Tatlo

2149 Words
Lumipas ang mga araw.   Sa iskwelahan.   "Gusto ko lang ipaalam sa inyo na ilang araw nalang ay matatapos na ang pasukan! Ihanda ang sarili para sa huling pag susulit!" masayang sambit ni Ms. Gina sa amin.   Masaya ang lahat ng narinig nila na malapit na ang end of class. Summer na naman kaya makakapag pahinga na muli kami sa mga aralin.   Habang malungkot akong nag papasok ng mga kwaderno sa aking bag ay bigla na lang akong kinalabit ng kaibigan kong si Mara.   "Huy! For sure ikaw na naman ang top 1," nakangiting sambit niya sa akin.   "Hindi pa natin alam 'yan kasi may final exam pa tayo," tugon ko sa kanya.   "Kahit naman hindi ka mag aral ikaw pa rin ang top 1," pang aasar niya sa akin.   "Ewan ko na lang ngayon," nakangiting sambit ko sa kanya.   "Sigurado ako na ikaw 'yun!" nakangiting sambit niya sa akin.   Habang nag uusap at nag tatawanan kami ni Mara ay biglang tumunog ang bell.   Binuhat ko na ang bag ko at tumayo na ako sa upuan ko para lumabas na ng silid.   "Sama ako sayo," sambit ni Mara sa akin.   "Ok." tugon ko sa kanya.   Naglakad na kami ni Mara palabas ng iskwelahan namin ng bigla siyang nag aya sa akin na gumala muna bago umuwi.   "Tara gala muna tayo bago umuwi tapos ilibre kita ng fishball sa labas," paanyaya niya sa akin habang inaakbayan ako.   "Sige!" masayang sambit ko sa kanya.   Nag lakad-lakad kami ni Mara sa labas ng school hanggang sa nakakita kami ng pishbolan. Pagkakita na pagkakita palang namin sa pishbolan ni Mara ay kumaripas na kami ng takbo palapit dito.   "Salamat sa treat Mara," sambit ko sa kanya habang tumutusok ng fishball.   "Wala 'yun!" nakangisi niyang sambit sa akin.   Pagkatapos kong tumusok ng fishball sa nag iinit na mantika ay agad ko itong sinawsaw sa masarap na sawsawan ni Manong at pagkatapos ay isinubo ko ito agad kahit pa ito ay mainit-init pa.   "Huy!" biglang sambit ni Mara sa akin.   Tumingin ako sa kanya habang nakasubo ang stick sa bibig ko sabay tanong sa kanya.   "Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya.   "Hindi ka ba mapapaso niyan sa ginagawa mo?" tanong niya pabalik sa akin.   "Masarap ang fishball kapag mainit pa siya tapos yung tipong umuusok pa siya sa init na kinakain mo," nakangising sambit ko sa kanya.   "Totoo?" manghang tanong niya sa akin.   "Oo! Subukan mo!" paanyaya ko sa kanya.   Ginaya naman ako ni Mara ngunit sa akala ko'y kakayanin niya ang init ay napaso ang labi at dila niya kaya nalaglag lang yung fishball sa bibig niya.   "Araayy!" sigaw niya habang hinahawakan ang labi niya.   "Akala ko kaya mo!" natatawa kong sambit sa kanya.   Habang tumatawa ako kay Mara ay bigla siyang umiyak ng malakas. Hindi ko alam ang gagawin ko ng makita ko siyang umiiyak kaya pinatahan ko agad siya sa pag iyak.   "Huy! Wag kang umiyak!" nag aalalang sambit ko sa kanya. "Hindi ka pa bayad kay Manong wag ka muna umiyak." kinakabahang sambit ko sa kanya.   Hindi tumigil sa pag iyak si Mara hanggang sa dumating na ang sundo niya.   Nakaupo kami sa tabi ng guard house habang malungkot akong nakatingin sa kanila.   "Nalustayan ako ng limang piso dahil sa iyak mong 'yan." inis na sambit ko sa sarili ko.   Nakaupo lang ako habang tinitingnan si Mara na papasakay sa kotse nila.   "Wala ka bang sundo Sandra?" tanong ni Ate Cora sa akin.   "Ok lang po ako sanay naman akong umuuwi mag-isa," tugon ko sa kanya.   "Ok sige. Iwan ka na namin dito aah." nakangiting sambit niya sa akin.   Tumango lang ako sa kanya kaya tumalikod na siya sa akin. Habang papasakay siya sa kotse nila Mara ay tumingin sa akin si Mara at dumila ito habang nakataas ang kaliwang kilay.   Tumitig ako kay Mara ng matalim sabay taas ng kamao ko sa kanya.   Tumawa-tawa lang sa akin si Mara hanggang sa umalis na sila ng tuluyan sa harapan ko. Gigil na gigil ako sa ginawa sa akin ni Mara sapagkat nakalaan ang pera kong 'yun sa pagkain na ipapasalubong ko kay Uno.   "Babawian kita bukas Mara tingnan mo lang." inis na sambit ko.   Naglakad na ako papalayo sa iskwelahan namin.   Tirik na nga ang araw habang nag lalakad ako pauwi nag iinit pa ang ulo ko dahil sa nangyari.   Pasipa-sipa ako ng bato sa daan pauwi hanggang sa nakarating na ako sa tagpuan namin ni Uno.   Sisilip-silip ako sa palaruan hanggang sa nakita ko sa malaking puno si Uno na nakaupo. Nanlaki ang mga mata ko habang nakangiti akong papalapit sa kanya. Dahan-dahan akong papalapit sa kanya ng mga oras na ito sabay sigaw ko sa tenga niya ng malakas.   Napaalog sa gulat si Uno kaya napatawa ako ng malakas sa tabi niya.   "Magugulatin ka talagang Tabachoy ka!" natatawa kong sambit sa kanya.   "May sakit ako sa puso Sandra," malungkot na sambit niya sa akin.   "Paanong sakit sa puso?" tanong ko sa kanya sabay upo sa tabi niya.   "Hindi na ako pwedeng makipaglaro sayo," malungkot na sambit niya sa akin.   "Bakit?" malungkot na tanong ko sa kanya.   "Ang hina mo naman masyadong umintindi Sandra! May sakit ako! Paano ako makakalaro kung sa bawat galaw ko ay hinihingal ako?" galit na sambit niya sa akin.   "Edi mag kwentuhan nalang tayo dito sa ilalim ng puno." nakangiting sambit ko sa kanya.   Tumayo si Uno sa kinauupuan niya at kinuha ang isang bagay sa bulsa niya.   "Hindi ko alam kung magkikita pa tayong dalawa kaya gusto ko itong ibigay sayo para kahit na hindi na tayo magkikita pa ay maaalala mo ako," malungkot na sambit niya sa akin habang inaabot ang kapiraso ng kwintas. "Isuot mo lang ito lagi Sandra para maalala mo ako," umiiyak niyang sambit sa akin.   "Saan ka pupunta? Akala ko ba hanggang pag tanda ay mag sasama tayo? Diba best friend tayo?" umiiyak kong sambit sa kanya. “Mag papagamot lang ako sandali at babalik ako pangako.”   Habang nag iiyakan kaming dalawa ni Uno ay inilagay niya ang kwintas sa leeg ko.   "Ayoko nito!" pamimiglas ko sa kanya habang humahagulgol sa iyak.   Malungkot ang mga mata ni Uno na nakatingin sa akin habang kasabay ko siyang humahagulgol ngayon ngunit wala siyang magawa kaya tumalikod na siya sa akin at naglakad papalayo.   "Akala ko ba crush mo ako?" galit na tanong ko sa kanya.   Natigilan siya sa paglalakad niya at tumingin siya muli sa akin.   "Oo crush naman kita Sandra eeh! At hinding-hindi na ito mag babago pa! Pero bata pa tayo ngayon at kahit pa gustuhin kong mag istay dito ay hindi pwede dahil kay Mama." sambit niya sa akin habang lumuluha.   Tumakbo ako papalapit sa kanya sabay yakap sa kanya ng sobrang higpit.   "Maipapangako mo ba sa akin na hindi mo ako makakalimutan?" malungkot na tanong ko sa kanya.   "Babalik ako Sandra at sa pag babalik ko ay papakasalan na kita." nakangiting sambit niya sa akin.   Itinaas ko ang kanang hinliliit ko.   "Promise?" nakangiting tanong ko sa kanya.   "Promise!" sambit niya sa akin.   Niyakap kong muli ng mahigpit si Uno at sabay lapit ng dalawang lalaki sa amin.   "Mahuhuli na po kayo sa flight niyo," sambit ng isang lalaki.   "Teka lang po at nag papaalam pa po ako sa kaibigan ko," sambit ni Uno sa lalaki. "Sandra, Wag mo akong kalimutan huh?" sambit niya sa akin.   "Oo! Hinding-hindi kita makakalimutan pangako ko sayo 'yan." sambit ko sa kanya habang nakahawak sa kamay niya.   Binitawan na ni Uno ang kamay ko at tumalikod na siya sa akin.   Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko ng nakita ko si Uno na papalayo sa akin patungo sa kotse nila.   "Uno." malungkot kong sambit.   Nakasakay na si Uno sa kotse nila at nakasara na ang pinto nito ng bigla kong naalala na hindi ko pa alam ang tunay niyang pangalan kaya madali akong tumakbo patungo sa kotse nila.   "Uno! Uno!" sigaw ko mula sa labas.   Umandar na ang kotse nila Uno ngunit hindi pa din niya ako naririnig sa pagsigaw ko kaya hangga't kaya pa ng boses ko na sumigaw ay ipinagpatuloy ko ang pag sigaw ng pangalan niya hanggang sa napansin siya ako.   Tumingin siya sa direksyon kung nasaan ako.   "Anong tunay na pangalan mo!" sigaw ko sa kanya habang hinahabol ko ang umaandar na kotse nila.   "Ano?" tanong niya sa akin.   "Pangalan mo! Anong tunay na pangalan mo?" sigaw ko sa kanya.   "Alex! Alexander!" sigaw niya sa akin.   Napangiti ako sa kanya at natigilan na ako sa pag takbo. Pagod na pagod akong nagpapahinga sa tabi ng daan habang inaalala ang pangalan ni Uno.   "Alex! Alexander!" nakangiti kong sambit sa sarili ko. "Siguraduhin mong hindi mo ako kakalimutan Uno." sambit ko.   Maga ang mata ko ng umuwi ako sa bahay dahil ito na ang huling araw na makikita ko si Uno ngunit sa kabila ng kalungkutan ay baon ko ang pag asang babalikan niya ako. At sa pagbalik niya ay nangako siyang papakasal niya ako.   Pahikbi-hikbi akong umuwi sa bahay ngunit nakangiti akong sumalubong kay Mama na nag hihintay sa akin sa labas ng bahay.   "Umiiyak na naman ang prinsesa namin." sambit ni Mama sa akin habang pinupunasan ang aking luha.   Yumakap lang ako ng mahigpit kay Mama habang dinadamdam ko ang pagiging broken hearted ko.   "Grabe naman ang iyak ng anak ko akala mo naman nakipag break sa boyfriend niya. Eeh grade 2 ka palang naman," natatawang sambit ni Mama sa akin habang hinahawakan ang likod ko. “May boyfriend ka na ba?" nagtatakang tanong niya sa akin.   "W-wala po-o Mama. Iniwan na po kasi ako ni Uno," humihikbi-hikbi kong sambit sa kanya.   "Break na kayo ni Uno?" gulat na tanong niya sa akin.   "Huh?" gulat na sambit ko sa kanya. "Mama naman eeh," asar na sambit ko sa kanya.   "Bakit saan ba pupunta si Uno?" tanong ni Mama sa akin.   "Hindi ko po alam Mama pero hindi ko po alam kung babalik pa siya dito," malungkot na tugon ko sa kanya.   "Hindi man lang namin siya nakita ni Papa. Bakit daw siya aalis?" tanong ni Mama sa akin.   "Sabi niya po magpapagamot lang daw po siya kasi po may sakit daw po siya sa puso kaya hindi na siya pwedeng makipaglaro sa akin," malungkot na hayag ko sa kanya.   "Inilayo na siya ng Mama niya dahil malaki ang pagkakataon na bawian siya ng buhay kapag inatake siya ng sakit niya sa puso habang naglalaro kayong dalawa anak," paliwanag ni Mama sa akin.   "Nakamamatay po ba ang sakit sa puso Mama?" tanong ko sa kanya.   "Oo naman anak lalo na kapag sobrang pagod niya tapos makakaramdam siya ng hirap sa paghinga," paliwanag ni Mama sa akin.   "Mamamatay na po ba si Uno kaya lumayo sila?" takot na tanong ko kay Mama.   "Hindi anak! Wag mong isipin na mamamatay si Uno dahil nagagamot naman ang sakit sa puso," sambit ni Mama sa akin.   "Akala ko mawawala na si Uno ng tuluyan sana tuparin niya ang pangako niya sa akin," inis na sambit ko.   "Anong pangako naman 'yun anak?" nagtatakang tanong ni Mama sa akin.   "Papakasalan daw niya po ako pag balik niya dito." nahihiyang tugon ko kay Mama.   Biglang humagalpak ng tawa ng malakas si Mama sa akin dahil sa sinabi ko.   "Anak ang babata nyo pa bakit ganyan na ang mga sinasabi niyong dalawa?" natatawang sambit ni Mama sa akin.   "Ayun naman po talaga ang sinabi ni Uno sa akin Mama," tugon ko kay Mama.   "Hay nako! Alexandra! Walong taong gulang palang kayong dalawa at ganyan na ang naiisip niyo?" galit na tanong ni Mama sa akin.   "Sorry po Mama." malungkot na tugon ko sa kanya.   Ngumiti si Mama sa akin at hinaplos-haplos ang mukha ko.   "Kapag nakapag tapos ka na ng pag aaral mo at nakapag trabaho ka na tsaka ka lang pwedeng mag boyfriend. Ok ba 'yun?" tanong ni Mama sa akin.   Ngumiti ako sa kanya at tumango.   Pinaupo ako ni Mama sa hapag kainan upang makapag tanghalian na ako. Habang hinahainan niya ako ng makakain ko ay patuloy pa rin siya sa pagbibigay sa akin ng pangaral sa buhay.   "Matalino at maganda kang bata kaya sigurado akong naiintindihan mo ang mga sinasabi ko sayo," seryosong sambit ni Mama sa akin. "Pagkatapos mong kumain ay maligo ka na at matulog ka." sambit ni Mama sa akin.   Tumango-tango lang ako sa kanya habang kumakain ako ng tanghalian ko. Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay agad akong tumungo sa kwarto upang kunin ang aking twalya at pagkatapos noon ay tumungo na ako agad sa banyo para maligo.   Lumipas ang ilang minuto ko sa pagligo ay hindi pa din nawawala ang pamamaga ng mata ko. Lumipas pa muna ang ilang oras bago ako matulog dahil nag patuyo pa ako ng buhok ko habang nag aaral ako para sa kinabukasang klase.   Papikit-pikit ako ng mga oras na ito hanggang sa hindi na talaga nakayanan ng mga mata ko dahil sa bigat na nararamdaman ko sa talukap ko kaya itinulog ko na ito.   

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD