CHAPTER THIRTY-FIVE

1963 Words

HINDI MAPIGILANG hindi mapangiti ni Hunter nang makita niya si Sam sa pool side. Inaasikaso ito ni Becca. Ito na yata ang pinakamagandang tanawin na nakikita niya. Ang kanyang mag-ina. Hindi siya nakikita ni Becca dahil nakatalikod ito sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit sa kanyang mag-ina. Kaagad niyang hinapit sa bewang si Becca at hinalikan sa leeg dala na rin ng kanyang gigil. “Ay!” hiyaw nito sa kanyang ginawa kaya napakunot siya. Bigla niyang binitawan ang babae at napatitig siya rito. Hindi ito si Becca lalo pa at kilala niya ang boses nito. “Mayor!” bulalas ni Patricia na ikinabigla niya. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niyang nanlaki ang mata. Hiyang-hiya siya sa kanyang ginawa. “Akala ko ikaw si Becca. I’m really sorry,” namumula ang mukha niyang wika. Kung bakit ba kasi bl

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD