Chapter 3

2281 Words
CHAPTER 3 Gabi na ng makarating ako sa bahay dahil sa part time ko sa isang bar.Alas dose na pala sigurado tulog na mga anak ko. Sobrang na giguilty ako, diko na sila naasikaso ng maayos mabuti andyan si nanay Belen. Pag kapasok ko sa bahay daretso agad ako sa kwarto ng mga anak ko, mahimbing na ang tulog nila. Umupo ako sa gilid ng kama, isa isa ko silang hinalikan at hinaplos ang mga mukha. "Sorry babies kung laging abala si mommy, dont worry nextime babawi ako sa inyo.Sa ngayon kailangan ni mommy makapag ipon para mabili ko mga gusto niyo" Tinitigan ko sila ng husto ang aamo ng mga mukha nila sobrang gwapo, lahat gagawin ko para maibigay ang lahat ng pangangailangan niyo, maliban lang sa isa. Diko kayo mabigyan ng ama, diko siya kilala at namukhaan man lang, kaya nagsinungaling ako na patay na siya.Alam ko gusto niyo magkaroon ng ama pero wala ako magawa, diko namamalayan tumutulo na pala ang mga luha ko. Diko tinanggal ang titig ko sa sakanila paano na kaya kung tinuloy ko ang paglaglag ko sainyo noon. Sorry mga anak muntik ko na kayo mapatay. Dahil sa diko matanggap ang ngyari sa akin dati kayo ang sinisisi ko kung bat naging miserable ang buhay ko. Pero natauhan ako, wala pala kayong kasalanan bat ko kayo idadamay sa nagawa kong kasalanan. "Kayo ang buhay ko mga anak" Akmang tatayo na sana ako ng biglang hinawakan ni Black ang aking kamay. "Mommy, diba sabi ko na sainyo wag na kayung umiyak. Even we dont have daddy, We have you and we are happy we dont need anything we are only need you. I love you mommy please dont be sad anymore" sabay niyakap niya ako ng mahigpit saka ako hinalikan sa noo. Para talaga siyang matanda kung magsalita at mag isip. "Thank you anak I love u too kayo ng mga kapatid mo, saka sorry diko kayo mabigyan ng buong pamilya" tuloy tuloy ang pagluha ko habang yakap ang anak ko. "It's ok mommy, stop crying baka magising pa mga kapatid ko, you need to take rest now mommy, starting tomorrow I need to find you a husband para maging happy kana good night mommy" "Sige na nga, basta yung gwapo at mayaman ang hanapin mo para sa mommy ha! Okay goodnight anak matulog kana may pasok ka pa bukas I love you" Natawa na lang ako sa mga pinagsasabi ng anak ko.. Pagkagising ko ginawa ko lagi ang tungkulin ko bilang isang ina ang gisingin ang mga babies ko tuwing umaga. Pagkatapos pakainin sila at ihatid sa school pagkahatid ko sa kanila agad akong nagpaalam para pumasok na rin sa trabaho ko. "Wait mommy sabi ni teacher kausapin ka daw po niya" sabi ni Brown. "Hah! bakit daw anak, may nagawa ba kayong di maganda?" "No! Mommy she only want to ask you something " sabat naman ni Blue. "Mommy, teacher want to talk to you, for the competition for the three of us, if you agree" paliwanag naman ni Black. Tinignan ko ang relo ko kung aning oras na may fifteen minutes pa ako kaya sumama ako sa mga anak ko papuntang room nila. Habang naglalakad ako kasama ang mga anak ko bigla ako nailang kasi kami pinagtitinginan at pinagbubulungan ng mga ibang magulang na andun. Hindi kasi ako lagi pumapasok sa loob ng classroom. "Nagbubulungan na nga naririnig ko pa mga chismosa talaga" sabi ko sa sarili ko. "Siya ba yung nanay ng mga Triplets, ang bata ilang taon kaya siya nung nabuntis" "Kaya pala nabuntis ng maaga kagandang babae" "Sayang lang walang ama mga anak niya" Yan lang naman ang mga naririnig ko pero diko na lang sila pinansin. " Dont mind them mommy, ngayon lang sila nakakita ng maganda at mga gwapo" Natawa ako sa sinabi ni Brown. Nang makarating kami sa class room ng mga anak ko. Naririnig ko mga studyante na maingay at tumitili na oara bang mga teen ager na. "Ang ganda talaga ng mommy nila noh" "Oo nga, kaya gwapo din mga triplet's" Biglang may lumapit sa akin na cute na bata ang liit niya pero kaedad lang siya ng mga anak ko. "Hello,mommy po kayo nina Black Brown at Blue,ang ganda niyo naman po" "Oh thank you anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya ang cute niya kasi. "I'm Sunny, Future wife of Black" Bigla akong natawa sa sinabi niya wow kabata bata palang niya alam na ang bagay na ganito. "Sunny mga bata pa kayo sa ganyang bagay ha" natutuwa talaga ako sa kanya. "No way, I dont want her shes so annoying and so noisy" inis na sabi ni Black. "Okay wag kana mainis Black, oh andiyan na pala si teacher niyo, Good morning mam" Bati ko kay Mam Melinda. "Oh goodmorning too, buti sumaglit po kayo dito" "Gusto niyo po daw ako kausapin". "Oo Miss Esguerra tungkol sa competition ng mga bata sila kasi ang napili na representatives ng school namin this week,gusto po ng school na isali po sila math contest ang kagandahan po nito, pag sila nanalo sa school competition makakatanggap sila ng schoolar ship" "Talaga po mam, maganda po yan magandang opportunity po ito para sa mga anak ko oh anak payag ba kayo sumali sa competition" natuwa ako dahil diko na problemahin ang pag aaral nila dahil may schoolar. "Ok mommy we will compete" sabi ni Brown. " Yess Mommy I'm in too" sabad naman ni Blue. "We will compete, so dont worry mommy I'm confident that we will win" sagot ni Black na parang sure na sure na. Sabagay, matatalino naman talaga silang tatlo laging nagunguna sa klase. Katunayan di sila pahuhuli yun nga lang laging pangalawa sina Brown at Blue. Pagdating sa rank si Black kasi ang laging nangunguna at di nagpapatalo sa dalawa niyang kapatid. Sobrang talino niya mas matalino siya talaga kina Blue at Brown. Diko alam kung san sila nag mana di naman ako matalino baka nga matalino ang ama nila nakakalungkot lang kasi diko naman siya kilala. At ayaw ko naman na talaga siya makilala kung sino man siya. Ibaon ko na lang ito sa limot hanggang akoy mawawala sa mundong ito. Sinira niya ang pangarap ko, may time na siya sinisisi ko sa ngyari sa akin. Pero kung tutuusin ako namam talaga ang may kasalanan.. Pagkatapos ng usapan namin ng teacher ng mga anak ko, nagpaalam na din ako medyo late na rin ako sigurado masasabon nanaman ako nito ni mam Kylie. Sumakay agad ako ng tricycle papuntang trabho ko. Pagkadating ko doon agad agad akong pumasok sa hotel para di ako mapansin ni Mam Kylie. "Hoy bruha, san ka ba galing late ka ng kalahating oras, kanina kapa hinahanap ni mam umuusok ang ilong" nag aalalang sabi ni Joy sa akin. "kasi galing pa ako school ng mga bata, pinatawag kasi ako ng teacher nila" "Oh siya halika na magtrabaho na tayo baka kasi makita pa tayo ni Mam" Nagsisimula palang akong ayusin ang dapat ayusin sa mesa ng may biglang nagsalita na pamilyar sa akin. "What time now, youre late. Miss Esguerra, Lagi kana lang ganito ha, after lunch go to my office, you understand".. Galit na sabi nito. "Yess mam sorry po dina mauulit," "Walang sorry, sorry pag maulit pa ito di ako magdadalawang isip na tanggalin ka sa trabaho"At saka siya tumalikod at umalis. Napabuntong hininga na lang ako, ayaw ko mawalan ng trabaho I need this work. Inayos ko ang aking sarili at huminga ako ng malalim para marelax ako. " Laban lang April".... "Ok ka lang bruha, wag mo na siyang isipin, halika kana magtrabaho na lang tayo" aya ni Joy sa akin at nagsimula na kaming magtrabaho. Iniisip ko ano kaya sasabihin ni Mam sa akin kinakabahan ako nang mag lunch break na pumunta muna ako sa office ni Mam kylie.. Kinakabahan man ako nirelax ko ang aking sarili. " Wag kang kabahan April kaya mo yan" . ang daming pumapasok na kung ano ano sa isip ko baka kasi tanggalin niya ako sa trabaho naku wag naman sana. Andito na ako ngayon sa harap ng pintuan ni Mam kinatok ko ito ng tatlong beses.. " Come in" sabi nito. "Mam andito na po ako ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo" "You may seatdown first" aya nito sa akin. Sinunod ko agad ang kanyang sinabi, nakakakatakot kasi itsura niya. "Dina ako paligoy ligoy pa, Ikaw ang napili ko na ipadala sa Maynila, para sa bagong hotel na bubuksan this next months, mas malaki ito kaysa dito. Kailangan kasi nila ng bagong tauhan dun, And I recommend you" sabi niya. Di agad ako nakasagot nabigla ako paano ang pag aaral ng mga anak ko. "Mam, sorry to say but mas gusto ko na lang po dito, saka diko maiwan ang nanay ko po" katiwiran ko sa kanya. "This is good opportunity for you and your kids Miss Esguerra," "Pero mam, dito na po ang nakasanayan ko, saka mas gusto ko po dito" "Are you sure na ayaw mo dun, ang sahod mo doon is doble kumpara dito. Saka wala ka ng alalahanin sa titirahan mo kasi company na bahala sayo. At maganda pa dun, pwede mo ipasok ang mga kids mo sa magandang school. Na wala kang babayaran. Company ng hotel ang bahala doon, lahat yan libre, dahil galing ka dito yun ang ginagawa nila sa bawat lilipat" saad nito. "Mam, maganda po offer niyo kaso tanungin ko muna mga anak ko" "Ok I give you one week to decide, you can tell me what is your desisyon. Pwede kana lumabas, para mkapaglunch Alam mo na, kung saan mo ako hanapin. Pagnakapagdesisyon kana". Pahabol nitong sinabi saken. Pagkatapos ay lumabas na ako sa office niya,. Diko alam kung susundin ko ba ang offer niya. Magandang opportunity kasi ito para sa mga anak ko. Kaso nag aalinlangan ako, kung tutuusin ok na kami ng mga anak ko dito. . Ayy ewan saka ko na yan isipin. Naglakad na ako patungong canteen, para kumain gutom na din ako.. "Uy bruha, okay ka lang bat ang lalim ng iniisip mo, tulala lang ang peg, sana maganda parin kahit tulala" Biro ni Joy. " Kain na lang tayo, gutom na ako eh" Yaya ko sa kaibigan ko. Habang kumakain kami, lumapit sa bandang mesa namin si Clarissa, siya lang naman ang babaeng laging galit sa akin na wala naman akong ginagawa sa kanya. Sadyang mainit lang dugo nito sa akin. "Balita ko, may bago daw na bubuksan na hotel sa maynila, at kukuha daw sila ng magandang receptionist dito sa hotel na to. Para dalhin sa maynila siyempre alam na kung sino ang dadalhin doon.At ako yun ako lang naman maganda dito" pagmamayabang nito sabay tingin sa akin. Ha nagulat naman ako san kaya banda ang ganda niya na sinasabi nito. siyempre di ako nagpapaapi at nagpapatalo. "Wow congrats, at saka saan banda ang ganda mo diko ata makita" pang aasar ko sa kanya na kinausok ng ilong nito. Akmang susugurin niya ako pero, napigilan siya ng kaibigan niya. Talagang papatulan ko tong babae na to eh Sumosobra na. "Tama na yan bruha, wag mo na patulan yan, basta importante maganda ka". "Halika kana wala na akong ganang kumain"Hinila ko na palabas si Joy sa canteen baka di ako makapagpigil, eh Maingudngud ko pa pag mumukha niya. Pagkatapos ng trabaho ko dumaretso na ako sa bahay, di muna ako pumasok. Nagpaalam muna ako sa pinapartiman kong bar. Gusto ko kasi makabawi sa mga anak ko kahit sa pagpatulog man lamang sakanila. Pagkapasok ko sa loob ng bahay nadatnan ko silang tatlo sala. Si Blue at Brown naglalaro sila naghahabulan. Samantala si Black nakaupo na nakadekwatro sa may sofa habang nagbabasa ng libro. Mukhang matanda na ito at napakaseryoso ang mukha di parin nila ako napansin. Palapit na ako sa kanila ng biglang tumakbo si Brown at Blue sa akin. "Mommy we miss you," sabay yakap sa akin ni Brown. "Mommy, maaga po kayo ngayon ah" saka ako hinalikan ni Blue sa pisngi. "Mommy, bat aga niyo po" tanong naman ni Black sa akin pero di man lang ako sinalubong. "Siyempre namiss ko mga babies ko eh, kaya umuwi ako ng maaga". "Bakit ka nga maaga mommy" tanong ulit ni Black na parang matanda. "Siyempre namiss ko kayo, kumain na ba kayo"? "Tapos na po mommy," sagot ni Blue "Mga anak gusto niyo ba, pumuntang maynila at doon na mag aral?" " Why mommy aalis na ba tayo dito?" Nalilitong tanong ni Brown. "Hmm no anak kung sakali lang naman" "It's up to you mommy, kung saan po kayo doon din po kami" Sabad ni Black "Wow mommy, gusto ko po pumunta ng maynila, maganda daw dun sabi ng kaklase ko po I want to go there" Masayang sabi ni Blue. "Talaga mga anak gusto niyo pumunta doon. Sige mamasyal tayo pag may pera tayo dadalhin ko kayo doon".. "Yehey I'm so excited!" sigaw at nagtatalon saya sina Blue at Brown. "So childish, tsktsk" sabi ni Black sa mga kapatid sabay umakyat na sa taas. "Sige mga anak magsiligo na kayo at wait niyo si mommy ok" agad naman sila sumunod. "Anak kumain kana, tinirhan kita ng pagkain mo saka magpahinga kana din, ngayon ka lang maagang umuwi" "Nay Belen salamat po, sige po kakain po ako mamaya."sabay yakap ako sakanya wala lang namimiss ko lang siya. "Ano ba nangyayari sayong bata ka, sige na kumain kana para makapagpahinga kana rin" sabi niya saka ako kumalas sa pagkayakap sa kanya. "Opo nay salamat po, pahinga na din po kayo nay" tumango na lang siya saka nagpaalam. Napabuntong hininga na lang ako saka ako nagtungo sa kusina at kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD