Kabanata 8

1171 Words
Kabanata 8 Sorry! Buong gabi kong inaanalisa ang mga pinagsasabi sa akin ni Manang Minda, parang may kung anong mabigat na bagay na dumagan sa aking puso. Sa bawat pagpikit ko, ang inosenteng mukha ni Essa ang nakikita ko. Kaya hindi ako masiyadong nakatulog. "Tsk! Ang laki ng eyebags ko. At ang itim pa ng ilalim nito." usal ko sa sarili habang tinitignan ang repleksyon sa salamin. Gusto ko man sisihin si Essa dahil dito, pero parang may kung anong konsensya na ang pumipigil sa akin. "Bakit ba kasi ang init ng ulo ko sa batang babaeng iyon?" tanong ko sa sarili. Mataman lang akong nakatitig sa sariling mukha sa salamin nang biglang nag-ring ang aking telepono. Kaya dalidali akong tumungo sa kama at umupo rito't sinagot ang tawag. "Good morning, Sweetheart!" Nailayo ko ang cellphone sa aking tainga, dahil sa sobrang lakas at tinis ng boses ng babae sa kabilang linya.   "Sino 'to?" tanong ko habang kausap pa rin ito. Pero hindi ko na nilagay pa sa 'king tainga ang cellphone at baka dumugo pa ang aking eardrum. Ni-loudspeak ko na lang ang tawag, para kahit papaano naman ay naririnig ko sa malayuan ang kanyang sasabihin. "Ay, Sweetheart, naman, eh!"  malanding boses na naman ang ginamit niya sa kabilang linya. "Baka wrong number ka lang, hindi po sweetheart ang pangalan ko. Ibaba ko na it--" "Wait, Honey!" "Honey?" "Tss! My love, naman, eh! Si Marella ito, ang magandang babaeng baliw na bali--" Bwesit! Pinatayan ko na nga ng tawag ang babaeng iyon! Saan ba niya nakuha ang number ko? Tsk! Tumunog na naman ang cellphone ko. Hindi ko na sana sasagutin, pero ang ingay-ingay sa tainga ng ringtone na nanggagaling sa aking phone. "Ano?" Pagpipigil ko sa aking boses. "Bakit mo 'ko binabaan?" "Busy ako." "Busy? Ano na naman ang pinagkaabalahan mo?" "Aish! Pwede ba, Marella? I have many things to do, and I don't have free time for you. So please turn off this call now!"  utos ko sa kanya. "Luis, naman, eh. Ngayon na nga lang kita nakausap ulit, tapos gaganituhin mo na ako? Bakit mo ba ako iniiwasan? Single ako, single ka anong problema roon?" Tss! Nakasusura talaga ang boses ng babaeng ito. Parang naipit na pito! "I'm sorry, Marella, but maybe it is the right time to tell you this." Nagkamot ako ng ulo, saka iniisip ng mabuti ang aking sasabihin. "Ano naman 'yon?" she asked. "I have a girlfriend already. And we are both happy together. And please---I do hope you never cause trouble." seryoso kong pagkasabi para mas lalong kapani-paniwala. Nang biglang may kumatok.   "Come in." Sigaw ko para marinig ng nasa pinto. "No, Luis, you are only sixteen and it's impossible! Hindi mo nga ako magawang lingunin na maganda pa at sexy. Ibang babae pa kaya? I know you just said that to eliminate me! But sorry I won’t buy your alibi," may bakas nang pagkainis ang kanyang boses. Nakita ko naman na marahang pumasok si Essa sa loob ng kwarto ko. Good timing ka Essa. "Oh? Is that so, but it's true. In fact, nandito nga siya ngayon sa kwarto ko.  Gusto mo ipakausap ko siya sa 'yo?" I said seriously. Narinig ko naman na nagbuntonghininga siya sa kabilang linya. "It's useless, hindi pa rin ako naniniwala. Maliban na lang kung nakita ko kayo personally. Maybe maniniwala pa ako!" prangka niyang pagkasabi. "O-Okay. Basta sinabi ko na sa 'yo ang totoo. Ang sa akin lang naman, eh, you better stop yourself from hitting me, when you saw me---with someone else. Because it's weird for us ‘guys’, na ang babae ang naghahabol sa amin. Marami namang lalaki riyan, Marella."   I said in a low tone but serious voice. "I will..." "Good." I cut her words. "...never stop, Luis! I know you're lying just to get rid of me! Kilala mo ako, Luis! Kung anong gusto ko. Kukunin ko, at aangkinin ko!" "Wai--" Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang pinatay ang tawag. "Fudge!" sabay hagis ko ng cellphone ko sa aking kama. At dahil nga foam ay nag-bounce ito kaya mahuhulog na sana iyon sa sahig nang masalo ito ni Essa. "Oops!" usal niya. "I-Ito po, Sir Luis." Nilahad naman niya sa akin ang cellphone ko. "Thanks, pasensya ka na pinaghintay pa kita. May katawagan lang." I said. "Ah, okay lang po." "Why are you here by the way?" Teka nga muna bakit parang ang pormal ko ngayong nakikipag-usap kay Essa? Damn, Luis! "Ahh, kasi po, pinapapunta ako ni Nanay Minda rito. She said na mag-aagahan na po raw," "Wait, can I have a request?" 'Hoy, Luis! Bakit ka ba English nang English d'yan! Si Essa ang kausap mo!' tumikhim naman ako at bahagyang umubo. "Ang sabi ko--" "I understand naman po, anong request po?" naninibago ako sa ikinikilos ni Essa ngayon. Bakit parang ang bait niya naman masiyado? May nagawa ba akong mabuti? Eh, sa pagkakaalala ko, may kasalanan pa pala ako sa kanya. "Ahh, k-kasi…" nauutal kong usal. Pero napapansin kong bakit parang nagpipigil siya ng tawa. Anong nakatatawa? "Can you drop ‘po’, kapag nakikipag-usap ka sa akin? Sixteen lang ako. Hindi ako matanda. At isa pa, Luis na lang itawag mo sa akin. H'wag na sir. Hindi ako sanay sa ganoon." sabi ko pero parang umismid siya. "May problema ba sa sinabi ko?" "Ah, w-wala naman po, I mean, Luis. Iyon lang ba?" She asked, while staring at me.          "At isa pa nga pala, may sasabihin ako.  At seryoso ako ‘pag sinasabi ko ito. Kaya makinig ka, ayaw kong pinapaulit-ulit sa akin ang mga sasabihin ko." Imporma ko sa kanya. "Okay?" Pinabilog pa niya ang kanyang bibig nang sabihin niya sa akin iyon. "Hmm, sorry. I am sorry." I apologized. "For?” "Argh! Ano pa nga ba? E ‘di sa mga pinagsasabi ko sa 'yo kahapon." naiinis ako na hindi ko alam kung bakit. "Woah, okay, sige tatanggapin ko iyon. At sana hindi na 'yon mauulit pa. Hindi rin naman ako nagtatanim ng sakit ng loob, sa mga nakakatanda sa akin." maamo niyang pagkasabi. Na para bang walang mali sa sinabi niya. "Ano? Bakit lukot iyang mukha mo?" tanong niya sa akin. "Minatanda mo ako, eh. Sixteen pa nga lang ako, ‘di ba?" "Eh, twelve naman ako, apat na taon ang gap natin, kaya walang mali sa sinabi ko--" "Okay na, sige na! Tumahimik ka na. At isa pa, umalis ka na sa kwarto ko, bago pa kita ibitin patiwarik dito." Pananakot ko sa kanya. Kaya napatakbo siya sa pintuan. Pero nakangisi naman. "Ano?" Saway ko sa kanya dahil sumisilip pa siya sa pinto. "Luis! I mean...Kuya Luis! Magdamit ka naman. Baka makita ka ng ligaw na pusa at aso, at akalain nilang walking skeleton ka!" Sabay tawa niya at sarado ng pinto. Napatingin naman ako sa katawan ko, at wala nga pala akong damit! Damn! Kaya pala kanina pa ako nilalamig. Batang iyon! May panahon ka rin sa akin. Binabawi ko na ang sorry ko! Bwesit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD