NAPASINGHAP SI SAMUEL nang biglang may humintong sasakyan sa kanyang harapan. Akala niya ay sasalpukin siya ng sasakyan pero nakapagpreno naman ito. Butil-butil ang pawis niya dahil sa nangyari. Akala niya ay katapusan niya na.
Nang makabawi ay galit na galit siyang bumaba ng kanyang sasakyan at nilapitan niya ang sasakyan na nasa kanyang harapan ng sasakyan.
“Baba!” sigaw niyang galit na galit.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng sasakyan at itinulak ang pinto sa kanyang katawan. Natumba siya dahil sa nangyari. Hindi niya iyon napaghandaan.
Nagulat pa siya nang makita si Hunter. Mabalasik ang mukha nito na nakatitig sa kanya. Gusto niya itong sugurin pero nagtimpi siya.
Tumayo siya mula sa magkakatumba at nakipagtitigan kay Hunter. Mas hamak na mataas ito at malaki ang katawan kaysa sa kanya.
"Masakit ba na matumba na walang kalaban-laban gaya nang pag-agaw mo kay Becca sa akin? Pinagmukha mo akong tanga Samuel!" sigaw sa mukha niya ni Hunter kaya napangiti siya.
"Hindi siya si Becca okay? Wala akong pakialam kay Becca dahil ang kasama ko ay si Angeline David," giit niya kay Hunter. "You know what Hunter? Nakakalimutan mo yata na isa kang Mayor sa mga asal mo. Para ka pa ring preso na putak ng putak," pang-iinsulto niya sa lalaki.
Nabigla pa siya nang bumunot ito ng baril at itinutok sa kanyang leeg.
"Kung ang katulad mo lang naman ang igagalang ko ay hindi ako mag-aaksaya ng panahon Samuel. Kaya kitang patayin ngayon din," galit na wika ni Hunter sa kanya.
Hindi niya magawang kumilos dahil nakatutok pa rin sa kanya ang baril nito. Pakiramdam niya ay maiihi siya sa takot.
"Hindi ako natatakot sayo Hunter. Kahit pa patayin mo ako si Angeline ay mananatiling akin at lalong hindi magiging si Becca si Angeline. The cheap girl of yours," sagot niya.
Napangiwi pa siya nang sikmuraan siya ni Hunter.
Napaubo siya sa sakit. Gaganti sana siya ng suntok pero muli siyang tinutukan nito ng baril. Muli siyang natigilan.
"Kung hindi ka lang isang Villareal ay kanina pa kita pinatay. Ang tulad mong traydor ay dapat sa ilalim ng lupa ibinabaon," wika pa sa kanya ni Hunter.
"May sasabihin ka pa ba?" tanong niya.
"Meron pa," sagot ni Hunter sa kanya. "Hintayin mo ang pagbawi ko kay Angeline," bulong nito sa kanyang tenga.
Malakas na tinapik siya nito sa kanyang balikat bago siya nito tinalikuran. Pagbalik nito sa sasakyan nito ay binangga ang kanyang sasakyan na ikinagulat niya.
"Crazy," wika niya kay Hunter.
Hindi niya talaga maintindihan si Angeline kung bakit nagustuhan nito si Hunter na mukha namang sanggano. Masyadong mataas ang tingin sa sarili lalo na ngayon na isa na itong Mayor.
Sinipat niya ang kanyang sasakyan. Bahagya iyong nayupi dahil sa nangyari. Galit na pumasok siya sa kanyang sasakyan. Gusto niyang gantihan si Hunter. Hindi siya makakapayag saktan siya ng lalaki. Napahigpit ang hawak niya sa kanyang manibela. Mayat-maya pa ay napangisi siya.
Hindi niya ibibigay ang mag-ina nito kahit ano pa ang mangyari. Magkamatayan na sila. Siya ang ama ni Sam at wala ng iba. Kanya lamang ang bata.
Tumuloy siya sa bahay ng kapatid na si Patrick. Pinapatawag kasi siya nito.
*************
NANATILING NASA LOOB ng sasakyan lamang si Hunter habang hinihintay niyang sagutin ni Angeline ang tawag niya. Nasa labas lang siya ng bahay nang mga ito. Ikinubli niya lamang ang kanyang sasakyan di kalayuan sa mansiyon ng bahay nina Samuel.
"Hello?" wika ni Angeline sa kabilang linya. Lumakas ang t***k ng kanyang puso nang marinig ang boses ng babae.
"Angeline."
"May i know who is this please?" malambing ang boses na wika nito sa kabilang linya.
"Mahal kita Angeline," sagot nita sa halip na sagutin ang tanong ng babae. Napansin niyang natigilan ito sa kabilang linya. "Mahal na mahal kita," dagdag niya pa.
"Hunter?" tanong ni Angeline.
"Nandito ako sa labas ng bahay ninyo."
"Anong ginagawa mo rito? Hindi ka dapat nandito Hunter," nag-aalala na wika ni Angeline sa kanya.
"Hindi ako mapakali hanggat hindi kita nakikita. Gusto kitang makasama Angeline. Gusto kita makita. Mayakap at muling madama."
Huminga nang malalim si Angeline sa kabilang linya.
"Mali ang nangyari sa ating dalawa Hunter. May asawa na ako at lalong hindi ako si Becca. Hindi ako ang babaeng hinahanap mo," giit pa nito sa kanya.
"Wala akong pakialam kung sino kay Angeline. Ang alam ko mahal kita at kapag hindi ka lumabas sa bahay na 'yan ay ako ang papasok diyan upang makita ka," sagot niya.
"Tinatakot mo ba ako?"
"Hindi kita tinatakot Angeline. Sinasabi ko lang ang gagawin ko. Lalabas ka o hindi?" wika niya pa.
"Wait!" wika nito kaya napangiti siya.
"Nasa backdoor ako. Doon ka dumaan," wika niya pa sa babae.
Pinatay niya ang tawag at mabilis na nagspray ng pabango sa kanyang katawan. Hindi niya mapigilang hindi ma-excite dahil sa muli nilang pagkikita. Hindi na nga siya makapaconcentrate sa trabaho dahil rito. Wala na siyang ibang iniisip kundi ang pagbabalik ni Becca at kung paano niya ito mabawi mula kay Samuel.
Humahangos na lumabas ng gate si Angeline. Wala itong kahit anong make up sa mukha kaya lalo niyang nakita muli si Becca. Mabilis niya itong nilapitan at niyakap niya ito nang mahigpit. Miss na miss niya ang babae. Ikinulong niya ito sa kanyang mga bisig.
"Hunter baka may makakita sa atin. Hindi ka na dapat pang pumunta rito."
"Mamamatay ako kapag hindi kita nakita Angeline."
"Papatayin naman tayo ni Samuel kapag nakita niya tayo," sagot ni Angeline sa kanya.
"Wala akong pakialam sa kanya," sagot niya.
"Halika, pumasok ka sa loob. Wala si Mama at kasama niya si Sam. Ang mga katulong naman ay abala sa paglilinis," yaya sa kanya ni Angeline kaya napangiti siya.
Kumalas siya sa pagkakatakap kay Angeline.
"Sigurado ka?"
"Mas delikado rito sa labas. Isa pa mag-uusap lang tayo," wika pa ni Angeline sa kanya kaya ngumiti siya.
Hinila siya ng babae sa loob ng bahay pagkatapos ay binuksan nito ang silid na malapit sa backdoor. Sa tingin niya ay guest room iyon.
Hindi pa man nasasara ni Angeline ang pinto at siniil niya na ito ng halik.
"Hunter, sandali!" awat ni Angeline sa kanya. Itinulak nito ang kamay sa kanyang dibdib.
Kinuha niya ang kamay ni Angeline at hinalikan ang mga 'yon. Pinaliguan niya iyon ng halik habang ang kanyang luha ay patuloy na tumutulo sa kanyang pisngi. Ang sakit sakit sa dibdib na kasama niya ngayon ang babaeng mahal niya pero hindi pwedeng maging kanya dahil asawa na ng iba.
Iniisip niya lang ang mga bagay na 'yon ay nanghihina na siya.