Hanggang sa nakarating sila sa St. Jude Funeral Homes, kung saan nakaburol ang kanyang mga magulang. Nasa pinto pa lang sila ay pumatak na ang luha ni Orpheus, hinawakan siya ni Yvette at dahan-dahan na hinila papasok sa loob. Napahinto sila sa tapat ng dalawang magkatabing mamahaling porcelain jar na nilalagyan ng abo na mula sa katawan ng kanyang mga magulang. "Madam Josephine, Sir Lucas, pasensya na kayo kung ngayon lang kami nakapunta. Nagpapagaling pa kasi si sir Orpheus," pagwiwika ni Yvette sa harap ng dalawang porcelain jar. "Mom… Dad, I'm sorry if I can't protect you. But promise, I'll avenge you." "Huwag kayong mag-alala, hindi ko iiwan si sir Orpheus." At hinawakan niya palad ng binata. Tumugon si Orpheus at mahigpit niyang hinawakan ang palad ni Yvette at bahagya rin siy