RAMDAM ko ang pagkirot ng ulo ko sa sakit na unti-unti kong kinamulat ng mata. Pagmulat ko ay nagulat pa ako nang makitang nasa loob ako ng hindi pamilyar na silid. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa hospital ako. Nang mapatingin ako sa tabi ko ay ang mukha agad ni Gorgen ang bumungad sa akin na nakaupo habang nakayuko at nakapikit ang mga mata na para bang antok na antok. "Gorgen... Gorgen..." Mahina kong tawag na kinabalikwas nito at parang natauhan mula sa malalim na pagkakatulog. "Elize! Oh my gosh! Anong masakit sa'yo?" "What happened? Nasa hospital ba ako?" Nakangiwi kong tanong dahil sa pagkirot ng ulo ko. "Oo nasa hospital ka dahil sa pagka aksidente mo kagabi. Bumangga ang kotse mo sa isang poste, Elize! Buti na lang ay kakilala ko ang isang nurse na nag asikaso sa'yo at tinaw