Dalawa

2098 Words
Kinabukasan.   Maaga palang ay gising na ako dahil hapon palang kahapon ay tulog na ako. Lumabas na ako sa silid namin at naglakad na ako patungo sa kusina ng nakita ko si Mama na nag luluto ng agahan namin.   "Good morning po Mama," bati ko sa kanya habang humihikab-hikab.   "Mabilis na lang ito at makakapag almusal na tayo." nakangiting tugon ni Mama sa akin.   Umupo na ako agad sa upuan ko at hinintay ko na matapos si Mama sa pagluluto niya.   Ilang saglit lang ay dumating na din Papa sa hapag kainan.   "Good morning sa reyna at prinsesa ng buhay ko," nakangiting bati niya sa amin ni Mama.   "Good morning, Papa!" nakangiting bati ko sa kanya.   "Gusto niyo bang mamasyal mamaya?" nakangiting tanong niya sa amin.   Napatingin ako sa kanya at pailing-iling akong tumugon sa kanya.   "Makakapasyal pa po ba tayo kahit gabi na?" nag tatakang tanong ko sa kanya.   "Gabi? Bakit naman tayo gabi mamamasyal anak?" tanong niya sa akin.   "Eeh ‘di ba po may pasok pa po ako sa school tapos gabi kana po umuuwi galing sa work?" tanong ko sa kanya.   Biglang natawa si Papa sa akin at madali akong tinugon sa tanong ko sa kanya.   "Gusto mo bang lagi kang may pasok sa school? Sandra?" nakangiti niyang tanong sa akin.   "Hah? Anong araw po ba ngayon?" tanong ko sa kanila.   "Sabado ngayon anak ko." nakangiting tugon niya sa akin.   Napangiti ako bigla sa sinabi ni Papa at napatawa na lang ng malakas.   "Sabado pala ngayon! Akala ko po kasi biyernes palang!" natatawang sambit ko sa kanila.   Nakakahiya man ang sinasabi ko kila Mama at Papa ay tuwang-tuwa naman sila sa akin.   "Ito talagang dalaga natin ooh! Gusto laging may pasok siguro may sinusulyapan ka sa school noh?" pang aasar ni Papa sa akin.   "Wala po!" pag tatanggi ko sa kanya habang namumula ang pisngi ko.   "Mama, tingnan mo nga si Sandra ooh! Nag ba-blush meron na sigurong manliligaw 'to!" natatawang sambit ni Papa kay Mama.   "Nako! Subukan lang niya at baka kalbuhin ko siya!" asar na sambit ni Mama.   Nanlaki ang mga mata ko habang tinitingnan ang pagkahaba-habang buhok ko.   "Mama at Papa wala pa po sa isipan ko 'yan at tsaka po may kaibigan naman ako si Uno," sambit ko sa kanila.   "Aba! Sinong Uno 'yan?" tanong ni Papa sa akin sabay taas ng kilay niya.   "Yung kaibigan ko po si Uno? ‘Di ba po lagi ko siyang kinu-kwento sa inyoni mama?" tanong ko sa kanya.   "Aaah... Si Uno! ‘Yung batang kalaro mo sa park? Kumusta na pala siya? Diba na-ospital siya kahapon?" tanong ni Papa sa akin.   "Hala! Oo nga po! Hindi ko po alam kung anong nangyari sa kanya kahapon pagkatapos siyang idala sa ospital," malungkot na tugon ko kay Papa.   "Bakit hindi natin dalawin sa bahay nila bago tayo mamasyal mamaya?" nakangiting tanong niya sa akin.   "Maganda nga po ang plano niyo ngunit hindi ko po alam ang tirahan nila Uno," malungkot na tugon ko sa kanya.   "Wag kang mag alala anak nasa mabuting lagay si Uno ngayon kaya ngumiti ka na." pang aaliw ni Mama sa akin.   Habang nag uusap kami ni Papa ay inilagay na ni Mama ang naluto niyang fried rice na paborito naming pamilya tuwing umaga.   "Kain na tayo! At pagkatapos nito ay tutulungan niyo akong mag linis ng bahay at pagkatapos ay aalis na tayo para mamasyal," nakangiting sambit ni Mama sa amin.   "Pwede bang i-skip natin yung una mong sinabi at mag proceed na lang tayo sa pangalawa?" sambit ni Papa kay Mama.   "Kung gusto mo yung pangalawa na lang ang i-cancel natin at palitan natin ng paglalaba?" mataray na tanong ni Mama kay Papa.   "Sabi ko na po mag lilinis muna tayo ng bahay bago gagala." takot na sambit ni Papa kay Mama.   Pangiti-ngiti lang ako sa kanila ng mga oras na ito habang kumukuha ako ng pagkain ko ng bigla akong nadawit sa gawaing bahay.   "Akala mo naman ligtas ka sa gawaing bahay? Mag linis ka ng kwarto natin ngayong araw dahil ito ang magiging passes mo sa akin." masungit na sambit ni Mama sa akin.   Napatingin ako kay Papa upang kumuha ng simpatya ngunit binawian ako agad ni Mama.   "Hihingi ka pa ng tulong sa Papa mo aah." pang aasar niya sa akin.   Tumango-tango lang ako sa kanya at malungkot akong sumubo ng pagkain ko.   "Saan mo gustong pumunta Sandra, Anak?" nakangiting tanong ni Papa sa akin.   "Hmmm... Pwede po ba tayo pumunta ng park mamaya tapos mag picnic po tayo?" nakangiting tanong ko sa kanya.   "Layu-layuan mo naman ang pupuntahan natin anak," nakangiting sambit ni Papa sa akin.   "Gusto ko po sana makita si Uno para malaman kong ok lang siya." sambit ko sa kanya.   Napatingin si Mama kay Papa at hinawakan nito ang kamay niya.   "Sige! Para mapanatag na ang kalooban mo. Mag pi-picnic tayo sa park mamaya habang hinihintay natin ang kalaro mong si Uno," sambit ni Papa sa akin.   "Talaga po?" masayang tanong ko sa kanya.   "Oo! Alam namin kung gaano ka-importante si Uno sayo kaya doon tayo sa park mamaya." nakangiting tugon niya sa akin.   Tumayo ako sa kinauupuan ko at isa-isa ko silang pinag yayakap.   "Thank you po Papa at Mama!" masayang sambit ko sa kanila.   "Walang anuman anak para sa ikakasaya mo gagawin namin ni Mama ang lahat." nakangiting tugon niya sa akin.   Sobrang saya ko kasi bukod sa makikita ko muli si Uno ay makikilala na siya sa wakas ng mga magulang ko.   Masaya akong kumain ng agahan ko at pagkatapos ay dumiretso na agad ako sa silid namin upang mag linis at mag ayos ng aking mga kalat.   Kahit pagod ang pakiramdam ko dahil sa pag lilinis na ginawa ko ay hindi ko pa din ito nararamdaman dahil sa masayang nararamdaman ko ngayon.   Lumipas ang mga oras ay natapos na akong mag linis ng silid namin. Pag labas ko sa silid ko at pag punta ko sa kusina ay nakita ko si Mama na abalang nag papalaman ng tinapay.   "Ooh? Tapos ka na bang mag linis ng silid natin?" tanong ni mama sa akin.   "Opo Mama!" masayang tugon ko sa kanya.   Kinuha ko ang isang pares ng tinapay at nilagyan ko ito ng palaman pagkatapos ay isinilid ko ito sa isang plastik at tinakpan.   "Sa tingin mo magugustuhan kaya ito ng kalaro mo?" tanong ni Mama sa akin.   "Wala naman pong pinipili na pagkain 'yun," nakangiting sambit ko sa kanya.   "Mabuti naman kung ganun para hindi na ako mahirapan kung anong dadalhin natin sa park mamaya." nakangiting sambit niya sa akin.   Tinapos na ni Mama ang ginagawa niya at pagkatapos ay nagsi-ligo na kaming lahat.   Lumipas pa ang ilang mga oras ay tumungo na kami sa parke.   "Mag ko-kotse pa ba tayo Hon o mag lalakad ka na lang?" nag aalalang tanong ni Papa kay Mama.   "Mag lakad na lang tayo para makapag ehersisyo din ako." tugon ni Mama.   Akay-akay ni Papa si Mama habang naglalakad kami papunta sa parke ngunit ako ay patakbo-takbo sa tabi nila.   "Wag masyadong makulit Sandra at baka mapagod ka na agad niyan hindi ka na makapaglaro sa palaruan bahala ka," panunuway ni Mama sa akin.   "Malakas naman ako Mama!" nakangisi kong sambit sa kanya.   "Edi sige ikaw ang bahala." tugon niya sa akin.   Hindi ko alam kung pinapagalitan ba niya ako o ewan kasi kahit na malumanay ang mukha ni Mama na kinakausap ako parang may panlilito sa mga sinasabi niya.   Hindi na ako nag pasaway pa kaya tumabi na lang ako kila Mama at Papa habang naglalakad kami patungo sa parke.   Pag dating namin sa parke ay sobrang daming bata na naglalaro dito kaya tumingin ako agad kay Mama upang humingi ng permiso niya.   "Mama?" tanong ko sa kanya.   "Go ahead." nakangiting tugon niya sa akin.   Agad akong tumakbo patungo sa mga batang naglalaro at nakilaro din ako sa kanila.   Masaya akong nakikipag laro sa kanila habang nakikita ko sila Mama at Papa na naglalapag ng baon naming mga pagkain sa la mesa.   Panay ang takbo ko sa malaking slide habang palinga-linga ako sa paligid at sinisilip si Uno kung dumating na siya.   Lumipas na ang ilang oras ng paglalaro ko sa palaruan ngunit hindi ko pa din nakikita si Uno. Habang naglalaro ako sa see-saw kasama ang isang batang kakakilala ko palang ay kinawayan ako ni Mama kaya agad akong umalis sa kinauupuan ko at patakbo akong lumapit kila Mama.   "Pawis na pawis ka na Sandra ooh! Halika at punasan natin ang likod mo," alalang sambit ni Mama sa akin.   "Mag aagaw dilim na anak. Asan na ‘yung kaibigan mo?" tanong ni Papa sa akin.   "Hindi ko din po alam Papa baka hindi siya pinayagan ng Mama niya na pumunta dito," malungkot na sambit ko sa kanya.   "Sayang naman kung ganun. Sige upo ka na muna dito at kumain na muna tayo ng mga hinandang pagkain ni Mama," sambit ni Papa sa akin.   "Sige po Papa." tugon ko sa kanya.   Umupo ako sa tabi ni Mama at kumuha na ako ng makakain ko.   Nakakalungkot lang ngayon na dapat ay masaya dahil hindi ko nakita si Uno kahit saglit man lang na oras.   "Siguro nag papahinga pa rin si Uno ngayon." malungkot na sambit ko sa sarili ko.   Hindi ko na magawang maging masaya ngayon kaya pumunta na lang ako sa malaking puno kung saan kami nag sumpaan na dalawa ni Uno at naglaro na lang ako ng mga bato doon.   Pinag dadampot ko ang mga bato sa tabi ng ilog at pagkatapos ay pinag tatapon ko din ito sa ilog.   Ang lungkot lang talaga ng wala kang kasamang naglalaro ngunit habang nag da-drama ako dito sa gilid ng malaking puno ay bigla na lang lumaki ang ngiti ko ng may kumalabit sa akin mula sa likuran ko.   Agad akong tumingin sa likuran ko at nakita ko si Papa na nakangiti na nakatingin sa akin. Hindi ko napansin ang sarili ko na napasimangot ako ng si Papa ang nakita ko at hindi si Uno.   "Ooh? Parang hindi ka masaya na nakita mo ako?" tanong ni Papa sa akin.   "Hindi naman po sa ganun Papa nag expect lang po ata ako na si Uno ang kumalabit sa akin," malungkot na sambit ko sa kanya.   "Hayy nako paubos na ang mga tao dito sa park at wala pa rin ‘yang Uno. So anong gusto mong gawin natin dito? Hintayin natin siya hanggang mag gabi?" galit na tanong niya sa akin.   "Hindi naman po sa ganun Papa," malungkot na tugon ko sa kanya.   "Halika na at uuwi na tayo." sambit niya sa akin.   Tumayo na ako sa kinauupuan ko at sumunod na ako kay Papa pabalik sa pwesto nila ni Mama.   "Ooh? Bakit nakabusangot 'yan?" tanong ni Mama kay Papa.   "Paano hindi niya nakita yung boyfriend niya," pang aasar ni Papa sa akin.   "Papa naman eeh!" asar na sambit ko.   "Sus! Kungwari ka pa diyan! Ang lungkot-lungkot ng mukha mo kanina pa akala mo hindi namin napapansin?" asar na tanong ni Papa sa akin.   "Sige na po! Uwi na po tayo at gabi na po." malungkot na sambit ko sa kanila.   Hinawakan ako ni Papa sa balikat ko at pinisa-pisa niya ito ng bahagya sabay ngiti sa akin. Kinuha na ni Papa ang basket at inalalayan na niya si Mama na mag-lakad.   "Hindi ka pa ba pagod Hon? Gusto mo sumakay na tayo dito?" nag aalalang tanong ni Papa kay Mama.   Huminga ng malalim si Mama.   "Sige sumakay na tayo." tugon niya.   Nag tawag na ng masasakyan si Papa at nag hintay kami sa bandang sakayan ni Mama.   Pagdating na pagdating ng sasakyan namin ay agad kaming sumakay dito. Pag upo namin sa loob ng sasakyan ay agad akong nakatulog sa tabi ni Mama.   "Gising na anak nandito na tayo." panyuyugyog ni Mama sa akin.   Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at natanaw ko na agad ang aming bahay.   "Nandito na tayo agad?" tanong ko sa kanya.   "Oo naman. Ang lapit lang ng bahay natin." sambit niya sa akin.   Binuksan ko na ang pinto ng kotse at lumabas na ako sa kotse para tumakbo sa pinto namin.   Medyo may kabagalan na maglakad si Mama dahil malaki-laki na rin ang tiyan niya. Kaya ilang minuto pa ang hinintay ko bago nila mabuksan ang pinto.   Pag bukas na pag bukas ni Mama ng pinto ay agad akong tumakbo patungo sa silid namin.   Papikit-pikit na akong nag papalit ng damit ko nito dahil sa pagod sa kakalaro sa parke. Matapos kong mag bihis ng pambahay ay agad kong binuksan ang electric fan ng silid namin at humiga na ako sa kama at natulog na ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD