CHAPTER 17

2257 Words
CHAPTER SEVENTEEN: Second Day ♡ELLE POV♡ "Saan na tayo niyan?" Tanong ko sa kanila habang naglalakad kami palabas sa simbahan. May simba kasi dahil ngayon ang fiesta nila rito. Grabe ang bongga ng fiesta nila rito, lakas makasabit ng mga nagkukulayang bandaritas, tapos ang mga tao rito mababakas mo talaga na masaya sila, excited at nagkakaisa sila. "'Di na kayo magbibihis?" Tanong ni Annah. Naka-simple floral dress lang kami at naka-pump shoes. Okay na 'yan, puwede na 'yan igala. "'Wag na, arat gala na tayo," sagot naman ni Jane na sobrang excited na. Siyempre ako excited na rin, may mga activities daw doon sa sentro ng lugar nila kaya goraaa!!! "Mga ate sama na lang kami sa inyo," kalabit sa amin ni Makoy at Jannah. Owshii ang cute talaga nilang dalawa, magkakapatid talaga sila kasi makikita sa mukha nila ang pagkapareha. Sana all kasi may kapatid, kung 'di niyo alam nag-iisang anak lang ako, how sad. "Oo naman, kayo nga magdadala sa amin do'n eh," tugon ni Jane at ginulo ang buhok nilang dalawa. Awiitttsss. "Nay, tay punta na agad kami do'n, manonood na kami ng banda," paalam ni Lyn sa kanila ni Tatay Eddie at Nanay Arlyn, sabi kasi nila na tawagin na lang din daw namin sila ng kung ano ang tawag sa kanila ni Lyn. Buti na lang wala silang gano'n ka dami na mga tanong. Thank you Lord. "Sige, huwag mong pabayaan 'yang mga kapatid mo, uuwi na kami diretso sa bahay may bisita rin 'tong tatay mo na darating," sagot naman nito kay Lyn. Siyempre nandito naman din kami para bantayan 'tong mga cute na bata. "No worries din po nay at tay, nandito naman din po kami, 'di namin pababayaan sina Makoy at Jannah," eksena naman ni Annah. Oo nga naman. "Ahh sige basta mag-ingat kayo lalo na at mga dayo kayo rito," sabi na lang ni nanay. Kaya nga dapat maging observant kami kasi first time namin sa lugar nila baka kung anu-ano ang kababalaghan, 'wag naman grrrr! Siyempre dahil din, na ngayon lang kami nakaapak dito, naagaw namin ang mga pansin ng mga tao rito, napapatingin lagi sa gawi namin kaya nga nakaka-bother eh. "Oo nay, kayo rin ingat kayo ni itay," paalam na ni Lyn at tinanguan naman nila kami. Tumalikod na kami at tinahak ang iba't ibang direksyon. Klase-klaseng mga tao ang nasasalamuha namin, napapatingin sa amin at siyempre naman 'di mawawala ang mga lahi ni Aling Marites pfft HAHAHAHAHA, nagbulong-bulungan kung ano ang latest happening sa baranggay BWAHAHAHAHA. "Inday Lyn, ikaw ba iyan?" Napahinto kami sa paglalakad ng may isang nanay na rin ang humarang sa daanan ni Lyn. "Ayyy Nanay Soling, kayo pala, oo nay ako po ito," magalang na sagot niya rito sabay abot ng kamay para magmano. "Naku mas lalo kang gumanda Inday, kailan ka pa ba nakauwi?" Tanong nito habang sinusuri si Lyn mula paa hanggang ulo, naku talaga. Nasa likuran lang nila kami habang pinapanood silang dalawa. Bakas na bakas na sila ay malapit na magkakilala. "Noong nakaraang araw pa po," tugon ni Lyn na nakangiti. Grabe pala mga tao rito lakas maka-entertain sa mga tao. "At sino naman 'tong mga kasama mo? Taga-siyudad ang mga ito ahh," pansin niya sa amin at iniisa-isa kaming tiningnan, ngumiti na lang kami sa kaniya at nagmano rin kagaya ng ginawa ni Lyn at sumunod naman sina Makoy at Jannah. "Hi po," "Magandang araw po," "Hello," "Mano po nay," "Kumusta po kayo?" Sari-saring pagbati namin sa kaniya. Ngumiti lang din ito sa amin, ang babait talaga nila rito. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang tumitingin sa paligid. Ang bongga talaga, sa mga bahay-bahay may kumakain, may mga dirty ice cream vendors, saka mga ice drops. Basta ang ma-describe ko lang sa aking nakikita ay isang pagkakaisa. Ilang ulit kaming inaya na kumain at pumunta sa mga bahay na kakilala rin ni Lyn, madami ring mga nakakilala kay Lyn dito kaya ayon napapahinto dahil may chika-chika muna. Nakarinig kami ng ingay ng mga tambol at tunog ng drum at lyre, nandito na yata ang banda. Maraming mga taong nagkukumpulan at nagsisiksikan. Nakarating na kami sa baranggay hall nila kung saan gaganapin ang mga events nila. Hindi kami nakisiksik sa kanila dahil may maraming magagandang puwedeng pagtuonan ng pansin, may peryahan din dito, food trips and my circus din. May Ferris Wheel, Horror House, Roller Coaster, Carousel horse ride and marami pang iba. May mga panininda din ng mga bagay na nabibili mo sa side walks. May mga ukay-ukay rin. Marami ring mga iba't ibang food stands, naks baka dito na maubos ang pera ko pfft. "Witwewwww!" "Chix pre," "Woahh hala sino ang mga iyan?" "Mukhang 'di naman 'yan taga rito sa atin ahh," "Oo nga mukhang taga-siyudad," "Grabe ang ganda behh," "Sana all," "Diba si Ate Lyn 'yan?" "Si Inday ba 'yan?" "Panganay na anak ba 'yan ni Pare Eddie?" "Parang 'yan yung panganay ni Auntie Arlyn," "Nakauwi na pala iyan," "Mas gumanda lalo na't medyo nagkalaman-laman na," "Owshiii gondo talaga nila," "Puwede kaya mahingi ang number?" "Naku 'wag na aasa, walang-wala ka riyan tol BWAHHAHAAH," "Owshiiii," Napangiwi na lang ako every time may titingin sa aking mga lalaki, naku may Frank na ako ammmp. And speaking of that, nag-video call kami kagabi at kaninang madaling umaga awiittss namiss ko tuloy ang bebe ko ayttt shhh lang. "Ano'ng gusto mong bilhin Koy?" Kalabit ko kay Makoy sabay akbay. "Grabe Te Elle ahh, si Makoy lang tinanong mo, hello nandito rin po ako," reklamo ni Jannah ayyttt tampo agad. "Mahiya ka nga Jannah ammp," suway sa kaniya ni Lyn aytt ang magkakapatid talaga. "'Di kasi Jannah, si Makoy kasi malapit eh mehehe pero ano ba'ng gusto ninyo? Libre ko," sagot ko naman kay Jannah para makabawi. "Kayo raw, so pati rin kami sis? Aba't himala 'yan ahh," di makapaniwalang reak ni Annah pffttt grabe siya sa akin ahh. "Ano kayo, may pera naman kayo kaya bahala kayo ammp," sagot ko sa kanila. Aba't bahala sila, matipid na kung matipid. "Sabi ko na nga ba eh, akalain ko na sana na nakaapak ka na ng tae kaya nagkahimala at gusto mo ng manglibre BWAHAHAHAHAHA," asar sa akin ni Jane dahilan para tawanan nila ako. Nakaapak pa nga ng ano yuckkk!!! "Huwag ka nga Jane ewwww," nandidiri kong tugon ammmmp. "Chusss lang, sige na Jannah at Makoy mamili na kayo," pagkatapos kong magsalita ay nagtakbuhan naman ang mga ito, papunta sila sa mga nagtitinda ng laruan at kung anu-ano pa. Aytt akala ko ba foods trip nila, mga bata talaga. Si Makoy gusto niya ng remote control na airplane, minsan lang ako gumastos pero sagad naman. Ayaw niya sana nito sa laruan kasi nga ang mahal daw, ehh nakita ko kasing pasulyap-sulyap ito sa nagtitinda kaya ayon nakuha rin niya, maagang pamasko lang ganern BWAHHAHAHA. Si Jannah naman ano lang, wala siyang ibang pinili kung hindi mga posters ng idol niya, umayy! Idol na idol niya raw ang mga iyon. Binili ko lahat ng natira, ilalagay raw niya sa kuwarto niya, tingnan natin kung may space pa bang di malalagyan pfftt HAHAHHAHA ganito pala feeling may kapatid, kaya nga ang squad namin I treated them like as my real siblings. Ewan ko ba kasi bakit ako lang ginawa nila mama at papa aishh! Kaya nga kapag lumabas na ang baby sa tiyan ni Lyn, swear gagawin ko talaga lahat like goshhh super excited na ako UWUUUUU! ♡ANNAH POV♡ Nandito kami sa isa mga food stand nakaupo. Nagpahinga muna kami pagkatapos naming gumala. Sana okay lang si Lyn para exercise na lang din. Grabe ang pawis beh. Nasa milkshake lang kami habang binabantayan sina Jannah at Makoy na nakasakay sa carousel ride. Ikailang ulit na nila 'yan, di ba sila nahihilo? "Grabe worth it, iba talaga dito sa inyo Lyn," sambit ko pagkatapos kong sinipsip ang milkshake ko. Ang enjoy talaga sobra, 'di na lang namin pinansin ang bawat matang nakaratay sa amin, mga matang na-curious kung sino kami at mga matang nagtatanong. "Agree, grabe ang enjoy sobra," sang-ayon naman ni Jane sa sinabi ko habang pinupunasan ang mga pawis niya. Halos halughugin na kasi namin ang nandidito grabe. "Kaya nga worth it ang napakahabang biyahe, gondo here swear babalik ako rito," sabi naman ni Elle habang sa selpon naman nakatingin. Alam na, sino ba ka-text niyan? One and only Her Franky Doggy pffttt. And speaking of that, ewan ko sa mokong na 'yon, wala yatang balak i-text or tawagan man lang ako. Humanda lang siya talaga pagbalik ko. Di niya ba ako miss? Di niya ba ako hinahanap? Kung hindi na pahingi lubid chuss! "Ano'ng nangyari sa'yo diyan girl, may galit ka ba sa disposable cup? Kung makahawak wagas ahh," nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Jane at siniko ako. Inirapan ko muna siya bago tiningnan ang hinahawakan ko, luhh? Sinong gumulpi nito? Konti na lang mawawasak na eh. "Okay ka lang ba?" Alalang tanong ni Lyn habang kumakain ng bibingka at puto cheese. "If I know batrip 'yan kasi ang Kajic soap niya 'di pa rin siya kinakamusta," di pa nga ako nakasagot, sumingit na agad 'tong bruhang Elle na ito ayyttt. Ehh di ako na ang talo, ehh di ako na ang pinabayaan ng jowa ayyttt. "Duhhh whatever," tanging sagot ko na lang sa kanila, totoo naman din eh, kainis! "Hayaan mo na girl, 'wag ka muna agad mag-overthink agad, malay mo busy lang," sambit ni Jane. Grabe naman, ilang oras ba kailangan para mag-type ng message at i-send aishh! Sabi nga nila walang busy sa tao kung love ka talaga huhuhu di niya na ako love? Uwuuuuuu. "Huwag ka ng sad diyan, bukas ng hapon uuwi na tayo, makikita mo na ang sabon my loves mo awiiieeeee," asar sa'kin ni Elle habang sinundot-sundot tagiliran ko ammmp. "WOAHHH!" "SINO NA NAMAN 'YAN?" "SHAK ANG POGI BEHH!" "MY GHADDD!" "ANG CUTEEE!!" "Dayo yata," Ayttt uso rin pala dito sa kanila ang tilian, akala ko naman do'n lang sa amin ayttt. Duhhh bahala na nga siya, makauwi lang talaga ako, walang kiss ammmp! "Honey love," I shook my head and close my eyes, ganiyan ko ba siya kamiss para marinig ko na ang boses niya. Mokong ka lubayan mo muna isip ko aishhh!! "Hon," ano ba, tinakpan ko ang mga tainga ko, langya talaga ganito pala ang pakiramdam kapag malayo sa mokong na 'yon. "Ho---- "Ano bang mokong ka lubayan mo muna ako, kainis ganiyan ba kita ka-miss aishhhh!" Naiinis ko ng sambit at binuksan ang mga mata ko. My eyes widened ng nakita ko siya sa harapan kong nakatayo, luhh? Ganito ba talaga epekto niya sa'kin naririnig at nakikita ko na siya for real ghadnesss!!!! "Grabe I need to check my sight and hearings, kanina naririnig ko boses niya ngayon naman nakatayo na naman sa harap ko, umayy," sambit ko at walang anu-anong binuksan ang bottled mineral water ko at uminom, goshh! "BWHAAHHAHAHAHA, AN'YARI SA'YO SIS?" "PAG-IBIG NGA NAMAN BWAHAHHAHA," "'DI HALATANG IN LOVE NA IN LOVE KA TALAGA SA KANIYA 'NO? PFFTTT," Umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ko at nag-initan, langya kahiya naman. Bakit kasi naririnig at nakikita ko ang mokong na 'yon, pinakulam na yata akooo. "Ngayon witnessed ka talaga Jic kung gaano kabaliw 'tong si Annah sa'yo pfft," halos tumakas ang dugo ko ng paglingon ko ulit kung nasaan nakita ko siya kanina ay nandoon pa rin siya, So it means? TOTOOO LAHAT???? O-O O-O Umayyyy kahiya sobraaaa!!! Alam mo 'yung feeling na kung puwede ka na lang maglaho dahil sa hiya WAAAAAHHHHHHH! "Oo girl, 'di ka nag-day dreaming, totoong pinuntahan ka ni sabon mo rito ayiieee," 'di ko alam kung ano ang ikikilos ko sa sinabi ni Jane, umayy naman kahiya. "Ikaw talaga hon, na-iinlove lalo tuloy ako sa'yo yiieeee," parang timang na sabi nito at saka lumapit sa kinaroroonan ko tapos kinulong sa kanyang mga braso. "Huwag ka nga mokong ka, bitaw!" Kahiya kasi langya, nabuking na tuloy tayo, mas lalaki na ang ulo nito aytt. "Asusss huling-huli ka na sa akto pfftt!" Kahit 'di ko nakita, nakangising aso ito tsss. "Bakit ka nandito?" Tanong ko na lang. Pantakip sa kahihiyang nagawa ko kanina aishhh! "Siyempre pinuntahan ka, di ko kayang mawala ka sa tabi ko," sagot nito dahilan para kiligin ako ng bongga awieeee. "Neknek mo mokong ka, siguro nga nagpa-party ka do'n ehh," kunwaring di ako naapektuhan sa sinabi niya kanina, astig ako ehhh. "Oo nga, I miss you hon," mahina niyang bulong sa tainga ko aytttt sarap naman sa pandinig. Niyakap ko na rin siya pabalik. Kalma lang ako pero deep inside gusto ko ng tumalon at umiyak sa tuwa. "I miss you more," sagot ko rito, hinigpitan niya lalo ang pagyakap sa akin sabay halik sa ulo ko kaya niyakap ko rin siya ng sobrang higpit habang dinadarama ang kaniyang presensiya, ipapabusog ko muna ang pangungulila ko sa piling niya. "To be continued, abangan ang susunod na kabanata ng pagmamahalan nina Rayhanna at Kajic na pinamagatang, ang mahal kong sabon pffttt!" Eksena ni Elle para matawa kaming lahat, aishhhhhh!!!! "Ayiiiiee Ate Annah, ang pogi naman ng nobyo mo," "Paglaki ko gusto ko ganiyan din ako ka-pogi," "Naku Makoy mas pogi ka pa riyan," "Aytt tama na 'yang ka-sweetan niyo, baka iiyak si Jane at Elle bigla BWAHAHAHAHA," "Shut up Lyn," "Di kaya 'no hmmp!" Niyakap ko pa rin siya ng sobra-sobra, dinadama ang pagkasabik sa kaniya. Grabe sanay na sanay na talaga kaming laging nagkakasama at 'di nagkakalayo. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon sa piling niya. I really love him so much.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD