“Hmm.. A-Aquila?” nag dadalawang isip na banggit ni Maximus, hindi nya malaman kung ano ang dapat itawag sa babae. Nilingon naman siya nito at umupo sa couch habang may dalang isang baso ng ice cream. “Ada na lamang Ginoo, sa inyong mundo ako si Ada.” “Pero yung itsura mo?” “Ginoo, hindi ko na alam kung sa papaanong paaran ko maibabalik ang aking buhok, sinubukan kong ibalik ito sa nag daang gabi ngunit ayaw ng manumbalik," she said still eating. Napansin niyang bumalik sa maputlang labi ang mga labi nito na kaninang umaga lamang ay kakaiba ang kulay. “Maybe we can do something about it.” “Paumanhin?” “Wala,” he answered at umupo sa couch habang may hawak diyaryo sa kanang kamay and a coffee on his left hand. “Kung gayon ano ang nais mong itanong sa akin Ginoo?” Bago sumago