Kabanata 14 Luis POV Anghel Hindi ko na naabotan si dad sa bahay, may kailangan pa sana ako sa kanyang sabihin. Tinanong ko si Leah kung saan ang punta ni dad. “Leah, alam mo ba kung saan papunta si dad? Saka ba’t ikaw lang yata ang nasa kusina ngayon? Nasaan si Manang Minda?” Panay lang ang lingon ko sa paligid, nang wala talaga akong makitang kahit anino man lang ni manang. At saka pati na rin si Essa. Hindi pa ba iyon lumalabas ng kanyang silid? “Hala, hindi kita agad napansin, Luis. Hmm…umalis ang daddy mo---kasama sina Manang Minda at Essa.” Kumunot naman ang aking noo. “Si Essa? Saan naman daw sila pupunta?” seryoso kong sambit sa kanya. “Sa Calisto Academy. I-enroll ni Manang si Essa roon. Gus