TULALA akong lumabas ng hospital at pumasok sa loob ng aking kotse. Halos manginig ang kamay ko habang hawak ang ultrasound result. I can't believe this. Talagang buntis ako. Makikita sa ultrasound ang imahe ng isang maliit na fetus. The doctor said that I'm 3 weeks pregnant, at minsan daw talaga ay hindi gumagana ang PT kapag mga weeks palang, kaya siguro nag negative ang PT na ginamit ko nung isang araw. Napapitlag ako sa gulat ng biglang tumunog ang cellphone ko. Gorgen calling. "G-Gorgen...n-napatawag ka?" Pautal kong sagot. "My gosh! Elize! I have a good good news for you! Ikaw ang napili nilang model para sa fashion show next week! My gosh! I can't believe this, Elize! Sabi ko na nga ba't ikaw ang makukuha!" Tili ng kabilang linya. Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. "I'm