagtatrabaho rito ay simpleng puting t-shirt at rugged blue jeans lang ang suot nito. Pinasadahan ko siya ng tingin. The man is actually tall. Sa palagay ko ay humigit kumulang na nasa six feet ang tangkad niya. Despite his rugged style and a piercing on his right ear ay malinis naman siyang tingnan. Sakto lang ang laki ng kaniyang katawan pero kitang-kita ang pag-flex ng mga muscles nito sa bawat paggalaw. He also has a gothic design tattoo on his right arm which made him look even hotter. 'Ugh! Ano bang naiisip mo, Stacey?!' "I'll just have this bottle instead. I'll pay, don't worry." I chuckled after saying that. Muli ko rin siyang nginitian. Umiikot na ang paningin ko at mukhang may tama na talaga ang iniinom ko sa akin. Ilang minuto na ang lumipas ay seryoso pa ring nakatitig lang sa akin ang lalaki. Parang may malalim itong iniisip. "Are you just going to stare at me?" "Pero, miss, mukhang lasing ka na," seryoso pa ring sabi nito at saka akmang hihilain na palayo ang bote. Nang magtagumpay itong mailayo sa akin ang inumin ay matalim ang tinging ibinigay ko sa kaniya. Ang kaninang admirasyong nararamdaman ko sa kaniya ay napalitan ng inis. "Bakit ba nakikialam ka? I want that drink! I will pay, so what's wrong with you?" Halos pasigaw na ang pagkakasabi ko niyon. Naramdaman ko ang tila pag-akyat ng dugo sa aking ulo. I'm just literally pissed right now. "Excuse me, miss. May pakialam ako dahil hindi kami pabaya sa mga customers namin. Look! You're alone at mukhang hindi mo na kaya ang sarili mo. Okay lang uminom, pero you must know your limit sometimes. Baka kung mapaano ka dito, kargo de konsensya pa kita." May diin ang bawat salita niya ngunit mababakas ang pagtitimpi sa tinig nito. Napabuntong-hininga rin siya matapos magsalita at seryoso pa ring nakatitig sa akin na nilabanan ko naman. Mayamaya ay tinawag nito ang bartender na nag-assist sa akin kanina at ibinigay ang bote ng alak saka ako muling hinarap. "Go home now, miss. You look drunk." "That's exactly why I am here in this bar! Para malasing!" naiinis na sabi ko habang halos magpuyos na sa galit sa aking kinauupuan. Masama ang mga tinging ipinukol ko sa kaniya na tila hindi na rin alam ang gagawin sa akin. I noticed his jaw clenching at tila ba nagpapasensya lang sa ugali ko. I've been in this bar for almost two hours now. Dito ko naisipan pumunta pagkatapos ng sagutan namin kanina ng boyfriend ko. No, must be my ex-boyfriend now. After the almost three years of our relationship ay napagdesisyon ko nang tuluyang kumalas sa kaniya. I mean, for real. I just feel really tired with all the fights and misunderstandings. Na kadalasan, gusto kong pag-usapan pero siya ayaw niya. Hanggang sa dumating sa point na kapag naglalabas ako ng sama ng loob ay binabalewala na lang niya ako. Pero bakit nga ba ako nandito sa lugar na ito? Well, I just saw him with another girl. And I just confirmed na girlfriend niya na ang babaeng iyon. Ang masaklap ay iyon ang kaibigan daw niya na palagi kong pinagseselosan noon. So, matagal na ba nila akong pinapaikot? Matagal na nila akong niloloko? The next thing I knew ay nakarating na ako rito. I just literally want to get drunk and drop. Para makalimutan ko lahat lahat ng gumugulo sa isipan ko. Hindi na rin muna ako nagtawag ng kaibigan dahil gusto kong mapag-isa at makapag-isip-isip. For three damn f*****g years ay gusto kong i-congratulate ang sarili ko para sa nagawa kong pagpapakamartir at pagtitiis sa relasyon naming ilang beses na rin namang naging on and off. Siguro dapat kong i-congratulate ang sarili ko dahil ito na yata ang bravest decision na nagawa ko sa tanang buhay ko. Noong una ay okay naman kami ni Brent. Pero noong nagtagal ay bigla na lang siyang nagbago. Madalas siyang mawalan ng oras sa akin at mas priority pa niya ang ibang bagay kagaya ng barkada at kung anu-ano pa. I just feel worthless and irrelevant in his life. Yes, I know that I somehow made a really impulsive decision. I was really angry at him. Sumabog na ako. I love him very much. Pero nang oras na iyon, pinili kong isipin muna ang sarili ko. Dahil sa lahat ng away namin, paulit-ulit na lang naman ang issue. Parang walang growth. Walang pagkatuto. Tapos in just a glimpse, may iba na siya. Pathetic! Kaya pala nang makipaghiwalay ako ay hindi man lang ako pinigilan ni Brent. Kung saan daw ako masaya, doon daw ako. After that, I walked out. Parang binibiyak na naman ang puso ko ngayong naaalala ko ang sagutan namin. I just wanted him to admit his mistakes and say sorry. Pero wala daw siyang nagawang mabigat na kasalanan at wala siyang dapat ipag-sorry sa akin. Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan na unti-unti ring napunta sa paghikbi. Para namang nataranta ang lalaki na kanina ay kabangayan ko lang at naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa balikat ko. "Hey, miss. Don't cry! Baka akala nila kung inaano kita!" natatarantang sabi ng lalaki. "Don't mind me!" sigaw ko sa kaniya at tuluyan nang iniyukyok ang ulo ko sa counter top at mas lalo pang na-trigger sa pag-iyak. I felt him move then heard the sound of the door of the counter. Mayamaya lang ay naramdaman ko na ang presensya niya sa tabi ko. "Miss, are you okay?" Bakas ang pag-aalala sa boses nito. Iniangat ko ang aking mukha at tumitig sa kaniya. Umiling ako. "I'm obviously not okay." Pinunasan ko ang mga luha gamit ang aking mga kamay at sa nanginginig na tinig ay nagawa ko pang sumagot sa kaniya. "I just... I just want to be fine." Pagkatapos ay naiyak na naman ako. 'f**k this life. f**k this love.' Minsan hindi ko talaga maiwasang hilingin na sana hindi na lang ako natutong magmahal. Hindi sana ako nasasaktan nang ganito. I hate being wasted and feeling that I am at my worst. "I want to forget everything. I want to forget him and just move on with my life!" muling sabi ko. I'm literally breaking down. Matapos ko iyong sabihin ay nakaramdam ako ng pagkahilo at unti-unting nanlabo ang paningin ko. Parang mawawalan ako nang malay anytime. Mayamaya ay tuluyan na akong nanghina at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Narinig ko na lang ang pagtawag sa akin ng lalaki at ang mainit na katawang sumalo sa akin. Malabo na ang lahat sa akin ngayon at ang tanging nagawa ko na lang ay magtiwala sa kung sino mang may hawak sa akin. "You'll be fine, trust me," he whispered to my ear. He is now carrying me. Gusto ko sanang sumagot sa kaniya ngunit wala na akong nagawa kundi kumapit sa matipuno niyang dibdib at umungol. My head is really throbbing. But at the same time, pakiramdam ko ay nakalutang ako. I don't know but I just feel safe with this man. At kahit hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung hallucination ko lang ba o dala lang ng nainom ko ang lahat ay patuloy ko na lang na ipinaubaya ang lahat sa kaniya saka ipinikit ang mga mata ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
77.6K
bc

His Obsession

read
85.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
175.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
133.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook