CHAPTER THREE

1251 Words
HUMAHANGOS SA GALIT si Hunter nang makalabas siya ng mansiyon. Pakiramdam niya ay talunan siya. Kahit anong pilit niyang pakalmahin ang sarili ay hindi niya magawa. Kahit pa sabihin ni Samuel na ang babaeng kanyang kaharap ay si Angeline David ay hindi pa rin siya naniniwala. “Si Becca ‘yon Ezekiel. Believe me!” wika niya sa kapatid. “Pwede bang ikalma mo muna ang sarili mo? Hindi ka makakapag-isip ng mabuti niyan.” “Paano ako kakalma? Bumalik na si Becca pero sa ibang katauhan at asawa pa siya ni Samuel. What the f**k Ezekiel. Hinintay ko siya ng matagal,” wika niyang maiyak-iyak. Para na siyang baliw mabuti na lamang at walang tao sa labas dahil lahat ay nasa loob. “May itinatago sa atin si Samuel, Ezekiel. Nararamdaman ko,” dagdag niya pa. “Naiintindihan kita Hunter at naniniwala ako sa’yo. Kamukhang-kamukha siya ni Becca pero paano kung kamukha lang pala?” “Hindi Ezekiel. Nararamdaman ng puso ko na siya ang babaeng matagal ko ng hinihintay. Tumitibok ang puso ko sa kanya. Hindi ako maaaring magkamali,” sagot niya pa. “Then, let’s find out. Kailangan natin malaman ang totoo but please don’t make any scene. Burol ito ni Tito Raul. Ang magagawa natin ngayon ay alamin ang pagkatao ng asawa ni Samuel. Hindi kita iiwan okay?” tanong pa sa kanya ni Ezekiel kaya tumango siya kahit tutol pa ang kanyang puso. “I’m sorry,” sagot niya. “Halika na sa loob,” yaya pa sa kanya ni Ezekiel. “Mauna ka’na,” sagot niya kaya tumango ang kapatid. Nauna itong pumasok sa mansyon. Hinayaan niya muna na makalanghap siya ng sariwang hangin. Tama si Ezekiel. Kailangan nilang malaman kung sino si Angeline David at kung ano pa ang lihim ni Samuel sa kanila. Malakas ang kutob niyang may mali sa mga nangyayari. Pagpasok niya sa loob ng mansyon ay hinanap ng kanyang mga mata si Becca. Kasama nito si Samuel at ang anak na lalaki. Hindi mapigilang hindi kumirot ng kanyang puso sa kanyang nasaksihan. Siya dapat ang kasama ni Becca at hindi si Samuel. Siya ang mahal nito. Nang makita niya si Kiel ay hinawakan niya ang pamangkin at lumapit sa siya sa batang kasama anak ni Samuel. “Hi!” bati niya sa bata. Ngumiti ito kay Kiel. Sumagot naman ng ngiti si Kiel. “What’s your name?” tanong niya sa bata. “I’m Sam,” sagot nito. Hindi niya alam kung bakit tumibok ang kanyang puso nang marinig ang boses ng batang kaharap niya. Hindi niya mapigilang hindi matuwa sa batang kaharap. “I’m Kiel,” bibong sagot ng kanyang pamangkin kaya napangiti siya. “Nagugutom ka ba?” tanong niya pero umiling ito. Nagulat pa siya nang lumapit sa kanila ang nagpakilalang si Angeline David. Lalong lumakas ang t***k ng kanyang puso nang makita niya ulit ang babae. “Sam?” tawag nito sa bata. “Mommy, my new friend Kiel,” wika ni Sam. Ngumiti si Angeline kay Kiel bago siya tiningnan. “And you are?” tanong sa kanya ng babae. “Hunter,” sagot niya. “Sorry kanina akala ko kasi ikaw ang dati kong kakilala,” wika niya sa babaeng kaharap. “It’s okay,” sagot sa kanya ng babae. “Excuse us,” wika pa nito na hinawakan si Sam at lumayo sa kanila. Pinagmasdan niya na lamang ang babae nang makalayo ito sa kanya. Kahit magkaila pa ito sa kanya ay hindi siya nito mapapaniwala na hindi ito si Becca. “Hunter,” tawag sa kanya ni Alani. Nasa tabi niya na pala ito. “Bakit?” tanong niya. “Nakita mo na ba si Angeline David?” tanong sa kanya ni Alani. Ito ang una niyang minahal. Nabulag siya noon sa pagmamahal niya kay Alani pero ang totoo ay si Becca ang itinitibok ng kanyang puso. Kahit ina na ito ng tatlong bata ay maganda pa rin ang katawan nito. Palibhasa kasi ay alaga ng kanyang kapatid. “Oo,” sagot niya. “Kamukhang-kamukha siya ni Becca,” wika ni Alani. “Kaibigan natin si Becca, Alani at alam kong pareho tayo ng nararamdaman. Si Angeline at Becca ay iisa,” wika niya. “Oo Hunter. Kahit pa magsinungaling siya sa atin ay alam ko rin na siya si Becca pero bakit hindi niya ako kilala?” tanong ni Alani sa kanya. “Hindi ko alam kung ano ang sagot Alani pero malalaman ko rin ‘yan.” “Hindi ba si Samuel ang naghahanap noon kay Becca? Bakit ngayon ay kasama niya na at sa ibang katauhan?” “Hindi ko mapapatawad si Samuel kapag nalaman ko na tama ang hinala ko,” wika niya kay Alani. “Ngayon na alam na natin ang asawa na ipinakilala ni Samuel ay madali na lang natin malaman ang totoo. Lalabas at lalabas din ang katotohanan,” wika niya pa Alani sa kanya. “Kumusta si Papa?” pag-iiba niya ng usapan. “Kasama na ni Tita Belinda at Mama Carol.” Tumango siya. “Puntahan natin,” wika niya sa babae. Binuhat niya si Kiel at pinuntahan nila ang ama. Naroon din si Samuel at Angeline. Napansin niya ang mga titig ni Samuel sa kanya pero hindi niya ito pinansin. Marami pa siyang itatanong dito na dapat nitong sagutin. Napatingin siya sa kamay ni Angeline. Nakahawak ito sa kamay ni Samuel. Kitang-kita niya ang mahigpit na hawak ni Samuel sa kamay ng babae. “Kung hindi pa namatay ang ama mo ay hindi ko malalaman na may apo na kami,” wika ni Tita Belinda. Binuhat nito si Sam. “Alam po ni Papa ang tungkol kay Angeline at Sam. Hindi ko lang madala rito ang mag-ina ko ay dahil abala si Angeline sa pagmomodelo,” nakangiting sagot ni Samuel sa ina. Nagkatinginan silang lahat. “You know what Angeline? You look familiar,” wika ni Mama Carol na napatitig sa kanya. “Right Hunter?” tanong pa sa kanya nito kaya natigilan siya. Alam kasi ni Mama Carol na hinahanap niya si Becca dahil pinakita niya rito ang larawan ng babaeng kanyang hihintay. Napatitig siya kay Ezekiel. “Malayong-malayo po Mama,” sabat ni Ezekiel sa usapan. “Akala ko nga ay si Angeline si Becca pero tama po si Ezekiel. Hindi po siya si Becca,” sagot niya naman. “That’s also impossible Tita dahil ngayon lang nakarating sa Sorsogon si Angeline,” sabat naman ni Samuel. “At bakit hindi man lang kami na-invite sa kasal ninyon?” tanong pa ni Mama Carol. “Sa states po kasi kami nagpakasal. Nandoon po kasi ang mga magulang ni Angeline,” sagot ni Samuel. “Sayang naman kung ganun,” wika ni Mama Carol. “Don’t worry Carol at titiyakin ko na ikasal dito sa bayan natin si Samuel at Angeline,” wika ni Tita Belinda. Napansin niyang bahagyang napangiwi ni Angeline dahil sa sinabi ng ina ni Samuel. Hindi iyon nakaligtas sa kanya. “Maganda po ‘yan Ma,” sagot ni Samuel na ngumiti nang matamis kay Angeline. “Excuse us at mukhang inaantok na si Sam,” wika pa ni Samuel sa kanila at kinuha si Sam. Binuhat nito ang bata at inilayo sa kanila. Napansin niyang walang balak sumama si Angeline pero tinawag ito ni Samuel. “Excuse me,” wika ni Angeline sa kanila kaya tumango lang siya. Lahat sila ay napatingin sa mga ito. Alam niyang maging si Mama Carol ay nagdududa rin sa nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD