CHAPTER 10
**April Esguerra**(His voice is Familiar)
Alas otso na ng gabi, agad na nakatulog ang mga anak ko sa kapaguran. Paano kasi wala na kaming ginawa kundi mamasyal at maglibot. Alas sais na ng makauwi kami. Tumayo ako saka ko sila isa isang kinumutan at dahan dahan akong lumabas sa kwarto. Nagpunta ako sa kwarto ko para makabihis na rin at makapagpahinga. Napagod din ako, nang biglang nagring ang phone ko kinuha ko ito sa bag ko. Nagulat ako dahil tumatawag si Marisa. Sinagot ko to kaagad.
"Hello!" agad siyang nagsalita.
"Hoy babae ka, nasan kang lupalop ng mundo ha,tumatawag ako saiyo kanina pa, pero nakaoff ang phone mo"
"Pasensiya kana beshy, busy ako knina saka kaoopen ko lng ng pagdating namin ng mga bata, pinatay ko kasi ng nasa labas kami para walang istorbo" paliwanag ko sakanya.
"Alam mo ba, bat ako nagagalit?, tumawag ako kay Nanay Belen, sinabi niya wala kana doon sa kanya umalis kayo ng mga anak mo, kaya kita tinatawagan nag aalala ako sainyo"
"Ok lang lang kami beshy, kamusta kana kailan ka uuwi ng pinas"
"Wag mo nga ibahin ang usapan, nasaan ka ngayon at mga bata san kayo nakatira ha, naku pag may nangyari jan sa mga inaanak ko lagot ka sakin"
"Wag ka mag alala ok lang kami. Saka andito kami ngayon sa maynila"
"Ha!! Andito kayo sa maynila, kailan pa? Bakit kayo andito, tamang tama, nandito rin ako, kauuwi ko lang kahapon galing UK,saan kayo banda dito, pupuntahan ko kayo ngayon din"
"Ah nakauwi kana pala, Nasa Quezon City kami ngayon,bukas kana lang pumunta gabi na, magpahinga kana muna"
"Ano, ba kasi ngyari sainyo"
"Mahabang kwento, saka ko na lang sasabihin saiyo, sige na saka na tayo mag usap antok na ako"
"Andito din ako sa quezon, magkita tayo saglit nasa bar kasi ako, kasama ko mga batch ko sa collage"
"Ayaw ko, pumunta sa ganyang lugar, alam mo naman diyan nagsimula ang bangungot ko sa buhay"
"Ayy ang OA ni lola, dika pa naka move on, halika kana sunduin kita, para makapag relax ka naman, saka may ibibigay ako saiyo"
"Ayaw ko, saka walang kasama mga bata, tulog na sila"
"Ako na bahala sa mga anak mo, sasama ko mamaya si manang diyan, pumunta kasi siya dito sa maynila, para sunduin din ako pauwi sa cebu marami kasi ako bagahe kaya kailangan ko ng kasama, papasuyo ko stay muna siya diyan para may tumingin sa mga bata"
"Ayaw ko parin pagod ako sa susunod na lang, ayaw ko ipagkatiwala ang anak ko sa iba" pagtatangi ko sa kanya.
"Common girl, kasambahay namin siya ng pinanganak ako, sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa akin, akin na address mo, ngayon din"
"Marisa, di nga pwe--" diko pa tinapos sinabi ko nagsalita ulit siya.
"Akin na ang adress mo, miss na kita please lang beshy, sige ka habang buhay akong magtatampo sayo"
"Oh sige na nga, saglit lang tayo doon, ayaw kong magtagal doon"
"Yess,!! Oo saglit lang tayo doon, namiss talga kita beshy, teka magsuot ka ng katulad dati, badgirl style"
"Oo na, sige itext ko na lang sayo ang adress, sige bye" napabuntong hininga ako, dahil sa kakulitan ni Marisa, pag di kasi ako papayag, magtatampo talaga yun, Tinungo ko ang aking closet para magbihis, kinuha ko ang isang, denim shorts na maiksi, pinarisan ko ito ng croptop na maliit ang strap, kinuha ko din ang boots shoes ko, lahat black, ito ang style ko nung akoy teen ager pa lamang, sinuot ko ito, nababagay naman sakin dahil sa maputi ako, napakaseksi tignan, kita ang pusod ko, saka ko sinapawan ng swater jacket na stripe, na kulay black and grey, tumayo ako sa salamin, bagay na bagay sa akin, para akong bumalik sa pagka teen ager. Naglagay din ako ng konting make up, sa konting lipstick na red. Pagkatapos ko nagbihis pinuntahan ko muna mga anak ko, sakto naman nagising si Black.
"Mommy, ang ganda niyo po, may pupuntahan po kayo,? Tanong ng anak ko
" Yess anak saglit lang si mommy ha, kasama ko si tita ninang mo, may makakasama kayo maya dito, ok lang ba sayo anak?"
" Yess mommy, dont worry magrelax ka muna, We are ok here, "
" Sige anak, matulog kana ulit, mamaya dito na si mommy, andiyan na tita ninang mo bukas, mamasyal tayo kasama siya! "
" Talaga mommy yehey, sige po mommy enjoy po kayo" Sakto naman tumawag ulit si Marisa, andiyan na siya sa labas ang bilis naman niya,.
Pagkalabas ko sa bahay nakita ko siya sa labas, kumakaway sa akin, may kasama din siya na may edad na nas 40's na ito. Agad ko siya pinuntahan niyakap niya ako ng mahigpit nagkaiyakan pa nga kami.
"Ang ganda talaga ng beshy ko walang kupas bagay na bagay sayo yang suot mo," pagpupuri nito sa akin
"Salamat beshy ikaw din,"
"Nambola ka pa, namiss talaga kita, lets go na lets enjoy tonight"
"Ok tara na," nagpasalamat din ako sa magbabantay sa mga anak ko.
****Leonardo Williams****
Pagkarating ko dito sa bar, agad kong tinungo ang isang couch sa gilid, Agad naman lumapit ang waiter, dinalhan ako ng isang boteng whisky. Alam na niya kasi ang iniinom ko, dahil lagi ako dito.
Agad kong sinalinan ang baso ko. Panay ang tagay ko, pero di pa ako natatamaan.
Nang may magsalita sa harap ko.
"Are you drinking, without us?" di ko na pinag aksayahan na tignan pa kung sino ito, dahil boses palang alam ko na.
"Fvck off?, leave me alone" inis kong sinabi. Pero nagtawanan lang silang tatlo
"Kahit kailan di parin nagbabago, sungit parin, laging galit sa mundo" tawang sagot ni Aldrin, yes andito ngayon ang pinsan ko, kasama si king, isama po pa ang isang mokong na si, Alexander. Nagsama sama ang magaling mam bwisit, buti wala si Louise isa din yun.
"Why! Wala ka so mood ngayon? Tanong Aldrin." Yeah why, dude nabitin ka ba " pang aasar na sabi din ni king.
" Shut up! "sigaw ko sa kanila.
" Kailan pa naging maganda ang mood niyan, laging galit" sabad naman ni Alex.
"I said, shut up, I gonna kill all of you"
"You fight again, with your mother, thats why your in a bad mood right" sabi ni Alex. Paano niya nalaman, sigurado tumawag nanaman sa kanya si mommy.
"Its not your business," walang emosyon kong sinabi, sabay tumagay ako.
"Let me guess, she's forcing you again to get married right couz." sabi ni aldrin. Alam na alam niya kasi pati siya pinipilit din ni mommy mag asawa kaso ayaw din, pero wala pa rin nagawa. Dahil engaged na siya, kagagawan ni Mommy.
"Why dont you get married, now dude, pagbigyan mo na lang si tita baka gusto na magka apo" sabad din Ni King.
Ngumisi ako saka tinignan ng masama.
"Nagsalita din ang gago, kahit ikaw din naman, wala ka din asawa, kahit nobya wala ka," inis na sabi ko.
"Tama na yan lets drink," sabad ni Alex.
"Wait! Bakit kayo nandito, at kayong dalawa kailan pa kayo dumating"
"What?! Tinatanong mo kung bat kami andito diba bukas ang grand opening ng hotel mo dito. Natural invited kami" sabi ni Aldrin. Alam kong invite sila ni Alex.
"What ever" inis kong sabi.
"Ok drink all you want its my treat" Sabi ni Alex, sabagay sa kanya 'tong bar.
"Natural this is your treat dude, it' s your bar, and wow so many beautiful here specialy that other side, that girl is so hot" sabi ni King habang nakatingin sa kabilang mesa, napatingin kaming apat doon, mga grupo ng mga babae, na masayang nagtatawanan, pero naagaw ng atensyon ko yung isang babae, na nasa gilid .Parang di komportable kasi di siya nakikisabay, diko siya masyadong makita.
Dahil natatakpan ng buhok ang kalahati ng mukha niya. Nang tumingin siya sa gawi namin. Nagtama ang paningin namin. At may bigla akong na raramdaman, ang lakas ng kabog ng dibdib ko, at ang puso ko parang nagwawala na diko maintindihan.
"Fvck! what is this feeling, I feel like I'm nervous and excited" sabi ko sa sarili ko.
"Damn! what is she doing here" nagulat na sabi ni Alexander.
"Why dude kilala mo siya?" Tanong ni Aldrin kay Alex. Di naman siya sumagot.
"Hey, cous, baka matunaw siya sa katitig mo, type mo diba lapitan mo na" pang uudyo sa akin ni Aldrin.
"Di kita masisi dude she's freaking beautiful and hot woh!!" sabad ni king.
"Biglang lumapit sa amin ang isa nilang kasama, alam siguro nila na nakatingin kami sa kanila.
"Hey, handsome's, wanna join us in our table" yaya nito sa amin. Na agad agad din na sumunod tong tatlong to.
"How about, you handsome, you dont want to join us".
"No need, thanks" tipid kong sinabi.
At bigla akong hinila ni Alex.
"Common, dude lets join them, andun na yung dalawa. I'm sure you will like it, halika na bago ka pa nila, maunahan dun sa babaeng tinitigan mo kanina, I think she'your destiny" sabi ni Alex habang nakangisi sa akin.
"What? Are you crazy, di mo alam pinagsasabi mo, bitawan mo nga ako iwan mo ako dito kayo na lang pumunta doon" I admitted she's attractive, and she capture my attention, pero hindi ibig sabihin noon gusto ko siya, iisa lang ang nag mamay ari sa akin siya lang wala ng iba pa. Pero hinila parin niya ako, at dinala doon, pagkarating namin sa table nila. Namangha ako napakaganda niya sa malapitan, na parang may nag uutos sa akin na angkinin siya. Nakakaramdam ako ng kakaiba nag iinit ang buong sistema ko. Na matagal ko ng di naramdaman sa mga babae na lumalapit sa akin. This girl is so damn hot. She make me hard oh this feeling I miss it.
"Fvck, damn it, this is crazy" panay ang mura ko para pigilan ang sarili ko.
"Hey, Leonardo Ace Williams, is comeback, being girl magnet , A play boy is wakin up in his body" sigaw ni pinsan kong si Aldrin habang nakikipagtawanan kay King. Biglang nagising ang diwa ko, at nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi Ni Aldrin. Inayos ko ang upo ko saka tinagay ko ang alak na hawak ko na parang walang nangyari, para makaiwas sa panunukso nila diko alam pero laki ng epekto nito sa akin.
***April Esguerra ***
Naiilang ako sa titig ng lalaki na nasa harap ko, para akong natutunaw sa bawat titig niya, Di niya ito tinanggal ang pagtitig sa akin. Biglang tumapat sa kanya ang ilaw na kanina pa umiikot. Oh my god, tao pa ba itong nasa harap ko. Napakagwapo, at ang daming packs ang tigas ng tindig. Hindi di ako naatract pero diko maiwasan. Ang gagandang lalaki din ang mga kasama niya. Yung isang kasama nila, bakit parang pamiliar siya.
Parang nakita ko na siya pero diko alam kung saan. Di na siya tumuloy dito tumalikod agad saka umalis.
"Beshy ok ka lang" tanong ni Marisa
"Oo naman ayos lang ako" sagot ko.
"Relax ka lang ha, di naman tayo magtatagal dito mamaya alis na tayo"
"Hi beautiful, I'm Aldrin and you" sabay lahad ang kamay niya sa akin pero, sumingit si Marisa.
"She's taken already, and she have 3kids now, so fvck off" inis na sigaw nito.
"What! Are you kidding me, are you jealous may loving Fiance, because I pretend that I didn't know you just now"
"No, way as if naman ma magseselos ako, sa pangit mong yan yucks, mahiya ka naman uy, saka she's my friend, I need to protect her, kasi malalagot ako sa tatlo niyang boy's, lalo na sayong babaero lahat pinapatos, bakit kasi naging Fiance ko ang isang tulad mo,"
" What did you say, mind your words my Fiance. Alam ko naman na nagseselos ka
"Hey wait stop arguing pinagtitinginan na tayo, saka wait Aldrin siya yung sinasabi mong Fiance mo na patay na patay sayo" sabad na sabi ni King kay Aldrin.
What may Fiance na si Marisa bat diko alam. Bat niya di sinabi sa akin.
Samantala itong kaharap kong lalaki, di maalis ang tingin sa akin, na yun naman ang kinabilis ng pagkabog ng dibdib ko, at parang lalabas na ang puso ko. Teka ang mga mata na yan parang pamiliar bat parang katulad sila ng mga anak ko lahat ng kilay expression ng mukha, at parang may bumabalot na itim na aura sa katawan niya, ay parang si Black, pag titigan mo siya mabuti, kamukha niya mga anak ko, posible baka nagkataon lang. Bigla akong napatili ng may humawak sa mga balikat ko at napatayo ako at diko nabalanse ang katawan ko at matutumba na ako, pero bigla akong sinalo ng mahahabang kamay at matitigas na braso, nasalo agad ako ng lalaki sa harap ko, napasubsob ang mukha ko sa dibdib niya, ang puso ko diko na mapigilan nagwawala na ito.
Naramdaman kong mahigpit niyang hawak ang beywang ko, na parang ayaw niyang bitawan, at parang may milyo milyong bultahe ng kuryente na dumadaloy sa buong katawan ko.
Tinayo niya ako bigla. Magkalapit na ang aming mga mukha. Titig na titig parin siya sa akin. Nag iinit ang mga pisngi ko sa sobrang lapit niya pati hininga niya nararamdaman ko. His voice, No nagkataon lang, napaatras ako dahil bigla ako nakaramdam ng takot na diko maintindihan. Ang boses na yun diko makakalimutan,.
"Are you ok miss" pag alalang tanong nito sa akin, nagulat ako sa itsura nito galit na galit ang mga mata nitoy parang umaapoy, para talaga siyang si Black pag nagalit. "Yes--s I'm--ok" uutal kong sagot. Bigla siyang sumigaw at bigla din tumayo ang dalawa nitong kasama na parang handang susugod sa giyera.
"Hey, damn you what do you think are you doing! Are you crazy" galit na sigaw nito.
"So what I like this girl, is she your girl? Besides even shes your's. Walang diko kayang di makuha," maangas na sabi ng lalaki. Na ito yung kinagalit niya ng husto, hinila niya ako sa likod niya. Wait tinitigan ko ang likod niya familiar ang likod na ito at saka yung pabango niya, that night di ako nagkakamali that's smell diko malilimutan.
" What did you say, are you kidding me, you know what, Kaya kitang patayin dito ng walang nakikialam, di mo alam kung sino binabangga mo bastard!" Sigaw nito
Akmang susuntukin sana na niya ang lalaki na nambastos sa akin pero naawat siya ng mga kasama niya.
"Enough dude, let me handle this, alam mong expert ako dito, kilala mo ako matagal na din akong di nakapag exercise" sabad ng kaibigan niya nataranta kami ni Marisa.
"Tama na yan wag na kayo mag away and you go away, bago pa kami tawag ng pulis" pangaawat ni Marisa.
"Hahaha di nyo alam kung sino ako, kaya kong ipasara tong bar na 'to, and you girl Gusto din kita maybe ikaw na lang ang parausan ko ngayong gabi" pambabastos na sabi ng lalake.
Nabigla kami ng bigla na lang bumulagta ang lalake sa harap namin ang bilis ng pangyayari, sinuntok siya ng Fiancé ni Marisa. Nagagaliiti siya sa galit susuntukin pa sana nito pero sumugod ang mga kasama ng mga lalake na nasuntok nila. Kaya nagkagulo ng husto.