Kabanata 15 Essa’s POV Bisita “Mga kabataan talaga ngayon, hindi makontrol ang sarili.” Naagaw ni nanay ang pansin ko. “Anong ibig mong sabihin, Nay?” Sinubo ko na ang isang piraso ng fishball na binili ko kanina sa labas. “Wala, ang sabi ko, magbihis ka na at marami pa tayong gagawin.” Dinalian ko naman ang pagkain. Nang nakaramdam na nga ako ng pagkabusog. Tinawag ko si Leah. “Ate Leah, sa iyo na itong binili ko sa labas. Busog na kasi ako.” “Wow! Talaga ba? Ang sarap nito.” Nagpasalamat naman siya sa akin. Ako nama’y dahan-dahang lumabas ng kusina, nang hindi ko sinasadyang mapatingin sa gawi nila. Mabuti na lang at si Luis lang ang nakatingin sa akin. Saglit na huminto a