Kabanata 17 Essa’s POV Mall Part 2 “Nasaan na kaya ang dalawang iyon?” alalang tanong ko sa sarili, nang hindi ko napansing napalakas ko pala ang aking pagkasabi, kaya hindi ko inaasahang sagutin niya ako. Akala ko kasi, abala siya sa pagtitingin ng mga pinamili namin, na ngayon ay binibilang na ng cashier. “Huwag mo na silang isipin, ang mabuti pa, pagkatapos nito, kumain na muna tayo roon sa second floor. Gutom na ako.” Seryoso niyang usal. “H-Ha? P-Paano sila?” Nagbuntonghininga naman siya. “Pakilagay na lang ng mga pinamili namin sa compartment ko, ito ang susi.” Sabay lapag niya ng susi sa tabi ng bagger. Mukhang pinagkatitiwalaan na niya ang sasakyan niya sa empleyadong iyon. Gusto ko sanang kum