CHAPTER TWO

1287 Words
NAPABALIKWAS nang bangon si Hunter dahil sinasampal-sampal siya ni Gail. Ang paboritong niyang pamangkin sa triplets. Nananaginip na naman siya. Labis na ang pangungulila niya kay Becca. Malapit na nga yata siyang mabaliw. Napakagandang panaginip sana pero iniistorbo na naman siya ni Gail. Kapag umuuwi siya sa bahay ng kanyang mga magulang ay walang ginawa si Gail kundi ang kulitin siya. Palibhasa kasi ay paborito niya ito. Nawawala na naman ang kanyang iniisip niya dahil sa makukulit niyang pamangkin. “Wait Tito!” wika sa kanya ni Gail. “Gising na po,” sagot niyang binuhat ito. “Where is my present?” pangungulit pa nito sa kanya. “Is it your birthday?” tanong niyang natatawa. “You said you always have a present for me?” makulit pa nitong tanong sa kanya. Ngumiti siya kay Gail. “I bought your favorite cake,” tugon niya. “I like it,” pumapalakpak na sagot ni Gail sa kanya. “Go with mama first. I need to take a bath.” “Don’t sleep again, okay?” nanlalaki pa ang mata na wika sa kanya ni Gail kaya natawa siya. Para na itong matanda kung magsalita. Tumango siya bilang sagot. Hinintay niya munang makalabas kwarto niya si Gail bago siya pumasok sa banyo. Binuksan niya ang shower at tinutok ang mukha sa dutsa ng shower. Hindi niya na naman mapigilan ang kanyang lungkot. Tumulo ang kanyang luha sa labis na pangungulila kay Becca. Mahigit dalawang taon niya na itong hindi nakikita. Gustong gusto niya na itong makayakap hindi lamang sa panaginip kundi sa totoong buhay. Napapagod na siyang gumising sa umaga na wala ang babae. Kasabay ng pagtulo ng luha niya ang pagbuhos naman ng tubig na nagmula sa shower. Hungkag ang palagi niyang nararamdaman. Laging may kulang. Kailanman ay hindi napagod ang kanyang puso sa paghihintay kay Becca. Patuloy pa rin siyang umaasa na isang araw ay makikita niya ulit ang babae. Paglabas niya ng silid ay nakita niyang umiiyak ang ama at ganoon din si Mama Carol. Hindi niya mapigilang hindi mapakunot noo. “May nangyari ba?” tanong niya kay Ezekiel. Buhat-buhat nito si Kiel. Isa sa triplets nito. “Wala na si Tito Raul,” wika ni Ezekiel na ikinabigla niya. “Bakit anong nangyari?” kahapon lang ay nakausap niya si Tito Raul. Okay pa naman ito. Pumapasok pa nga ito sa munisipyo. “Inatake sa puso,” wika ni Mama Carol. Hindi niya magawang sumagot. “Tinawagan mo na ba si Samuel?” tanong niya kay Ezekiel. Laging nasa Manila si Samuel lalo na kapag walang pasok. Ang alam niya ay may-asawa na si Samuel sa Manila at iyon ang binabalik-balikan nito. “Tinawagan ko na.” “Maghanda kayo at pupuntahan natin ang Tito Raul ninyo. Kailangan tayo ngayon ni Belinda,” wika pa ng kanilang Mama Carol. Ang tinutukoy nitong Belinda ay ang ina ni Samuel. Bihis na rin naman na siya at handa na siyang umalis anumang oras. ILANG sandali pa ay nasa byahe na sila. Sa kanya na sumabay ang Mama Carol at ang amang si Apollo dahil sa kabilang sasakyan ay si Ezekiel at ang asawa nitong si Alani. Kasama rin ng mga ito ang triplets at dalawang Yaya. Tulad ng kanilang nakagawian ay laging may nakabuntot sa kanila na bodyguard. Sa panahon ngayon ay mahirap ng magtiwala. Hindi na pwedeng maulit ang nangyari noon kay Melchor Perez. Sa dalawang oras nilang biyahe ay narating nila ang mansyon ng kapatid ng kanilang ama. Wala pang tao dahil wala pa namang nakakaalam na wala na si Tito Raul. Nauna silang dumating kaya inalalayan niya muna ang ama. Humahagulhol naman na niyakap ni Mama Carol ang naulilang asawa ni Tito Raul. Bumuhos na naman ang luha. Napansin niyang wala pa rin si Samuel. Napag-alaman niya rin na kinuha na ng punerarya ang Tito Raul. Sandali siyang lumabas ng mansiyon upang salubungin si Ezekiel. Nang makita siya ni Gail na naghihintay ay nagmamadaling itong bumaba ng sasakyan at nagpabuhat sa kanya. “Wala pa ba si Samuel?” tanong sa kanya ni Ezekiel. “Wala pa. Mukhang may inaayos muna sa Manila,” sagot niya. Iyon kasi ang sabi sa kanya ni Tita Belinda. Alas kwatro na nang dumating ang bangkay ni Tito Raul sa mansiyon pero si Samuel ay wala pa rin. Hindi niya tuloy mapigilang hindi maawa sa ina nito. Mugto na ang mga mata sa labis na pag-iyak dahil sa biglaang pagkamatay ng asawa. Ang mga nakikiramay ay isa-isa na ring dumating kung kaya naging abala na rin sila sa pakikipag-usap. Si Papa Apollo ay pinatulog muna ng kanyang Mama Carol dahil tumaas ang presyon nito nang dumating ang bangkay ng kapatid kanina. Hindi pa rin nito matanggap na ang kaisa-isang kapatid nito ay wala na. Abala siya sa pakikipag-usap sa mga kapwa pulitiko nang makarinig siya ng helicopter. Alam niyang si Samuel na iyon dahil may sarili itong helicopter. Kaya nga ang lakas ng loob nitong bumalik-balik sa Manila na tila ba sa kabilang baryo lamang iyon. Saglit siyang nagpaalam sa mga kausap at lumapit kay Ezekiel. Sa lawak ng bakuran nang mga ito ay kayang-kayang mag-landing ng helicopter. Lahat sila ay napatingin sa pagbaba ni Samuel sa helicopter nito pero lahat sila ay nagulat nang makitang hindi lamang nag-iisa ang lalaki kundi may kasama itong babaeng sopistikada at isang batang lalaki na naka american suit. Sa tantiya niya ay kaedaran lamang ng triplets ang bata. Napatingin siya sa babaeng kasama ni Samuel. Nakaitim na damit ang babae. She looks elegant and sophisticated. Matangkad din ito dahil halos kasing tangkad lang ni Samuel. Naramdaman niya ang malakas na pagtibok ng kanyang puso sa hindi niya malamang dahilan. Wala naman siyang ginagawa kundi ang hintayin lang na makalapit si Samuel sa kanila dahil hindi nila magawang lumapit dahil sa malakas na pag-ikot ng rotor blade. Humawak si Samuel sa babaeng kasama, samantalang ang batang lalaki ay parang model na naglalakad palapit sa kanila. Hindi niya mapigilang hindi humanga sa batang nakikita. Nang makita niya ng malapitan ang babaeng kasama ni Samuel ay natigilan siya. It was Becca. Ngumiti ito sa kanya na akala mo ay hindi siya kilala. Napatingin siya kay Alani at Ezekiel. Natigilan din ang mga ito at nagulat. Bagamat ibat-ibang Becca ang kaharap nila ngayon ay hindi maitatatwa na ito ang babaeng kanyang minamahal. Makapal ang make up nito at maayos ang pagkakaayos sa sarili. Ibang-iba ito sa simple lamang si Becca noon, hindi pala ayos at walang pakialam sa sarili. Nang ngumiti sa kanya si Becca ay hindi niya na napigilan ang sarili. Niyakap niya ito nang mahigpit. Napansin niya ang pagdilim ng mukha ni Samuel pero hindi niya ito pinansin. Ang mahalaga ngayon ay nayakap niya na ang babaeng matagal niya nang pinanabikang mayakap muli. “I miss you so much,” bulong niya sa babae. Nabigla pa siya ng bahagya siya nitong itinulak. Kumawala ito sa kanyang yakap. “Do I know you?” nakataas ang boses na tanong sa kanya ni Becca. Napansin niya ang accent sa pagsasalita ni Becca. Mukha na itong foreigner pero sigurado siyang ito si Becca. Ang boses nito ay nagpapalakas sa t***k ng kanyang puso. Humawak si Becca kay Samuel. “Hunter, siya ang asawa ko. Si Angeline David. Isang model,” wika ni Samuel sa kanya kaya napakuyom siya sa kanyang kamao. Susugurin niya sana si Samuel pero mabilis na hinawakan ni Ezekiel ang kanyang kamay. “Excuse us,” paalam ni Samuel sa kanila. Ngumiti pa si Becca sa kanila bago sila iniwan. Hindi siya pwedeng magkamali si Angeline David ay si Becca. Kilala iyon ng kanyang puso. Kinuha niya ang kamay ni Ezekiel sa kanya at mabilis siyang lumabas ng mansiyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD