Kabanata 7
Aso't pusa
"Hesus ko, Luisito! Anong nangyari sa 'yo, hijo?"
Wala akong imik.
"A-Akin na nga 'yang mga pinggan at kutsara, naku! Bakit ka kasi naligo ng kanin--ay este...bakit ang dami ng mga kanin d'yan sa katawan mo? Ano ba ang nangyari? Teka, tawagin ko lang si Essa, Es--"
Nainis na naman ako ng marinig ko ang pangalan ng babaeng iyon.
"Manang. Hindi na po. Sige na po, pupunta na ako sa kwarto ko para makapagbihis."
"Pero, Hijo, Essa! Halika ka nga rito, tulungan mo ang Sir Luis mo, Essa!"
Malakas na tawag ni manang sa batang babae. Bwesit!
"Aish!" Nagmartsa naman ako palayo kay manang at baka maabutan ko pa ang batang babaeng walang respeto sa katawan. Nag-iinit talaga ang dugo ko sa kanya.
At dahil hindi ako tumitingin sa aking dinaraanan ay hindi ko napansing may thumbtacks pala sa aking nilalakaran.
"Aray! Shocks!" Napaupo na lang ako bigla sa sakit ng aking paa, dahil sa pagkatusok ng thumbtacks.
Dinaluhan naman ako ni manang at saka ininspeksyon ang aking paa na may nakatusok na thumbtacks.
May maliit at pigil na tawa naman akong naririnig sa likuran ni manang. Kaya imbes na alalahanin ko ang tusok sa paa ko'y wala sa isipan akong tumayo, pero sa pagtayo ko naman ay naitukod ko ang paang may sugat.
"Ahh! Heck! Ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito! Bwesit!" Pagmumura ko sa kanya. Hindi ko talaga mapigilan ang sobrang pagkainis sa kanya.
"Anong ako? E, ikaw naman ang nakaapak niyan, ah! Ako ba naglagay ng thumbtacks diyan? Hindi ‘no!" Paliwanag niya, pero may bakas ng pagngisi.
"Oh! Bakit ka nakangisi? Sinadya mo talaga ‘to! Alam ko ikaw ang naglagay ng maliit at matulis na bagay na 'yon! Aray!" Naitukod ko na naman ang sugatang paa ko. Ang sakit!
"Makamura ka, ah! Hobby mo na 'yan?"
"Che! Lumayo ka nga sa 'kin! Ikaw ang malas sa buhay ko!" Pantataboy ko naman sa kanya.
Umalis naman siya. "Aba't iniwanan nga ako ng gaga! Walang awa!" Malakas na sigaw ko.
Nagyuko ako at sinilip naman ang matulis na bagay na nakatusok sa may kanang parte ng paa ko. Ang sakit talaga. Humahapdi na ito. Sheesh! Wala man lang akong mauupo--
"Oh, ito. Umupo ka!" Sabay lagay niya nang upuan sa likuran ko.
"Sabi ko, umupo ka! Loko ka rin, eh ‘no?"
"H'wag na! Baka isipin mong okay na tayo! Kahit kailan hindi kita matatanggap sa pamamahay na ito!" Singhal ko sa kanya.
"Bakit? Sinabi ko bang tanggapin mo 'ko? Ikaw ang gago!"
"Ikaw pa ang pinagsisilbihan, ikaw pa itong arogante! Sana lamunin na ng paa mo ang thumbtacks at hindi na makuha 'yan!" At nagmartsa siya palayo.
Kasabay naman noon ang paglapit sa akin ni manang.
"Ang ingay niyo namang dalawa, para kayong mga aso't pusa. Akin na nga 'yang paa mo Hijo, at gagamutin natin." Pinaupo naman ako ni manang na kanina ko pang iniiwasang upuan, dahil si Essang bruhang bata! Ang nagbigay niyan sa akin. Pero dahil si manang naman ang nagpaupo sa akin, kaya hindi ko na magawang umangal.
"Aray! Manang, ang sakit!"
Malakas na sigaw ko, at hindi ko matiis ang matinding sakit na naramdaman ko. At sa wakas ay nahugot naman ni Manang ang thumbtacks sa paa ko.
"Phew…" Buntong hininga ko. Sa wakas nakuha na rin.
Ginagamot na lang ni manang ang sugat at nilagyan ng betadine, saka nilagyan ng band aid.
"Ayan, okay na, Hijo."
"Salamat, Manang."
"Teka nga muna, hijo, bakit ba ang init ng dugo mo kay Essa?"
Nag-isip naman ako ng maaring dahilan. "Sinungaling po kasi." Tanging naisagot ko.
"Sinungaling? Saan siya banda nagsinungaling, hijo?"
"Basta po, tingin ko lang kasi sa kanya ay nagsisinungaling siya." Napatingin ulit ako sa naka-band-aid kong sugat.
"Bakit, hijo? Kilala mo ba si Essa, at nasabi mong nagsisinungaling siya?"
Natameme naman ako. "H-Hindi po." Pag-amin ko.
"Oh, 'yon naman pala, e. Eh, bakit sinungaling si Essa para sa 'yo? Kinausap mo na ba siya? Alam mo ba ang katotohanan sa kanya?"
"Hindi rin po,"
"At?"
"Nasabi ko lang po, kasi nga po...tignan ninyo, ha? Sabi niya palaboy raw siya, pero bakit ganyan ang kutis niya, pangmayaman. Sabi niya nangangalakal at laking kalye siya. Pero hanep makapag-English, may accent pa! At higit sa lahat, ang mata niya ay kulay asul, ang kulay ng buhok niya’y natural blonde, ang ilong na sobrang taas, labi na sobrang nipis na kulay rosas. So, anong tawag doon, manang?" Mahabang paliwanag ko.
"Ganoon lang?" Tanging nasabi ni Manang.
"Anong ganoon lang po, manang?"
"Kasi, hijo, ganito 'yon. Labing dalawang taon lang si Essa, at labing dalawang taon na rin siyang nakatira sa kalsada, halos kada gising niya, tanging iniisip niya kung paano na naman niya haharapin ang panibagong araw para mairaos niya ang sarili niya. Labing dalawang taon niyang tinatanong ang sarili, kung bakit siya iniwanan ng mga magulang niya. Kung ano ang mayroon siya na naging dahilan sa pag-iwan sa kanya ng kanyang mga magulang. Nasabi niya sa aking hindi niya kilala ang mga magulang niya. Ang tanging kasama niya sa kalye ay ang nakapulot sa kanya. Pero hindi naman maaaring dumagdag pa siya sa pamilyang kumupkop nang siya’y sanggol pa, dahil pare-pareho lang silang laking kalye, at mangangalakal. Kaya nang binigyan siya ng pagkakataon ng daddy mong makapagtrabaho at manirahan dito, ay tinanggap niya para lang mabigyan ang sarili ng magandang buhay. May balak nga rin siyang mag-aral. Ako ang magiging ina niya, habang wala pang naghahanap sa kanya." Pagkwento sa akin ni manang.
Nakita ko naman si Essa na tahimik lang na naghuhugas ng plato, at naglilinis ng kusina. Ang sama ko palang tao kung iisipin. Dahil nanghusga kaagad ako, without knowing first the truth. And thanks to Manang Minda, dahil pinaliwanag niya lahat sa akin.
"Manang, thank you po, simula po ngayon, hindi ko na siya aawayin. Basta lang maging mabait rin siya sa akin." sabi ko.
Ginulo naman ni manang ang buhok ko.
"Mabuti naman, hijo, tara na, magpahinga ka na sa kwarto.” Sinamahan naman ako ni manang sa silid ko, dahil nga paika-ika pa akong maglakad nang dahil sa aking natamong sugat.
Hindi naman nagtagal si manang sa loob ng aking silid at umalis din. Kaya ngayon, nakahiga ako sa aking malapad at malambot na kama, habang nakatingin sa kisame.
Simula ngayon, hindi ko na siya huhusgahan.