NANG mapansin siya ni Orpheus ay agad siyang nilapitan nito sapagkat naalala niya na takot pala ito sa madilim. "Don't be afraid, I am here," pahayag niya at hiningi ang kamay ni Yvette. Inilahad naman niya ang kamay at sabay silang naglakad hanggang sa gitna ng sala kung saan nandoon ang kanilang dinner table na puno sa pagkain. Maliit lang ito subalit galante naman tingnan. "Ang ganda naman nito, sir." "Did you like it?" "Opo, sobrang ganda nga, eh. Salamat!" "Wait!" Tumayo ito at nagpatugtog ng romantic song. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Ang loob ko sa 'yo ay kay gaan, hindi ka mawala sa isip ko. Laging bukambibig ay pangalan mo, ano nga ba'ng meron ka? Biglang napangiti si Yvette sa kanta at si Orpheus naman ay titig na titig sa kanyang mukha habang nanatil