CHAPTER 09

2028 Words
CHAPTER NINE: Prediction ♡Grace POV♡ "Di na talaga ako mapakali swear," sambit ni Joli habang naglalakad ito back and forth, 'di ba siya nahihilo sa mga ginagawa niya now? "Could you please stop and settle down Joli, ako ang nahihilo sa ginagawa mo." Awat ni Elle sa kaniya. Oo nga 'di lang naman siya ang na-iintese sa nangyayari ngayon ah, hello marami po tayo ammp! "Err sorry, I just can't help ammmp," di mapakaling sagot niya at umupo sa tabi ni Annah. Nandito kasi kami ngayong lima sa loob ng kuwarto ko, si Elle, Joli, Jane, Annah and of course me. Wala si Lyn ngayon kasi ewan di namin alam kung saan 'yon pupunta. Ang sabi niya lang may pupuntahan lang, 'yun lang ayyttt. "Nagtataka na rin ako sobra sa kinikilos niya ngayon, marami ang nagbago sa kaniya," sambit naman ni Jane. I agree with her. Imagine ang daming cravings niya now, ang sensitive pa niya grabe talaga. Hello 'di naman kami gano'n ka bobo para di namin mahahalata. Nakikinig din naman kami sa school kahit papano pfffftt. "Medyo tumaba nga siya, sabi pa nga niya no'n never daw siyang magpapataba, now look? She's gaining weight," ngumunguyang sabi naman ni Elle. She's chewing a gum, sabi niya kapag stress siya ang gum daw ang pampakalma niya, taga-nguya raw bawas isang stress, huh? Ano raw? Ammp si Elle tanungin nyo hmmp! "Look, I'm not judgemental din naman at lalong hindi ko minamarites si Lyn, ang observation kasi natin, feel ko talaga preggy siya," salita ko sa kanila. Malakas kasi tiwala ko sa kutob ko, mas malaki ang percent na tama kaysa mali. "Gosh, yeah same here, kaso if titingnan kasi natin ang sitwasyon niya diba, napakaimposibleng mangyayari ang bagay na 'yon," opinyon ni Joli. Well oo nga naman, isipin niyo school at bahay lang ang destinasyon, paanong mangyayari na mabuntis siya? Ang daming rason kasi na 'di talaga mangyayari. "Lyn is a good kind of woman, minsan nga napapaisip na lang ako na siya lang matino sa atin pfffttt," natatawa na sabi ni Elle para kumunot ang noo namin. She mean mga siraulo kami ammmp! "Hindi, what I mean kasi, siya yung tipo na may pangarap talaga sa buhay. Walang interest sa mga lalaki, palaging libro lang naman kasama niyan eh, tapos alam naman natin diba na school at bahay lang naman umiikot buhay niya," dagdag niya. Oo nga kaya kung buntis siya, malilintikan talaga. Baka tinatago niya lang sa amin o di kaya ay, naku talaga siguradong may sagutang mangyayari talaga. Golden rules pa naman naming, "Secrets are not allowed" humanda na talaga siya. "Not unless," makabuluhang sambit ni Jane habang nakatingin lang sa kawalan. "Not unless what?" Tanong ni Annah. Naku naman talaga. "Not unless she's hiding a secret from us," sagot nito sa kaniya. That's what I meant. "Maybe right, maybe wrong," Joli. "Naisip ko rin 'yan pero ipinagbahala ko na lang, I know Lyn di naman ugali no'n na magtago ng sikreto sa atin, in fact tayo pa nga ang nauunang makakaalam. Kaya dunno what to say," nakayukong sabi ni Elle. Sila kasi ang laging magkasama ni Lyn. "Hirap naman ng ganito, magpahula na lang kaya tayo do'n sa circus pffttt," nakangising biro ni Jane. Dunno if totoo ba 'yang mga ganiyan. "What's the use of your phone," singit ko sa kanila at kinuha ang phone ko. Magtatanong tayo ni daddy Ecosia shhhh! Yes daddy Ecosia instead daddy Google, though same lang naman din siya. Kaso ang kaibahan lang, pag si daddy ecosia ang gamit mo nasasagutan pa mga katanungan mo at the same time nakakatulong tayo sa mother nature natin. Yes Ecosia is a search engine that planting trees. "Yeah right, search na lang natin," sang-ayon ni Joli at nilabas din ang tablet niya. "Saan naman tayo magsisimula?" Tanong ni Elle habang kinakalikot na rin ang phone niya. Hoping our prediction is not true, kasi kung hindi naku po, siguradong may magtatalo talaga. Pero dapat 'di magpadala sa emosyon, hello dapat be careful buntis ang tao ehh hmmp! "Sige Grace lead us, ikaw naman nakaisip nito ehh," sabi ni Annah na katabi ko lang habang tumitingin sa phone ko. "Okay whatever," sang-ayon ko na lang sa kaniya. Saan ba tayo magsisimula, hmmmm! "Okay, search natin ang mga common signs of early pregnancy," sabi ko sa kanila at ginawa na namin. We wait a little bit seconds saka may result agad. "Common signs of early pregnancy," basa ko sa screen. There are ten common signs. "Dinalaw na ba si Lyn ngayong buwan?" Tanong ni Elle. Napaisip naman kami, oo nga 'yan ang pinakaimportante sa lahat kung na missed mo ba ang period mo. "Wala, 'di natin alam kung oo ba o hindi so exception na 'yan," sagot ni Annah. I agree di naman kami gano'n ka judgemental, at sana huwag magalit si Lyn kapag nalaman niya pinaggagawa namin omooo! "Next, Frequent urination, naiihi ba siya lagi?" Joli. Naiihi? Lagi naman siya naiihi eh, anak ng ammmp! "Naiihi talaga mula pa noon ammmp," taray na sagot ni Elle. Kaya nga sa aming anim siya ang laging pumupunta sa banyo eh. "Ohh diba, zero parin ayyttt," Annah. "Next, swollen or tender breasts, sana all lumaki HAHAHHA, lumaki ba?" Natatawang tanong ni Jane. Ammp ano ba 'yan kahit 'yang bagay na 'yan counted if buntis ka neyyy. So kayong mga flat chested may pag-asang lumaki 'yan kapag nabuntis ka na charss BWAHAHHAHA. "What kind of question is that, mabuti sana kung lalaki tayo siguradong ma-notice natin kung may improvement ammp HAHAHAHA," Annah. Lalaki na naman pshh HAHAHAHAHA. Hayyss buti na lang nawala yong serious mood ammmp. "Ikatlong questions na yan, zero pa rin aytt," bilang ni Joli. Ayttt hindi lang naman din ito ang basehan diba. "Sige na tama na 'yan, next na tayo," awat ko sa kanila at tiningnan kung ano na ang next signs. "Fatigue raw? Parang di naman siya ganiyan diba, ang hyper niya lalo na pagdating sa pagkain, kaya wala zero pa rin aytt," sabi ko sa kanila. Baka mapahiya kami nito, naku po. "Ano ba 'yang mga signs na 'yan, wala man lang isang tumutugma ammmmp," naiinis na sabi ni Jane. Wew relax lang my friend hehehe. "Nausea with or without vomiting, 'di naman yata nahihilo 'yon. Pero goshh no'ng nakaraang araw nakita ko siyang sumusuka ng maaga, ito na ba iyon? Umayy may one point na tayo," Joli. "Wee legit bakit di mo sinabi sa amin?" "I forgot ehh tapos naging busy sa school," "Next, light spotting and cramping, dunno di ko napapansin kaya wala," "1 point pa rin," "Next, mood swings, ito talaga totoo paiba-iba ang mood niya, diba?" "Oo natatandaan ko pa ang pagtawa tapos iyak na naman, naku akala ko nabaliw na ammp," "Ayan may 2 points na tayo, ano pa?" "Next, constipation, di ba siya makatae?" "Ewan wala siyang nasabi sa akin," "Di ko rin napansin," "Okay, next," "Baka mapahiya tayo sa predictions natin ah HAHAHAHA," "Kaya nga ammp," "Baka nga magalit pa sa atin si Lyn kapag nalaman niya pinaggagawa natin," "Baka sabihin nakialam tayo sa buhay niya," "Of course may paki kasi tayo kung ano ang nangyayari sa buhay niya," "Kaya nga tama ka diyan girl," "Next last na, food aversions and sensitivity to smell, umay ito talaga, diba napakasensitive niya sa mga amoy, plus one point, 3 points na tayo out of 10 neyyy," "Pero still di tayo na zero so may possibility na buntis siya," "Pero maliit lang," "Okay na 'yan kaysa wala," Aytttt common signs lang naman 'yan hindi naman lahat pareho ang signs ng pagbubuntis. Bakit parang gusto pa nga naming mabuntis langya di 'yan ang pinopoint out naman eh, kasi nga through observation namin sa kaniya parang may something kasi kaya hinanap namin ang something na 'yon. "We better confront her na lang kaysa ganito," I suggested to them. Curiosity kills me na talaga, ayaw ko talaga kapag na-curious ako kasi its kill me na aalamin talaga ammmp. "Kaso nga di naman natin matyempohan, pag kakausapin natin, busy naman," reklamo ni Joli. Oo nga ikailang ulit na naming gusto siyang makausap, busy naman palagi. "Saka lagi siyang may lakad now, alis siya nang alis gaya ngayon nasaan na naman siya? Diba may lakad," segunda naman ni Elle. Hayyysss what happen kasi sa'yo Lyn. "At saka parang di na tayo napagtuonan na ng pansin, like parang lumalayo siya, ang casual niya grabe," usal naman ni Annah. Kaya nga napapansin ko rin. "Hayysss basta ngayong araw na ito, kakausapin natin siya no matter what," sabi ni Elle at tumango-tango naman ako. Siguro nga, we're friends naman diba kaya may right din kaming kausapin at magtanong sa kaniya kahit na magalit siya sa amin. As a friend or sister na concern sa nangyayari sa kaniya di rin kami mapakali. Siyempre she become our family na, Lord kung ano man ang nangyayari kay Lyn ngayon, gabayan niyo po siya. Sana isipin niya na narito lang kaming mga kaibigan niya na handang dumamay sa kaniya. ♡Lyn POV♡ "How could it be?" Tanong ko sa sarili ko. Nasa tagong parte ako ng park na malapit lang sa bahay namin ng squad. 'Di ko talaga alam kung saan nagsimula ang lahat ng ito. Hindi ako tanga para 'di makaramdam ng panibagong pangyayari sa buhay ko. These past few days lagi na lang akong nagugutom, ewan ang lakas ng cravings ko ngayon, mga cravings na di ko alam at bakit gano'n basta ang alam ko gusto kong kumain nang kumain lang na para bang walang katapusan. Tapos ang katawan ko lumalaki na and dunno why pati ang breast ko may development. Ganito ba ang effects ng palaging kumakain? Kumuha ako ng isang stick na barbecue na isaw sa supot. May nadaanan kasi akong nagtitinda ng ganito kaya bumili ako. Sampung isaw, tatlong hita, dalawang ulo, dalawang paa, limang jumbo hotdog at limang karneng baboy. Ohh diba ang takaw ko na talaga, pero worth it ang sarap kaya mmmmmmmm. "Ang sarap talaga *chomp* ang sarap ng sauce ang sarap grabe mmmm," grabe ang sarap talaga. Alam mo 'yong napapatingala ka lang sa sarap mmmmm. Isa rin talaga 'to sa pinagtataka ko, ang lakas ko ng kumain as in di ko kayang mag-control. I tried to control once para akong nanghihina kaya hinayaan ko na lamang. *Bzzt Bzzt Bzzt* Napatigil ako sa pagkain ng nag-vibrate ang phone ko. Pinunasan ko muna ang kamay ko bago kinuha ang phone. It is a reminder notes, "Menstruation period week ends" O-O 0-0 Wait? Last months? Luhhhh? End na pala ng month last week tapos 'di pa ako nagkaroon ng period. Tapos ngayon na naman? Dapat kaninang umaga mayroon na? Bakit naman ako kakabahan? Baka delay lang. Wala naman akong jowa kaya wala tayong rason para kabahan ng usto, pero... Aishhh ayaw ko sa naiisip ko at paano naman mangyayri 'yon aber. 'Wag kang praning Lyn. Inhale Exhale Inhale Exhale Kakabahan na sana ako kaso naisip ko single pala ako pffftt HAHAHAHAHA. Malabo naman ding mangyayari 'yon. I'm confident to say na holy pa ako ammmp! Napahinto ako at napahawak sa tiyan ko. Mabilis pa sa alas-kuwatro akong lumapit do'n sa trash can at do'n nilabas ang dapat ilabas. *Brrrrrrrr!* *cough cough* "Brrrrr," Napahawak ako sa tiyan ko at pinunasan ang bibig ko. Arghh, ito ang ayaw ko pagkatapos kong kumain, sinusuka ko naman agad. Buti na lang walang masyadong tao sa sa part na ito. Inabot ko ang mineral water ko at nagmumog muna bago uminom hayyyssss. Napahawak ako sa upuan ng biglang kumirot ang sentido ko. Lord ano po ang nangyayari? 'Wag naman sana po. Napapunas ako ng mata ko ng biglang nag-blur lahat ng nakikita ko, nawalan ng lakas ang aking katawan, parang naging hangin na palutang-lutang na lang ako sa ere. Minabuti kong labanan at kinurap-kurap ang aking mga mata. Napangiwi na lang ako dahil nahihilo na talaga ako sobra, parang hinihila ako pababa. Nawala ang balanse ko at hinayaan na lamang kung ano ang mangyayari sa akin, wala na akong lakas, wala akong magawa kung 'di hayaan ang sariling mahila. Napabitiw ako sa paghawak at iniinda na lang ang pagkahilo. Pinikit ko ang mga mata ko at everything went black...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD